Chapter 14

704 50 0
                                    

[Reykardo POV]
 
"Wag na kayong maglipat ng ibang room", ang sabi ni Alysson na siyang ikinatigil namin ni Danilo. Ayaw naman talaga namin ang lumipat ng room, lalo pa at isang maayos na roommate si Alysson idagdag mo pa na isang magandang kwarto itong room namin, kaya bakit kami lilipat?

 
Lilipat kami kasi mas mahalaga pa rin sa amin ang pag-aaral. At sakaling hindi namin sundin ang utos ng Direktor ay baka kami ulit ay pagkainitan at tuluyan nang matanggal sa SCE.

 
"Paghindi kami lumipat baka higit kaming kainitan ni Direktor", ang wika ni Danilo na may malungkot na mga mata.

 
"Ang whole idea manlang ng sinabi niya ay para malayo kayo sa akin sa paniniwalang isa akong masamang impluwensya sa inyo", ang wika niya na pilit inililibang ang sarili sa paraan ng pagtitig sa bawat sulok ng silid kahit yung totoo ay nalulungkot na ito. "Kaya ako na lamang ang aalis."

 
Pipigilan sana namin kaso, wala na kaming nagawa dahil kanina pa pala nasa labas ng pinto lahat ng gamit niya.

 
Isa sa bagay na hindi ko maintindihan, bakit panay ang titig ni Vivo kay Danilo? Magkaano-ano ba yung dalawa?

Tapos napatingin ako kay Danilo, at, kinikilig at nagbu-blush ang loko.

 
Agad nang dinala ni Vivo ang mga bagahe ni Alysson sabay tanong, "Saan po natin ito dadalhin?"

 
"Doon sa bahay ng walang awang si Lacsaman", ang lakas loob na sabi ni Alysson. "Kasalanan niya kung bakit ako napalayo sa mga kaibigan ko, kaya siya dapat ang managot nito."

 
At nagsimula na nga silang maglakad palayo sa room namin.
 
Hayy…mako-kompleto kaya ang araw namin na hindi nakakasama si Alysson sa room?
 

DakBoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon