[Danilo POV]
Agad akong nakatanggap ng tawag mula sa isang dating kaklase, na nagsasabing alam daw niya kung nasaan si Alysson Mercado.Kaya kahit sabihin mang meron akong business meeting sa isang importanteng kliyente na isang professional photographer na si Lincoln Ross Wealth ay hindi ako nagdalawang isip na i-cancel ito.
Hindi dahil sa madali lang kumita ng pera, kundi dahil sa higit na mas importante sa akin si Allyson kaysa sa business ko, dahil kung hindi siya dumating sa buhay ko, ay wala rin akong ganitong yaman na tatamasain.
Agad ko nang ipinahanda ang aking sasakyan at nagmaneho, pina-bakasyon ko muna ang aking driver sabay bigay tawag kay Reykardo.
Ilang segundo rin bago niya ito sagutin, "What's up?"
"Hello pare!", ang bati ko.
"Anong maipaglilingkod ko sa iyo at kay aga-aga nangdidistur-" hindi niya na naituloy yung sasabihin dahil agad ko na sa kanyang binanggit ang katagang “Si Dakbo".
Na alam kong umagaw ng kanyang atensyon."Anong tungkol kay Alysson?"
"Pupuntahan natin siya kaya maghanda ka na ng sarili mo" yun yung tangi kong naisabi sa kanya habang hindi ko mapigilang mangiti habang iniisip na muli ko namang makikita si Alysson.
Teka, paano nga ulit kaming nagkakilala?
Ganito yan mga pre.
Noong 1989, ay isinilang ako sa mundo. Alas singko ng hapon.
At alas singko y kensi ay idineklara na ni papa na magiging Engineer ako. At sa kasamaang palad, iyun nga ang kinahantungan ko.Ngi wala man lang ang nag-abalang magtanong kung ano nga ba yung gusto kong maging…
wala yata silang pakialam eh, basta't masunod yung gusto nila.
State College of Engineering, yun yung sikat na paaralan dito sa Pilipinas para sa mga taong gustong maging engineer. Mahal ang tuition, at mataas talaga ang kalidad ng edukasyon roon at sinasabing ito ay nalalapit nang maging isang International School, at sa kasamaang palad, aba'y doon ako napadpad.
Bitbit ko noon ang aking dalawang bagahe habang tinatahak ang malawak na paralan ng State College of Engineering, maraming estudyante at masasabing silang lahat ay pormal tingnan sa suot nilang magandang uniporme na aakalain mong mga iskolar noong unang panahon.
Agad ako noon napahinto sa harap ng Notice board kung saan nakapaskil ang listahan ng mga kwarto ng bawat dormitoryo at kung sino ang mga taong makakasama mo. Doon nga ay nakita ko ang pangalan ko, na nasa itaas ng pangalan ni Reykardo Talisay at nasa baba naman ng pangalang Alysson Timothy Francisco Diosdados Macapagal Aquino Mercado.
Sa listahan pa lamang ay kapansin-pansin na siya, dahil sa haba ng kanyang pangalan, na nakakamanghang bigkasin.
At kaming tatlo ay magkakasama sa iisang room, Room A-31.
Pagtalikod ko ay biglang may tumanong sa akin na binata na kasing edad ko lamang pero madungis itong tingnan, may kagwapuhan pero hindi agad mapapansin dahil sa suot nitong pang 90's na hindi mo alam kung naligaw ba ng lalakbaying panahon.
"Room number?", ang nakangiti niyang tanong.
Ako naman ay hindi ko alam pero agad kong sinabi na, "A-31". At walang pagdadalawang isip ay agad niyang kinuha ang mga dala kong gamit at nagsimula nang maglakad.
Sinundan ko naman siya ngunit nanatili akong nasa likod niya. At habang naaaliw akong pagmasdan ang magandang pagkakadisenyo ng paaralan ay bigla siyang nagpakilala na, "Ako pala si Vinson Volt, pero kadalasang tinatawag ng mga engineering student bilang si Vivo. At sa usaping paglalabada, pamamalantsa, paglilinis, pangungopya ng assignments at pagsulat ng mahabang lecture, ako ang kadalasang hina-hire ng iilan. Maaasahan at mapagkakatiwalaan. Wag kang mag-alala, mababa lang naman ang service fee ko at wala nang tawad."
At hindi ko na siya pinakinggan dahil agad naagaw ang aking atensyon ng mga cute na munting pusa kaya naman ay hindi na ako nag-atubiling kunan ang mga ito ng litraro matapos ko ilabas ang isang mamahaling camera mula sa bag ko.
Ito yung isa sa mga sekreto na ikinatatago-tago ko mula sa pamilya ko: yung kagustuhan kong maging Professional Photographer at writer, pero makulit talaga yung tadhana, at ginawang eye sore yung mga camera at pictures maging ang type-writer sa mata nina mama at papa. Kaya heto ako, sa halip na sundin yung gusto ko sa buhay ay hindi ko magawa dahil sabi nila sa akin, kailangan ko raw maging mabuting anak.At magiging mabuti lang daw ako kung susundin ko ang kanilang mga utos.
"Ito pala si Antiproton, Antineutron at Antiquark", ang masayang pagpapakilala niya sa akin sa tatlong kuting sabay turo sa ina ng mga ito, "At ito naman si Fermion"
Ang astig nga ng mga pangalan kasi inihango talaga sa elementary particles ng electrons. Pero ang higit kong kinaastigan ay ang litratong kinuha ko na kung saan ay hawak ni Vivo yung tatlong kuting habang nakangiti ng matamis.
Hindi naman sa nababakla ako, pero aaminin ko, ang cute niya ritong tingnan.
At nagpatuloy na kami sa paglalakad, at sa paglipas ng ilan pang minuto ay narating naman namin sa wakas ang room A-31.Naunang pumasok sa loob ng silid si Vivo na siyang sinundan ko rin. At nakita ko sa loob ng room ang isang lalaki na nakasuot ng sutana na ani mo ay isang pari o sakristan habang may hawak na insenso at pinauusukan ang mga santong nakatayo sa sarili nitong altar.
"Wag kang mag-alala, yan si Reykardo Talisay. Mukha lang yan baliw pero hindi yan nananakit. Pagkat isa yata yang kandidato sa mga magsasanto", ang wika ni Vivo na patuloy sa paglalakad papasok at tsaka inilatag ang gamit ko sa gilid.
"Hi ako pala si Danilo Salazar", ang pagpapakilala ko nang nagkatinginan kami, pero hindi yata siya palakaibigan kasi hindi niya pinansin yung kamay ko na naghihintay na maki-shake hands sa kanya. At ayun, muling bumalik sa pagsasambit ng mga latin na panalangin habang abala sa pagpapausok sa kanyang mga santo.
"Hayaan mo na yan. Ganyan lang yan banal. Nagbabanal-banalan. Pero nakakasigurado ako na sa paglipas din ng ilang mga araw, mawawala ang pagkasanto niyan lalo na kapag nakakita yan ng mga hubad na mga babae sa mga magasin", ang nakangiting sabi ni Vivo na tila inaasar bang ito si Reykardo lalo na ng sabihin niyang, "O Diyos ko bigyan mo naman ako ng isang babaeng mavi-virginize. Ah."
Ako naman ay natawa ng bahagya pero sinita siya ni Reykardo at pinalabas. Kaya naman itong si Vivo ay naningil na ng ginawa niyang pagdala ng mga gamit ko, "Bente lang bawat bagahe. Bali kwarenta lahat."
Agad akong napahablot ng pera mula sa aking bulsa at ibinigay sa kanya ang singkwenta sabay sabing, "Keep the change. Malakas ka sa akin eh."
"Salamat boss sa tip", ang wika niya habang palabas na ng pinto sabay sabing, "Bilang kabayaran. Suotin mo yung pinakabago at maganda mong salawal mamayang gabi", at kumindat muna ito sa akin bago tuluyang umalis.
Samantalang si Reykardo naman ay nagtataka at napatanong sa aking ng, "Bakit?"
Ako naman ay napailing sabay sabing, "Aba malay ko."
BINABASA MO ANG
DakBo
RandomPROLOGUE (Inspired by the movie entitled 3 Idiots) Sa paglipas ng ilang taon ay napagod rin silang hanapin ang kaibigan na kung tawagin ng iilan ay si DakBo na pinaiklisng kataga ng Dakilang Bobo na nagngangalang Alysson Timothy Francisco Diosdados...