Chapter 40

643 44 0
                                    


Araw ng Job Interview ngayon, pinauwi ni Alysson si Danilo matapos sabihing, "Wag mong pakasalan ang Engineering. Pakasalan mo ang tunay na mahal mo. at dahil mahal mo, dapat ipaglaban mo".

 
Alam na ni Danilo ang tinutukoy ng kaibigan, kaya ngayon ay isasakatuparan niya na ang matagal niya nang pinaiipunan ng lakas ng loob. Iyun ay ang ipagtapat sa ama, ang tunay niyang gusto na maging…at iyun ay ang maging Wild life Photographer.
 

Samantalang si Reykardo naman ay hinubad lahat ng suot nitong rosaryo na may iba't ibang kulay matapos ipaalala sa kanya ni Alysson na, "Sa pagkakataong ito, tulungan mo ang sarili mo. huwag kang matatakot na isipin na hindi mo kasama ang Diyos. Andiyan lang siya, at higit siyang magiging masaya kung lalabanan mo ang takot sa loob mo bago ka tuluyang pumasok sa silid at umpisahan ang job interview mo. Wish you all the best of lucks."

 
Samantalang sa isang bench habang naghihintay si Alysson ay sinamahan muna siya ni Lacsaman.

 
"Tapos mo na bang ma-retake lahat ng quizzes, exams at vivas mo?", ang tanong ni Lacsaman.

 
"Opo boss", ang aktibong sagot ni Alysson.

 
"E yung mga requirements mo, napasa mo na rin ba?", ang sunod nitong sagot.

 
"Opo boss"

 
"Good!", ang bati ni Lacsaman. "If ever maka-graduate ka na, anong una mong gagawin?"

 
"Sisimulan kong damhin ang kalayaan sa tunay na ako, kasabay ng pagsasakatuparan ng future na pinapangarap ko", ang simpleng sabi ni Alysson na may ngiti sa labi.

 
Hindi man lubos mantindihan ni Lacsaman ang buong kahulugan ng narinig pero isa lang ang kanyang tinanong, "Parte ba ako ng future na tinutukoy mo?"
 

"Honestly speaking, hindi ka talaga parte eh dahil nakigulo ka lang sa buhay ko"

 
Nakaramdam ng kaunting disappointment si Lacsaman sa narinig kaya tumayo na ito para lumayo kay Alysson.
 

Dalawang metro pa lamang ang agwat nila sa isa't isa, ay narinig niyang sumigaw si Alysson ng, "But after having 32 broken bones, I realized na ikaw pala ang lalaking gusto kong makasama sa future ko dahil ikaw ang missing piece ng puso ko."

 
At muli siyang nilingon ni Lacsaman at agad na lumapit sa kanya. Lumingon-lingon muna ito kung may tao bang makakakita sa kanila at nang masiguro na walang ibang saksi, ay agad niyang niyakap si Alysson na abot hanggang dibdib lang niya. Inamoy pa niya ang buhok nito na may pagka-strawberry scent ang dating at marahan na hinalikan ang noo nito.

 
"And after my four months leave: three months and two weeks na pagbabantay ko sa iyo ng 24/7 sa ospital made me realized na hindi ko kakayaning mamatay ka. And within 14 days and nights na nakasama kita sa iisang bubong, doon ko napagtanto, higit akong magiging masaya kung ikaw ang magiging kabiyak ko in the near future."

 
"Alysson!", ang malakas na sigaw nina Danilo at Reykardo.

 
Agad namang nagkahiwalay ang dalawa mula sa mahigpit na pagkakayakap.

 
 
"Tinanggap ako ng isang kompanya!", ang sigaw ni Reykardo.

 
 
"Pumayag na si papa na pakakasalan ko na ang Photography!", ang ayaw magpahuli na wika ni Danilo.

 
At nag-group hug silang magkakaibigan samantalang si Lacsaman ay nasa tabi at pinanonood ang parang mga batang naglalaro.

 
Lumingon si Alysson kay Lacsaman, "Paano ba yan, mukhang ipapahiya mo nito ang sarili sa graduation?"
 

"Baka ikaw ang mapahiya kapag dinagdag ko sa kahaba-haba mong pangalan ang apilyedo kong Valero?"

 
"Let see…"

DakBoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon