Maagap niyang ini-kubli ang sarili. Muli siyang yumuko at naupo sa sahig, muli niyang niyakap ang bag at muling ipinikit ang mga mata. Umaasa siyang dala lang ng antok, pagod, at gutom kaya niya nakikita at naririnig si Ryu Donovan doon.He is not real... He is not real. Here is not here.
Pero ayaw dinggin ng langit ang panalangin niya. Dahil totoong may kasama siya sa library. At napatunayan niya iyon nang makarinig siya ng kalabog, kasunod ng ingay mula sa mga nahulog na aklat at pagmumura ni Ryu.
"Ah, damn it. Now I made a mess."
Ang sunod niyang narinig ay ang pagbukas ng pinto at muling pagsara niyon.
Huminga siya nang malalim. Mukhang umalis na si Ryu.
Nagbilang siya ng hanggang sampu. Sa ika-sampu ay saka siya unti-unting tumayo. Sa mga sandaling iyon ay nasanay na ang kaniyang mga mata sa dilim, kaya kahit papaano ay nakikita na niya ang daan papunta sa pinto. Dahan-dahan siyang naglakad upang hindi maka-sagi ng kung anong gamit. Ayaw niyang maantala ang pag-alis niya.
Wala na siyang pakialam sa ulan. Susuungin na lang niya iyon, at hindi bale nang mabasa siya. She needed to leave now, lalo't alam niyang narito rin ang Ryu Donovan na iyon sa ganitong oras.
Nasa kalagitnaan na siya ng pagbaybay sa madilim na library nang biglang bumukas ang pinto at isang nakasisilaw na liwanag ang tumama sa kanyang mukha.
She covered her eyes with her arm as she tried to see who did that..
Pero bago pa man niya maaninag kung sino iyon ay muli niyang narinig ang pamilyar na tinig,
"Luna?"
Muling kumulog nang malakas dahilan kaya siya napa-uklo sabay pakawala ng impit na tili. Muli niyang ipinikit ang mga mata at mahigpit na niyakap ang bag.
Si Ryu ay mabilis na lumapit at hinawakan siya sa siko saka siya inalalayang maupo sa isa sa mga stool. Gusto niya itong itulak, pero mas nangingibabaw ang takot sa kaniyang dibdib higit sa kung ano pa man. At tila may sariling buhay ang kaniyang mga kamay, dahil kusa ang mga iyong umangat at kumapit sa braso ni Ryu upang doon ay kumuha ng lakas... o tapang.
Nagpatuloy pa ang pagkulog at pagkidlat, kaya kahit na nakaupo na siya ay hindi pa rin niya maalis ang kamay mula sa pagkakahawak sa braso nito. At hindi niya alam kung gaano sila katagal na ganoon. Hindi niya alam kung gaano siya ka-tagal na nakahawak sa braso nito, at ito sa kanang siko niya. He also didn't take his hand off her.
Lumipas pa ang ilang segundo, nahinto muli ang pagkidlat at pagkulog. Doon unti-unting naging mahinahon ang pakiramdam niya. At doon lang siya muling nagmulat ng mga mata. Pagmulat niya'y ang nakalapag na ilaw sa sahig ang una niyang nakita; and she realized it was a flashlight. Umangat pa ang kaniyang tingin at nahinto sa kamay niyang nakahawak sa braso nito. Sandali siyang natigilan. Nakaluhod ang isang tuhod ni Ryu kaya magka-lebel ang kanilang mga mukha.
And her hand was gripping his muscled arm. Yes– muscled. Hard and toned. And she realized that he actually had a sporty body. Dahil laging nakatakip ng topcoat ang katawan nito'y hindi niya masabi kung anong uri ng katawan mayroon ito. At first look, Ryu Donovan seemed like someone who had a regular body in his age. Hindi payat, hindi mataba, pero hindi rin maskulado.
Boy, was she wrong.
Kung ang pagbabasehan ay ang nararamdaman ng kamay niya ngayon, she could easily tell that this man was constantly working out to build those muscles around his triceps and biceps.
"Are you okay?"
Nagising ang diwa niya nang marinig ang sinabing iyon ni Ryu. Tila napapasong inalis niya ang kamay mula rito sabay iwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
The Alexandros Series: MY HEART REMEMBERS (REVAMPED VERSION)
RomansaBOOK 1 - The Alexandros Series NOTE: The original version can be found on Dreame. But this version here on Wattpad is revamped and will be published in hard copy. ❤️ SYNOPSIS: He was known as "The Boss". She was known as the Boss' "Flavor of the Mo...