Chapter 37

623 46 0
                                    

Minabuti na muna ng mga doktor na hindi muna pwedeng bisitahin sa kwarto nito ang pasyente dahil masyadong maselan ang kondisyon nito.
 

At sa ikatlong araw, ay pinayagan na sila.

 
Hindi na muna hinayaan ni Lacsaman na pagbisitahin ang mga kaibigan nito lalo pa at kailangan ng mga ito mag-aral ng mabuti dahil sa nalalapit na mga exams.

 
Samantalang siya ay nagleave muna for four months dahil wala siyang ibang planong gawin kundi ang gugulin ang oras sa binata.
 

May mga pagkakataon na kukwentuhan niya ito.

 
May mga pagkakataon na sinusubukan niyang magjoke kahit alam niyang trying hard siyang magpatawa.

 
At lagi niya itong tinatabihan, pinagmamasdan at laging sinasabihang, "Magpagaling ka na. Paano tayo niyan makakapag-date kapag ganyan ang sitwasyon mo? "
 

At muli naman ang luha niya papatak kapag iniisip ang kalagayang sinapit ng binata.

 
"Huwag kang magpaparinig sa kanya na umiiyak ka. Marahil nakapikit siya", ang wika ni Melissa, "Pero naririnig ka niya."

DakBoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon