Chapter 48

651 49 1
                                    

Masayang bumaba ng entablado si Rosslac at mabilis na tinungo si Lacsaman. Nang marating ito ay agad na mainit na yakap ang sinalubong nito sa sinasabing ama.

 
Ilang segundong dinama ni Rosslac ang mayakap ang ama, pero tila yata ang lahat ay nagbago ng sarkastikong sinabi ni Lacsaman na, "Joke ba ito? T.V show? Asan ang camera? At sasabihin ko sa inyong lahat, walang nakakatawa sa joke na ito", tapos lumingon siya kay Ms. Safirah sabay sabing, "Akala ko ba guest lang ako sa birthday ng importante tao sa buhay mo? Nagulat na lamang ako na may anak ka na pala tas' ngayon gusto mo, papanggapin akong ama? Eh hindi nga ako na-inform nang sa gunon manlang ay naka-prepare ako ng script. Teka lang, live ba itong lokohan natin dito? at Safirah tila nanggo-good time ka ata sa akin eh?"
 

Tapos nagsimula na si Rosslac sa pag-iyak.
 

"At idagdag mo pa ang batang ito na hindi ko naman kilala? Pero nakakapagtaka at kamukhang kamukha ko siya at the same time ay kamukha ni Alysson. Ano ba talaga ang pakulong ito? at nakakinis na isa na pala akong daddy, hindi ko manlang ALAM! PUTA!"

 
Agad nang bumaba si Ms. Safirah at tsaka niyakap ang anak na inilayo mula kay Lacsaman.

 
"Safirah, ano bang kasalanan ko sa iyo at ginagago mo ako ng ganito?", ang naiinis at naguguluhan niyang tanong. "Oo. Mahal kita pero ba talaga kailangan nating umabot sa punto na bibiglain mo ako sa pag-aanunsyo sa publiko na ako ang daddy ng anak m---"

 
Hindi na naituloy ni Lacsaman ang sasabihin kay Ms. Safirah lalo na at nakatikim na ito ng isang matiginting sampal. Hindi lang sa kanan kundi maging sa kaliwa.
 

Tapos nilingon ni Ms. Safirah ang anak sabay sabing, "Rosslac punta muna kayo ni Kuya Vivo mo sa kwarto mo at mag-uusap lang kami ni Mr. Lacsaman."

 
Na siyang ikinatingin naman ni Lacsaman sa bata.

 
"Mommy is the tale of Dakbo really true?", ang naiiyak na tanong ni Rosslac.

 
"It is more than a tale, Rosslac", ang sabi ni Ms. Safirah habang pinapatahan ang anak.

 
"Then who is Dakbo in real life?"

 
"Me", ang tipid na sagot ni Ms. Safirah.

DakBoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon