"HOW HAVE YOU BEEN, SWEETHEART?""I missed everyone..." ungos ni Luna habang kausap ang ina sa telepono. She was in her bed with her notebooks scattered around her. Nakadapa siya at nakaharap sa laptop niya at nag-si-scroll sa isang website upang maghanap ng sagot sa assignment. Sa isang kamay ay ang cellphone niya.
It was seven in the evening, at madalas sa ganoong oras ay kausap niya ang pamilya.
"Well, ang sabi ng daddy mo ay subukan mo muna at kung hindi mo na kaya ay umuwi ka na lang at araw-araw ka na lang ihahatid sa Carmona–"
"Oh, come on. Aabalahin ko pa talaga si Dad para ihatid lang ako?" Humagikhik siya saka nangalumbaba. "I'll be fine, mom. Nasasanay na rin naman ako, kaso ay minsan, nakaka-miss 'yong bahay. Lalo na 'yong hapunan. I miss your cooking."
"Oh, honey. Kung hindi mo lang kami pinilit na r'yan sa CSC mag-aral ay hindi ako sasang-ayon na mag-isa kang mamuhay r'yan sa Carmona. You don't even know how to properly fry an egg– at nag-aalala akong baka puro instant noodles lang ang kinakain mo."
"Mom, sinusunod ko ang bilin ni Dad na bumili ng pagkain sa labas–"
"Which is something I don't want you to get used to. Pag-uwi mo rito sa Sabado ay kailangan mong tumambay sa kusina para unti-unti ka nang matuto sa pagluto, okay?"
She pouted and said, "I don't think that's possible, mom. Nangako na ako kay Brandon na sasamahan siya sa music class niya sa Sabado."
Brandon was her thirteen-year old brother. Mula first grade hanggang sixth grade ay naka-focus ang atensyon nito sa soccer, hanggang sa nitong nakaraang summer, matapos itong makakilala na musikero sa parke. Napukaw ang interes ng kapatid sa musika, at nang magbukas ulit ang school year ay nag-umpisa na itong pumasok sa isang music training center sa kasunod na bayan.
"Oh, hiniling ba niyang samahan mo siya sa Sabado?"
"Yeah, and he wanted to show off; gumagaling na raw sa pag-pi-piano, eh."
"Well, he has a very good mentor. Lagi niyang ibinibida 'yong music teacher niya, ikaw na lang ang mananawa sa pakikinig."
"Buti pa si Brandon..." Ngumuso siya at tumihaya.
"What do you mean?"
"Buti pa siya, nag-i-enjoy."
"Hindi ka nag-i-enjoy sa CSC?"
"I mean, I do. Pero... may mga bagay na sumisira sa mood ko."
"Like...?"
Binalikan niya sa isip ang manyak na lalaking iyon sa likod ng Literature Department building. She grimaced in annoyance. "Like guys."
"Ohhh..."
And she rolled her eyes up because she could tell how her mother would grin on the other line.
"May mga nanliligaw na ba sa unica hija namin?"
Pasagot na siya nang marinig niya ang tinig ng ama sa background;
"Bawal munang magpaligaw hanggang sa hindi ka pa disi-otso!"
Her mother chuckled. "You heard what your father said."
"I know the rules, mom, at hindi ako nagpapaligaw." Masyado pang maaga para sabihin niya sa mga magulang ang tungkol sa college student na iyon. "You know what? H'wag niyo na lang intindihin ang sinabi ko at baka kung ano na naman ang isipin ni Dad. I don't want him to pull me out of CSC just because of this."
BINABASA MO ANG
The Alexandros Series: MY HEART REMEMBERS (REVAMPED VERSION)
RomanceBOOK 1 - The Alexandros Series NOTE: The original version can be found on Dreame. But this version here on Wattpad is revamped and will be published in hard copy. ❤️ SYNOPSIS: He was known as "The Boss". She was known as the Boss' "Flavor of the Mo...