Nagpasiya siyang h'wag nang sabihin kina Dani at Kaki ang tungkol sa nangyari noong Sabadong iyon. Pagdating ng Lunes ay bumalik siya sa Carmona. Dahil sports festival sa buong linggo, ang lahat ng mga estudyanteng kabilang sa mga sports team ay exempted sa mga lessons.Sa buong araw ng Lunes ay nasa field sila ng buong volleyball team para mag-practice. Ang mga ito rin ang nakasama niya sa lunch, at pagdating ng hapon ay nagkaroon sila ng maiksing meeting at pasado alas-sinco na naghiwa-hiwalay.
Nasa footwalk sila ng mga team mates niya patungo sa main high school building nang mula sa unahan, pasalubong sa kanila, ay may pamilyar na bulto siyang nakita. Huminto iyon at hinintay siyang makalapit.
"Great timing," bulong niya bago itinuloy ang paghakbang. Nang makalapit na siya ay, "Iniwan ko sa guard house ang coat mo. Washed, dried, and steamed. Malinis pa sa intensiyon mo, kaya kunin mo na lang doon." Then she walked past him.
Narinig niya ang banayad na pag-ngisi nito. "How's the game?"
Umikot paitaas ang mga mata niya at itinuloy lang ang paghakbang. Ang mga team mates niyang kasunod lang niya ay natigilan at nagbulungan nang makita ang lalaki. Sa katunayan ay wala siyang problema sa mga team mates niya, alam ng mga itong wala siyang gusto sa college hotshot. Pero hindi pa rin ang mga ito sanay sa presensya ng lalaki, kaya ganoon ang reaksyon ng mga ito.
"Can we cheer for you on your first game on Friday?"
Sa sinabi ni Ryu ay napahinto siya at napalingon. "Ayaw kong matalo, kaya h'wag ninyong gagawin 'yan ng mga tropa mong baduy."
Ryu's grin was wide and bright. "Well, ayaw kong matalo ka kaya sige, hindi namin gagawin. But we will still watch, and we will still clap whenever you score."
"Suit yourself." Sinulyapan niya ang mga teammates na hindi kumilos sa kinatatayuan. "Let's go."
"May gumugulo pa rin ba sa yo?"
"Meron. Kaharap ko ngayon."
Lalong lumapad ang ngisi ng luko-luko. "I mean, the college girls. Are they still glaring at you?"
"I didn't notice." Which was true. At hindi niya alam kung dahil sa nasanay na siya, o dahil buong araw ay nagpa-practice lang sila sa field, o talagang wala na?
"I made sure they'd leave you alone. Pero kung mayroong matigas ang ulo, let me know and I'll talk to them."
Muli lang niya itong in-ismiran bago siya muling nag-akmang tatalikod upang ituloy ang paghakbang.
"Hindi ba nanood ng practice game ang dalawa pang Powerpuff Girls?"
Kumunot ang noo niya. "Excuse me?"
"Sina Dani and Kaki. Hindi ba sila nanood at naghintay sa 'yo hanggang sa matapos?"
"Did you really just call us The Powerpuff Girls?"
Ngumisi itong muli. "I did."
"Why?" Ganitong pagod siya sa practice ay ayaw niyang pinaglololoko siya.
"Because you're a trio, and you all look cute. You don't like it?"
"I despise it."
"Why not?"
"Dahil hindi namin kailangan ng baduy na pangalan para sa pagkakaibigan namin. Dahil hindi kami jologs katulad ninyo, Alexandros."
Natawa ito sa sinabi niya. "Sayang. Bagay pa naman kay Dani na tawaging Blossom. Bagay kay Kaki na tawaging Bubbles. At ikaw... bagay tayo."
BINABASA MO ANG
The Alexandros Series: MY HEART REMEMBERS (REVAMPED VERSION)
RomanceBOOK 1 - The Alexandros Series NOTE: The original version can be found on Dreame. But this version here on Wattpad is revamped and will be published in hard copy. ❤️ SYNOPSIS: He was known as "The Boss". She was known as the Boss' "Flavor of the Mo...