Chapter 27

656 53 0
                                    


Group Pictorial ngayon ng mga estudyanteng pumasa sa exam.

Maaga pang pumunta sina Danilo at Rey na kahapon lang ay lisang sa paghahanap ng corporate attire.

 
Nakaupo na ang mga estudyante. Nasa unahang row sina Mr. Lacsaman na siyang nasa gitna, at katabi nito sa kaliwa si Bayani na hindi mapinta ang mukha. Marahil ay hindi ito makapaniwala na merong nakalamang sa kanya.
 

Lahat ay mukhang elegante sa suot na mamahaling corporate attire. Nakaupo na ang lahat at tulad ng inaasahan ay nasa hulihan nakapuwesto sina Rey at Danilo.

 
Hindi masimulan ang pictorial dahil hindi pa dumadating ang importanteng tao sa okasyon na ito:
 
Iyun ay si Alysson.

 
Ilang minuto rin ang paghihintay bago tuluyang makadating si Alysson na siyang naging sentro ng tinginan ng lahat.

Dahil kung lahat ay nakasuot ng pang-pormal. Siya naman ay nakasuot ng Kupas na pantalon. De kolor na t-shirt, may saklay na bag at magulo ang buhok (wala nang bago sa buhok niyang magulo. Sanay na ang mata ng lahat diyan.)

 
Matalim siyang tinitigan ni Lacsaman, "Alam mo bang ikaw lang ang naiiba sa lahat?"

 
"Opo", ang simpleng sabi ni Alysson. "Dahil ako lang ang nag-iisang Dakilang Bobo dito."

 
"Hindi iyan yung tinutukoy ko", ang paglilinaw ng Director. "Kundi iyang suot mo", na tinitigan siya mula ulo hanggang paa.

 
Napatitig din si Alysson sa sarili sabay ngiti kay Lacsaman at nagsabing, "Dahil gusto kong ipamukha sa lahat na hindi hadlang ang pagiging kakaiba ng isang tao para maabot ang nais nitong tagumpay."
 

At napatitig lang sa kanya ang Director at hindi na muli siya pinansin.

 
Nilibot ni Alysson ang sariling mga mata para hanapin ang mga kaibigan at ngumiti siya kahit sa kaloob-looban niya ay nalulungkot siya kung bakit nasa likuran ito nakapwesto.

 
Mahina siyang nagtanong kay Lacsaman ng, "Sir, bakit yung seating arrangement natin ay nakabase sa taas ng nakuhang score?"

 
"Bakit, may problema ka ba?"

 
"Opo", ang umpisa ni Alysson. "Kasi wala itong pinagkaiba sa Caste System ng India. Ang mga nakakuha ng mataas na scores ay maihahalintulad sa posisyon ng Masters samantalang ang may mga mababang nakuha ay walang pinagkaiba sa mga Alila. At hindi ko po ito nagugustuhan."

 
Matalim siyang tinanong ni Lacsaman, "Bakit meron kang magandang ideya?"

 
"Opo. Opo", ang nagagalak nitong sagot. "Ang resulta ng exam ay hindi natin dapat ipinamumukha sa paraan ng Pictorial na ito lalo na at gagawin itong frame ng bawat isa sa atin na titingnan ng mga taong makakakita. Katulad na lamang po sir kapag nagpa-check up ka, at ang resulta ay meron kang iron deficiency sa katawan, sa palagay mo ba ay rerekomendahan ka ng doktor na uminom ng tonic at ibabalita ito sa TV o ibro-broadcast sa radyo at magiging headline ng newspaper, diba hindi?"

 
"Paano nila malalaman kung anong katayuan nila o ang scores nilang nakuha kung hindi ito isasapubliko sa buong campus? Ibig mo bang sabihin sa akin, na iisa-isahin kong puntahan ang bawat isang estudyante at sabihin sa kanila na 'Ikaw yung nauna sa listahan' tas' sa iba na 'Pasyensya pero nasa hulihan ka sa listahan. Sorry', ganun ba dapat?", ang parang sarkastikong tanong ni Lacsaman kay Alysson.
 

"Hindi naman po Sir", ang paglilinaw ni Alysson. "Ang ibig kong ipakita sa iyo na nagdudulot ng pagkakawatak-watak ng pagkakaisa ang markang nakuha. Tulad na lamang ngayon. Nasa likuran ang mga kaibigan ko samantalang ako ay nakaupo katabi mo."

 
"Atleast kasama sila sa pictorial kaysa naman sa hindi", ang pagdedepensa rin ni Lacsaman. "At isa pa, hindi naman sila makakapasa sa job interview o makakakuha ng matinong trabaho. Kaya para saan pa na pahalagahan ng SCE ang mga taong tulad nila?"

 
"Diyan ka po nagkakamali sir", ang wika ni Alysson. "Para sa dalawa kong kaibigan, malaki silang kawalan kapag hindi sila tinaggap ng kompanyang papasukan. Dahil sila, totoong tao", tapos lumingon si Alysson kay Bayani sabay sabing, "At hindi isang robot." at muli nitong tinignan si Lacsaman, "Makikipagpustaan ako na makakakuha sila ng trabaho."

 
"Nakakasigurado ka?", ang tanong sa kanya ng Director.

 
"Siguradong. Sigurado", ang paglilinaw ni Alysson.

 
"Segi", ang sabi ni Lacsaman. "Pagmali ka ng hinala, sisiguraduhin kong hindi kayo gra-graduate"

 
"Okay", ang masayang sabi ni Alysson. "Pero kapag nanalo ako, gusto kong ipagsigawan mo pagkatapos ng graduation na ako lang ang taong pakakasalan mo"

 
Agad namang napatahimik si Lacsaman, lalo pa at naisip nito na maaari itong ikasira ng kanyang dangal. Pero bilang isang taong ayaw magpatalo, ay pumayag siya sa kanilang kasunduan sa simpleng pagsabi ng, "Oo."

 
At sa simpleng pag-click ng camera, matatanaw ang masayang ngiti sa labi ni Alysson.
 

DakBoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon