Chapter 11

831 46 0
                                    

[Danilo POV]
 
I do remorse to apprise you that your lad Danilo has descended into an appalling camaraderie. Deprived of the importunate anticipatory methods, his future will be derelict.
 
At mahaba pa yung sulat niya, na hindi lang pala para sa akin kundi maging kina Rey ay nagpadala rin. At hindi ko maipagkakaila na ang sulat na iyun ni Mr. Lacsaman ay nagmistulang mga atomic bomb na nagpabagsak sa pag-asang pinaghahawakan ng aming mga magulang.

 
Kaya naman ay naimbitahan kami ng aming mga magulang na magbisita sa aming mga bahay kasama ang Dakbo na sinasabi ng aming mga kaklase na siyang naka-impluwensya sa amin ng masama.

 
"Pasok ka rito", ang inis na wika ni papa habang pwersahang kinakaladkad si Alysson papasok ng kwarto ko. "Nakikita mo iyan?", ang turo niya sa de-air conditioned kong kwarto.

Tumango naman si Alysson habang nakayuko at pinakikinggan si papa sa mga sinasabi nito, "Kaya lang naming bumili ng isang air-conditioner at pinagdesisyunan naming ilagay ito sa kwarto ni Danilo para lamang maging komportable siya sa kanyang pag-aaral. Alam mo bang hindi ako nakabili ng bagong sasakyan at nanatiling pinagtsatsagaan yang scooter ko kasi tinitipon namin lahat ng pera namin para sa edukasyon ni Danilo", ang galit na wika ni Papa, "Nagtitiis kami para lamang masigurado ang kinabukasan ni Danilo. Nakukuha mo ba?"
 

At biglang naagaw ang atensyon ni Alysson nang makita niya ang isa sa dingding ng bahay na napapalamutian ng mga naka-frame na mga larawan ng mga hayop. Naroroon rin sa gitna ang larawan ni Vivo habang hinahawakan yung mga munting kuting. Mahilig kasi akong magkuha ng larawan bilang libangan ko.
 

"Wow. Danilo ikaw ba nito ang nagkuha?", ang mangha niyang tanong na iniwan si Papa kakadakdak.
Samantalang ako naman ay sumenyas sa kanya na mag-ayus at baka mabugbog siya ni papa sa inis pero hindi niya ako pinakinggan.

 
"Meron kasi siyang walang kwentang kaadikan sa pagkuha ng mga litrato. Nagpupupunta-punta kung saan at kukuhanan ang mga hayop. Dahil gusto niyang maging isang Wildlife Photographer"

 
At napatawa ng bahagya si Alysson sabay sabing, "Pasyensya po Sir. Pero namangha lang po talaga ako sa mga kuhang larawan ni Danilo. Kaya nga po bakit niyo siya pagpipilitang maging Engineer eh kung gusto naman niyang maging photographer?"

 
"Pakiusap!", ang pagpapatigili ni Papa kay Alysson. "Nagmamakaawa na ako sa iyo. Huwag mong sisirain ang kinabukasan ng aking anak."
 

"Wag na kayong magtalo. Nakahanda na ang pagkain sa mesa", ang pagyayaya ni Mama.

 
Ngunit pinigilan ni Papa si Alysson sabay sabing, "Sa muling pagbisita mo rito, sumabay ka sa amin sa pagkain. Pero huwag ngayon."
 


At ayun, dahil hindi naging hospitable yung pamilya ko ay napagdesisyunan na lamang namin ni Rey na huwag nang kumain sa bahay para pare-parehas kaming tatlo na gutom.
 
 
Kaya naman ay napagdesisyunan naming pumunta na lamang kina Rey. Masayadong magulo ang iskinita papasok sa kanila, at hindi naman sa nag-iinarte ako pero mabaho talaga yung bahay nila at madumi. Tapos makikikain palang kami ay agad na kaming reniklamuhan ng presyo ng mga bilihin ngayon, na siyang mga kasangkapan sa kinakain namin ngayon.

 
Kaya hayun, hindi rin natuloy dahil nag-walk out si Rey.
 

DakBoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon