[Reykado POV]
Kami bilang mga estudyante ay parang mga robot na sunod-sunuran sa kung ano man ang iniutos sa amin ng aming mga propesor. At sa klase namin, parang si Alysson lang yata ang natatanging hindi robot.
Kasalukuyan kaming lahat na nakaupo sa kanya-kanya naming puwesto. At malinaw na isinulat ng aming propesor ang salitang ROBOT na naka-Capital letters lahat sa malinis na pisara.
At tsaka nagtanong, "Ano ang robot?"
Maraming esudyante ang nagtaasan, na siyang ikinasaya naman ng aming propesor pero nang makita nito ang masayang mukha ni Alysson na ani mo ay batang aliw na aliw sa pinanonood na palabas ay siya ang tinawag ng aming guro at tinanong kung bakit siya ngumingiti-ngiti.
Agad naman sumagot si Alysson ng, "Pasyensya na po. Natutuwa lang akong isipin na dati pangarap ko lamang ang maging engineering student, ngayon isa na pala akong engineering student attending engineering classes."
"Wag mo akong ngiti-ngitian, Define the word robot", ang wika ng guro.
Agad naman si Alysson napatayo sabay sabing, "Robots, sila yung mga makina na kung tingnan ng tao ay may sariling buhay dahil nakakagawa ito ng mga bagay na kayang higitan ang tao kahit ang hindi nila alam ay tao rin po yung nagprogram sa robot at--", hindi na naituloy ni Alysson ang sasabihin dahil agad na siya nakatikim ng pambabatong ginawa ng guro sa kanya gamit ang piraso ng chalk. Kaya siya naman ay biglang nagtaka sabay tanong ng, "Sir, bakit niyo naman po yun ginawa?"
"Dahil walang puwang dito ang mga simpleng pananalita na walang kabuluhan kagaya ng pinagsasabi mo", ang inis na wika ng propesor at tsaka tinawag ang isa naming kaklase na si Bayani, na siya namang nagpakitang gilas sa pagsagot ng, "Robot is a programmable machine for performing tasks: a mechanical device that can be programmed to carry out instructions and perform complicated tasks usually done by people; imaginary machine: a machine that resembles a human in appearance and can function like a human, especially in science fiction; person like machine: somebody who works or behaves mechanically and emotionlessly"
"Very Good!", Na siya naman ikinasaya ng guro sabay bigay ng utos kay Alysson ng, "Get out of my class. Bobo!"
Walang nagawa si Alysson kundi ang umalis, palabas na siya ng pinto nang bigla siyang bumalik na siya namang ikinagulat ng guro kaya napatanong ng, "Bakit bumalik ang Bobo?"
"Sir I disremember to take along with me my writing instrument: a thin cylindrical instrument used for drawing or writing. It consists of a rod of graphite or some other erasable marking material inside a wooden or metal shaft, something that has a shape, structure, or function similar to a pen, and sometimes mistaken to be the stick for applying cosmetics or in optics cylinder of light: a long narrow cylinder or cone of light with a small angle of convergence.
Yet it may with replaceable lead that may be advanced as needed. And it able to be touched or perceived through the sense of touch due to the capable of being given a physical existence", ang dire-diretsong wika ni Alysson na siyang ikinamangha namin lalo na at wala ngi isa sa amin ang nakakuha ng tunay niyang nais sabihin.
Kaya dahil sa hindi namin naintindihan ay napatanong ang guro, "Ano? Simplehan mo lang."
"Sir, naiwan ko po kasi yung Mechanical pencil ko", ang inosenteng wika ni Alysson na siyang ikinatawa naming lahat lalo na at nakita naming napanganga ang guro namin sa sinabi niya.
"Bakit kasi hindi mo sinimplehan lang nang magkaintindihan tayo?", ang tanong ng guro na hindi makapaniwala kay Alysson.
"Sir sinubukan ko naman po lalo na doon sa pag define ng robots kaso sabi mo walang puwang dito ang mga simpleng pananalita na walang kabuluhan kagaya ng sinabi ko. Kaya sinubukan ko po ang complexity arrangements of the meaningful unit of language according to the basic law of phraseology", at doon na kami kinabahan kasi gumagamit na siya ng mga salitang hindi namin maintindihan na siyang lubos namin ikinamangha sa kanya.
Hay naku, Alysson. Isa ka ngang Dakila.
BINABASA MO ANG
DakBo
RandomPROLOGUE (Inspired by the movie entitled 3 Idiots) Sa paglipas ng ilang taon ay napagod rin silang hanapin ang kaibigan na kung tawagin ng iilan ay si DakBo na pinaiklisng kataga ng Dakilang Bobo na nagngangalang Alysson Timothy Francisco Diosdados...