[Reykardo POV]
Horror story ba ito?Bakit nakikita ko ang sarili ko sa harapan ng malaking salamin na nakaupo, habang may sugat ang noo na kasalukuyang dumurugo. Isama mo pa ang mahigpit na pagkakagapos namin ni Danilo na nasa tabi ko lang.
At kasalukuyang walang malay.Kaya para magising, ay inihanda ko talaga ang ulo ko at sa pagbilang ko ng tatlo ay hindi na ako nagdalawang isip na ibundol yung ulo ko sa ulo niya.
Kaya ang resulta, ay nagising siya na pinauulanan ako ng mura samantalang ako naman ay higit nakaramdam ng pagsakit ng sugat ko sa noo.
"Nasaan ba kasi tayo?", ang inis niyang sabi.
"Nasa horror film yata at tayo yung napagdiskitahang maging karakter ng Wrong Turn sa susunod nilang palabas", yun yung biro ko na sana ay hindi narinig ng taong pumasok na nakasuot ng makapal na jacket, may suot na maskara na katulad ng kay Jason at sa kanyang kamay ay hawak niya ang chainsaw.
At sa totoong usapan, parang gusto kong tawagin lahat ng santong kilala ko at umpisahan nang magdasal lalo na at sinimulan niya nang paandarin yung chainsaw.
At ang ingay nun, ay higit nalamangan ng magkasabay naming sigaw ni Danilo na dala ng sobrang takot.
"Bakit kayo napunta rito?", ang tanong ng lalaki.
Pero hindi namin iyun nasagot dahil pinangunahan na kami ng kaba.
Ilang sandali ay higit niyang inilapit ang chainsaw na parang ilang saglit ay mapuputol na ang leeg ko. Patuloy ang chainsaw sa pag-andar, hanggang sa sumigaw si Danilo.
"Pasyensya na hinahanap lang talaga namin si Alysson. Parang awa muna. Nagkamali lang kami ng bahay na napasukan!"
At ilang sandali ay tumigil ang chainsaw sa pag-andar, inilatag ito ni ala-Jason. At ilang sandali ay tinanggal nito ang maskara at tumambad sa aming harapan ang mukha ng lalaking kasing edad lang namin. Gwapo pero parang baliw lalo na at panay ito kakangiti na para bang mannerism na nito.
"Ako si Alysson", ang wika nito.
Agad naman kaming nagkatinginan ni Danilo. At muling isinaayos ni Danilo ang tanong, "Ay hindi, ang hinahanap namin ay si Alysson Timothy Francisco Diosdados Macapagal Aquino Mercado", at agad naman akong ngumiti at tumungo bilang pagsang-ayun sa sinabi ni Danilo.
Pero para yatang baliw ang lalaking ito at sinabing, "Oo nga ako si Alysson". Ayaw ko sanang paniwalaan pero nung sinabi niyang, "Alysson Timothy Francisco Diosdados Macapagal Aquino Mercado. Student of the Year five years ago sa State College of Engineering na nakakuha ng pinakamataas na parangal at pagkilala."
Ay higit kaming nakaramdam ng pagtayuan ng aming mga balahibo.Gwapo siya pero hindi siya kasing gwapo ni Alysson. At wala sa mannerism ni Alysson ang pangiti-ngiti na parang baliw.
At lumabas siya mula sa silid. Muli, ay nakaramdam kami ng katahimikan.
"Posible kayang siya nga si Alysson?", ang tanong sa akin ni Danilo. "Malay mo nagpa-plastic surgery?"
"Valid reason na yan sa tanong na bakit iba yung mukha niya", ang sabi ko. "Pero paano naman ang explanation sa tanong na meron nga siyang naaalala sa college life niya pero bakit hindi niya magawang matandaan tayo, bilang mga kaibigan niya?"
"Oo nga nuh?"
"Dyuspurpabor. Hanggang ngayon pala, bobo ka pa rin Danilo", ang sabi ko.
At ilang sandali ay muling bumalik ang lalaki dala ang iilang picture frame pero sa likuran niya ay nakatutok ang isang shotgun na hawak-hawak ng seryosong si Safirah sabay bigay ng utos sa lalaki na, “Pakawalan mo ang mga kaibigan ko”.Ang astig nga at two hours palang kaming magkakasama ay kaibigan agad ang turing niya sa amin. At ang hot niyang tingnan lalo na at kahit naka-skirt siya ng maikli ay nagawa parin niyang maging isang action star.
Pero mukhang hindi kumbinsido ang lalaki at sinabi pa nitong, “Babae hindi mo ako masisindak ng shotgun na yan.”
Pero iba talaga si Miss Safirah dahil agad nitong itinutok ang shotgun pakaliwa at hindi nagdalawang-isip na ipaputok ito.
Napasigaw kaming tatlo sa takot, lalo na at sereyoso talaga siya na kapag hindi kami pinakawalan ng lalaki ay pasasabugin niya ang ulo nito.Kaya ang lalaki, dala ng takot ay walang nagawa kundi ang kalagan kami.
At nang nakalagan na kami ni Danilo, ewan pa at makasabay naming binigyan ang lalaki ng magkabilaang suntok sa mukha.
“Bwesit ka. Tinakot mo kami!”, ang inis na sabi ni Danilo.
“Oo nga. Magkumpisal ka at parang nalalapit mo nang maging kamukha si Satanas!”, ang pang-i-imbyerna ko naman.
Ipinakita niya ito sa amin ang certificate niya na katulad ng sa aking natanggap noong graduation namin sa SCE. At nakasulat doon na:
Mr. Alysson Timothy Francisco Diosdados Macapagal Aquino Mercado has been conferred the degree of Bachelor of Engineering.
At ipinakita pa niya sa amin ang group pictorial na naganap matapos namin makita ang resulta ng test. Walang pinagkaiba, kami nasa likuran, si Mr. Lacsaman ay katabi sa kaliwa si Bayani, pero sa halip na mukha ni Alysson ang makita namin na katabi ni Mr. Lacsaman sa kanan ay mukha na ng lalaking ito na pinipilit ipakilala ang sarili bilang si Alysson.
"Hindi ikaw si Alysson na kaklase namin", ang wika ko. "Kung isa man itong bangungot ay patayin mo na lamang ako ng magising na ako", ang matamlay kong sabi kay Safirah. "Ikaw Danilo, magpapakamatay ka rin ba?"
"Segi sasamahan na kita pero gusto ko ikaw muna ang maunang mamatay sa ating dalawa", ang ang gago nagawa pang tumawa.
Samantalang parang naliwanagan naman ang lalaki, "Teka, ikaw ba si Danilo Salazar?"
At takang tumango naman si Danilo. Tapos nilingon ako ng lalaki, "At ikaw naman si Reykardo Talisay?"
At tulad ni Danilo ay tumango ako na puno ng pagtataka, "Bakit mo kami kilala ikaw ba talaga si Alysson na kaklase namin sa SCE?"
Hindi ako makapaniwala kung sasabihin niyang siya si Alysson. At oo nga, sinabi niyang, "Sasabihin ko sa inyo ang lihim ng pamilya namin. Oo. Ako talaga si Alysson pero hindi ako yung lalaking tinutukoy niyo na naging kaklase niyo."
"Teka magkapangalan lang kayo?", ang naguguluhan kong tanong.
"Hindi. Ako talaga si Alysson", ang paglilinaw niya. "At ang lalaking tinutukoy niyo ay ang kabababata kong si Ross."
"Ano?", ang magkasabay naming tanong ni Danilo na kahit si Safira ay naguguluhan rin.
Umupo sa harapan namin ang lalaki na ani mo ay bata na kukwentuhan kami. "Si Ross talaga yung kaklase niyo na pinapanggap ng papa ko bilang ako, para kunin ang pinakamataas na karangalan sa SCE."
Napatahimik naman ako at nabalot ng maraming katanungan itong isipan ko, pero isa-isa namang nasagot ng sinimulan niya ang pagkukwento.
BINABASA MO ANG
DakBo
RandomPROLOGUE (Inspired by the movie entitled 3 Idiots) Sa paglipas ng ilang taon ay napagod rin silang hanapin ang kaibigan na kung tawagin ng iilan ay si DakBo na pinaiklisng kataga ng Dakilang Bobo na nagngangalang Alysson Timothy Francisco Diosdados...