CHAPTER 030 - R. D.Van

1.9K 56 3
                                    


"Sa loob ng halos apat na linggo, muling tumubo ang mga ugat at namulaklak ang mga halaman," nakangising wari ni Dani nang makalapit siya sa desk niya.

Ang kaniyang tingin ay nakatutok sa desk; she did not expect to see that familiar object there. And she thought she got used to not seeing it there anymore, but why the excitement?

Why was she excited about seeing that familiar folded paper there?

"Is that a smile on your face?" manghang sambit ni Kaki na gumising sa sandali niyang pagkakatigil.

Nilingon niya ang kaibigan, at nang makita ang panlalaki ng mga mata nito sa pagkamangha ay sunud-sunod siyang umiling. "O-Of course not! Bakit ako ngingiti?"

"Ewan ko sa 'yo..." Nagdududang ibinaba ni Kaki ang salamin sa mata bago dinugtungan ang sinabi. "And there I thought you were happy to see the origami."

"Loka ka, hindi 'no. Why would I be happy to see this trash?" Hinablot niya ang origami at kung papaano na lang na inisuksok iyon sa bulsa ng suot niyang palda.

"O, eh bakit sa bulsa ng palda dumiretso at hindi sa basurahan?" tanong naman ni Dani, taas-kilay.

"Oh my God, you two! Ano ba ang problema ninyong dalawa?" Pahampas niyang ibinagsak ang bag sa ibabaw ng desk at nakapamaywang na hinarap ang mga ito. "Sisirain niyo ba talaga ang araw ko at–"

She stopped when suddenly, her classmates began to sing a birthday song. Sabay na sumilay ang ngiti sa mga labi nina Kaki at Dani, at umikot ang kaniyang tingin upang makita na pinaliligiran na siya ng mga ka-klase niya habang patuloy sa pagkanta.

At sa isang iglap ay biglang lumusot si Stefan mula sa likuran ng kanilang mga ka-klase, at sa pagkamangha niya ay may bitbit itong pabilog na cake.

Nakangiti itong lumapit at huminto ng ilang dipa sa kaniyang harapan. Saktong natapos ang pagkanta ng mga ka-klase nila, at doon nagsalita ang binata, "Happy birthday, Luna."

Napatingala siya rito, biglang nagningning ang mga mata.

"Stefan bought the cake for you," sabi ni Kaki sa kaniyang likuran. "At nag-ambagan naman kami para rito."

Sa paglingon niya ay nakita niya ang ini-abot ni Kaki na malaking box.

Her heart was filled with gratitude.

"Bago mo buksan ang regalo nila sa 'yo, make a wish and blow this candle first."

Ibinalik niya ang tingin kay Stefan at ningitian ito. Bumaba ang tingin niya sa hawak nitong black forest cake. Sa gitna ay may pulang kandila. She closed her eyes, uttered her wish, and blew the candle. Nagpalakpakan ang mga kaklase niya.

"Thank you for the cake, Stefan," madamdamin niyang sambit na ikinangiti lang nito.

Sunod niyang binalingan ang regalo. Inabot niya iyon mula kay Kaki; kinunutan siya ng noo sa bigat. Lalo siyang nagtaka nang makitang may maliliit na mga butas sa ibabaw niyon. Maingat niyang ipinatong ang box sa desk at maingat ng binuksan.

Pinanlakihan siya ng mga mata sa nang makita ang isang tuta sa loob; a brown labrador retriever. Parang may kung anong sumabog sa kaniyang dibdib; she was so happy she couldn't utter a word. Maluha-luha niyang kinuha mula sa loob ang tuta. "Oh, you poor thing... Binalot ka pa talaga nila sa loob ng box..."

"Hoy, kanina lang namin siya ini-lagay r'yan, ha?" depensa ni Dani. "May ka-klase tayong nakabantay sa locker area. Nang makita ka niyang dumating ay mabilis siyang pumunta rito sa classroom at noon pa lang namin ipinasok sa box 'yang cutiepie na 'yan."

The Alexandros Series: MY HEART REMEMBERS (REVAMPED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon