Chapter 28

679 47 0
                                    

[Danilo POV]
 

Sa wakas ay narating rin namin ang bahay na hinahanap namin na binayahe pa talaga namin ng kay layo.
At higit pa sa inaasahan ko ang makita ang mala-white house na mansion na nasa harapan namin ngayon. Ito yung bahay sa address at hindi ako nagkakamali dahil ito rin ang kinumpirma ni Safira.

“Punta na kayo sa loob ng mansion na yan. Ako na dito ang bahalang magbantay ng sasakyan”, ang pagbubulontaryo ni Safirah.

Nakumbinsi naman kami ni Rey kaya napagdesisyunan na lamang naming sundin ang sinabi ni Safirah. At nang tuluyan na kaming makababa ng kotse ay agad akong kinausap ni Rey na, “Pre alam mo, si Miss Safirah, parang siya yung girl version ni Alysson.”
 

“Oo nga eh. Pansin ko rin”, ang sabi ko. kasi habang nagmamaneho ako kanina ay palihim kong tinitignan si Miss Safirah sa rearview mirror, at ang labi nito, ang mga mata at ang ngiti ay para talagang kay Alysson. Para nga silang magkambal kung pagsasamahin.

“Marahil kaya may nawawalang kapatid si Alysson tapos si Miss Safira iyun?”, ang walang kabuluhan niyang sabi, na hindi ko inaasahan na lalabas pala ang ganyang ideya sa bibig ng isang sikat na engineer.

“Gago!”, ang tanging naisasbi ko sa kanya na siyang ikinatawa naman niya sabay sabing, “Joke lang.”
Tapos natahimik siya na tila may nakitang anghel, at ilang minuto rin bago siya nagsalita, “Alam mo Dan, si Miss Safirah, parang siya yata ang psychotherapist ni Mr. Lacsaman?”

“Totoo?”, ang di ko makapaniwalang tanong.

“Ah tama”, ang sabi niya. “Naalala ko na. Siya nga”

“Paano mo nasabi?”,a ng tanong ko naman.

“E kasi lagi siya sa akin naikukwento ni Melissa. At isa pa, kung hindi ako nagkakamali, siya yung nakita kong babae na kasa-kasama ni Mr. Lacsaman.”

“Alam mo Rey, naka-drugs ka lang. Hithit pa more”, ang sabi ko sa kanya. At hindi ko na pinakinggan ang kanyang mga sasabihin kasi parang niloloko lang yata ako nito.

Walang katao-tao, at parang abandonado na ang lugar.
Hindi na kami nag-abalang kumatok at napagdesisyunan na lamang ang pumasok.
 

At hindi ko mapigilang hindi mapamangha sa nakikita ng aking mga mata.

 
Malawak, maganda, mala-romano ang dating ng interior designs at masasabing mala-historical artifacts ang mga makalumang palamuti sa bawat sulok.

 
Tila mga totoong rubi at diamante ang mga makikinang na bato na makikita sa makinang at nakakaakit na chandelier. Merong malapad na hagdan sa gitna na daanan paitaas.
 

Pero isa lang ang ipinagtaka ko, bakit hindi ko naririnig mag-ingay itong si Rey?

At paglingon ko ay nakita ko na lamang siya na nakahandusay sa sahig at walang malay. Agad naman akong nakaramdam ng mga yapak na papalapit sa akin, at paglingon ko sa likuran ko, ay isang malakas na palo mula sa baseball bat ang natanggap ko.
 
At mula dito ay nawalan na ako ng malay.
 

DakBoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon