Chapter 18

724 50 0
                                    

Nagising na lamang si Alysson na nakahiga na sa malambot at malapad na kama, habang kasama niya sa loob ng silid si Melissa.

"Asan ako? At bakit po ako andito?"

 
Masayang ngumiti sa kanya si Melissa matapos siya batiin ng good morning ay agad naman nitong sinagot ang tanong niya, "Andito ka sa kwarto ni kuya", ang sabi ni Melissa na siyang agad na ikinatayo ni Alysson buhat sa sobrang pagkagulat.
 

"Wag ka munang gumalaw, at baka nahihilo ka pa", ang pagsasayaw ni Melissa sa binata.

 
Walang nagawa si Alysson kundi ang huminga sa kama habang tinatakpan ng kumot ang kalahati nitong mukha, at tanging ulo lamang niya ang nakausli habang ang mga mata ay nililibot sa buong silid.

"Nagkaroon ka ng lagnat kagabi kaya agad akong tinawag ni Kuya papunta rito sa bahay niya. Nagulat na lamang nga ako nang madatnan ko siya na yakap-yakap ka kasi nanginginig ka noon at bakas sa mukha ng kuya na nag-aalala talaga siya para sa iyo."

 
Napabuntong hininga naman si Alysson at napangiting inisip ang sinabi ni Melissa na niyayakap daw siya ni Lacsaman.

 
"Alam mo Alysson", ang pagkuha ng atensyon ni Melissa sa binata, "After almost five years, ngayon ko naman ulit nakita si kuya na ngumiti, mag-alala at magpatuloy ng ibang tao dito sa pamamahay niya". Tapos masaya siyang nilingon ni Melissa na kanina ay nakatingin sa labas ng bintana. "Akala ko hindi ko na siya makikitang ngumiti at mag-alala. Akala ko ay tuluyan nang kinain si kuya ng kanyang pagbabago. At akala ko ay tuluyan niya nang isisira ang sarili mula sa ibang tao. It all started nang malaman niyang ang nag-iisa at ang pinakamamahal niyang girlfriend na si Alyssa, ay nagpatiwakal. Sinisisi niya ang sarili niya, at ramdam ko noon ang sobra niyang kalungkutan. Hindi man niya sabihing umiiyak siya, pero ang mga namumugto niyang mata ang malinaw na ebidensiya ngunit ginawa parin niya ang makakaya niya. Nagturo siya nang tumungtong na ang lunes, at ginawa niyang abala ang sarili sa kanyang trabaho, at doon na nagsimula na nakalimutan niya nang ngumiti. Simula noon, lagi nang mainitin ang kanyang ulo, gusto niya manipulahin ang lahat, gusto niya sa isa niyang salita ay agad sumunod ang tao sa paligid niya."

 
At nahinto si Melissa at hinawakan ang kamay ni Alysson sabay sabing, "But you came to his life, bringing back his smile."

 
Pansin ni Melissa ang pagkalito sa mukha ni Alysson sa sinabi niya kaya naman ay nilinaw niya ito ng pagkasaya-saya, "Can’t you see Alysson? You are the only one that brings back Kuya’s happiness. Muli mong ginising ang dating siya na nakatago sa likod ng masungit at maitim na budhi ni Director Lacsaman. At kagabi ko lang napagtanto, na sobra ang pag-aalala niya sa iyo, at hindi niya napigil ang sarili na hindi ka patuluyin sa pamamahay niya. Minsan nga nagagalit yun sa akin kapag pumapasok ako dito sa bahay niya kasi ang gusto niya, hindi ako at walang sinuman ang makikita niya sa bahay na ito bukod sa sarili niya dahil sa bahay na ito, dito sila ni Ate Alyssa nagsimulang bumuo ng mga pangarap."

 
At huminga ng malalim si Melissa, "Kaya tapusin mo na yung inverter, nang muli kong makita kong paano unti-unti bumalik sa mabait na pagkatao ang kuya ko nang dahil sa iyo. At kapag niligawan ka niya bilang parte ng kontrata niyo, pahirapan mo siya."
 

Samantalang si Alysson ay napaisip,
'Paano kaya si Lacsaman lumigaw? Siguro puro lang katorpehan.'

DakBoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon