CHAPTER 019 - Felt Like Missing Peace of the Puzzle

1.7K 57 12
                                    




"I haven't seen the Alexandros lately," komento ni Dani Biyernes ng hapon habang naglalakad sila patungo sa gymnasium para manood ng laro sa pagitan ng junior at senior high. "How long has it been? Two, three days? Ang huling kita pa natin sa kanila ay noong araw na tinampal nitong ns Queen Boss si Big Boss."

"Don't call me that, Dani," suway niya sa kaibigan.

Si Kaki na nakayuko sa cellphone at tumitipak ng message na ipadadala sa mga magulang ay nagsalita rin, "Ang narinig ko ay suspended sila hanggang sa Lunes. Kasi noong araw daw na iyon ay nakipagbugbugan sina Marco at Raven sa mismong opisina ni Miss Reni kung saan dumating ang mga magulang ng accounting student na ni-bully rito sa school. Naalala niyo 'yong babaeng hinatid nina Marco sa cafeteria noong lunchtime na 'yon? Her parents came that afternoon to complain; may kasamang pulis. Ipinatawag ang buong Alexandros para magbigay ng statement, at naroon din sa opisina ang mga bullies na ini-reklamo ng babaeng estudyante. Nagkapikonan ang dalawang kampo kaya hayon, nagsapakan sa harap ng mga adults. Kung walang pulis doon, baka napuruhan ang grupo ng mga bullies. Although sina Marco, Jet, at Raven lang naman ang nakipagbunuan, ang buong grupo na ang ni-suspinde ni Miss Reni para hindi mahalatang may pinapanigan siya."

"Wait..." Huminto si Dani at nakataas ang isang kilay na hinarap si Kaki. "May alam kang ganitong tsika pero hindi mo sinasabi sa amin?"

"Dahil walang nagtatanong. Besides, wala namang paki si Luna kaya bakit ko pa iku-kwento?"

"Kahit hindi na kay Luna, kahit sa akin na lang, ano!"

"Anong silbing malaman mo?" Bumungisngis si Kaki at itinuloy na rin ang paglalakad.

Siya na hindi nag-abalang huminto sa paghakbang ay nilingon si Kaki. "How did you know all that info, anyway?"

Sumabay muna ito sa kaniya bago sumagot. "Nasa faculty room ako kahapon para kunin ang mga papeles na pinakukuha ni Miss Blangko. Narinig ko ang pag-uusap ng mga teachers."

Tumango siya at hindi na nagsalita pa.

            Ngayon ay alam na niya kung bakit sa nakalipas na tatlong araw ay wala siyang naramdaman mula sa buong grupo. Walang origami, walang lunch, at walang mga asungot. Not that she needed and or missed those– hell no. Pero...

            Pero bakit ganoon? Bakit ganito ang nararamdaman niya?

Yesterday, she cringed when she found herself staring at her desk, thinking about that stupid origami flower. Nagtayuan ang mga balahibo niya nang mapagtantong wala na sa tama ang takbo ng isip niya. Because why the heck would she think about that folded paper?

            Pero lalong nagtumindig ang mga balahibo niya nang maisip niyang tuluyan nang sumuko si Ryu Donovan at makaramdam siya ng... hindi pamilyar na kahungkagan. That was not what she expected to feel! Inasahan niyang matutuwa siya, magsi-celebrate dahil sa wakas ay tinigilan na siya nito. But emptiness? Why?

It's not like she cared about them– about him? It's not like they were friends and she enjoyed seeing them around?

But then, the missing origami and Ryu Donovan's absence made her think about something. The last time she remembered feeling this way was when her mom stopped cooking Brandon's favorite ulam; pinakbet.

She hated pinakbet, lalo na 'yong okra at ampalaya. Pero dahil paborito iyon ng kapatid niya ay araw-araw na naghahanda ang mommy niya ng ganoon para kay Brandon. Each night during dinner, a bowl of pinakbet would always be seen on the table. Brandon was the only one who would eat that, and she would always look at it with disgust on her face. Magre-reklamo siya sa amoy ng bagoong na nakahalo sa ulam, pagkatapos ay tutuksuhin siya ni Brandon at ipakikita sa kaniyang sarap na sarap ito sa kinakain. She would then fakely throw up to respond to Brandon's teasing.

The Alexandros Series: MY HEART REMEMBERS (REVAMPED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon