Chapter 2

1.8K 63 0
                                    

[Reykardo POV]

 
 
Minadali ko na lamang ang aking paghihilamos at pagsisipilyo. Dahil nang marinig ko ang tawag ni Danilo na pupuntahan namin si Alysson ay agad akong pinangunahan ng kasiyahan at kagalakan.

Kaya nga kakamadali ay nakalimutan ko palang sumuot ng pantalon.

Mabuti ay nakaboxer ako at camisita de chino, kaya kahit papaano ay gwapo parin akong tingnan sabayan pa ng revealing hotness ko, maglaway lahat ng babaeng madaanan ko.
 

At too late na para kumuha ng pants dahil dumating na si Danilo at pinasasakay ako nito sa kanyang mamahaling sasakyan.

Iba na talaga ang mayaman e.

Agad na akong sumakay, at agad rin niya akong pinagtawanan sa suot kong ito. Pero bahala siya diyan, basta ako, hunk at gwapo.

 
Tapos tinanong niya ako, "Naalala mo pa ba ang unang pagkakataon na nakita natin si Alysson?"

 
Yung tanong ni Danilo ang nagpaalala sa akin sa kung paano namin nakilala ang Dakilang Bobo naming kaibigan, na si Alysson.
 

 
Pagbabalik tanaw… 
 
 

Ngayon alam ko na kung bakit kailangan namin suotin itong maganda at bago naming salawal ngayong gabi.

Dahil tradisyon na pala dito sa State College of Engineering ay ang paghuhubad ng saplot at tanging salawal lamang ang iiiwan, uutusan ka nilang gumawa ng mga nakakalokong posisyon habang pinagtatawanan ng mga senior.

 
Ewan ko pa kung bakit merong ganito, pero ang sabi sa amin nung naglalagay ng tatak sa puwetan ay tanda raw ito na nirerespeto namin sila bilang mga senior namin.

 
At hindi ko alam kung may galit ba itong isang Senior ko at paulit-ulit na pinapalo ang pwetan ko. Parang gusto kong bugbugin at suntukin kaso may resbak mahirap na at baka madehado tayo.

Hindi ko ugali ang makiaway dahil higit kong pinahahalagahan ang importansya ng aking kalinisang kaluluwa kaya nga kahit masyado nang nakakababa ng dangal itong kalokohang pinagagawa sa amin, ay iwinawaksi ko na lamang sa isipan ko na paghigantihan sila dahil baka sa huli, ay ako pa ang magkasala.

 
Pero isa sa aking pinagtataka ay ang hindi pagrukap ng mga mata ni Vivo na kanina pang nakakatitig kay Danilo.

 
Pero hindi siya yung higit nag-agaw ng atensyon ko, kundi yung pagdating ng isang binata na tisoy.

Kung si Danilo ay gwapo at ako ay mas gwapo, well, itong bagong dating na freshman, aba'y saksakan ng pagkagwapo na aakalain mong isang koreano dahil sa kaputian nito at kakinisan ng balat.

 
Habang papalapit sa amin na puno ng pagtataka ang mukha ay nagtataka rin ang aking pagkatao,

bakit para yatang ang bata pa niyang tingnan para sa isang College Student kagaya namin?

Lalo pa at hindi naman siya katangkaran katulad ni Danilo at hindi rin kakisigan kagaya ko, kaya napaisip talaga ako, college ba itong binatang ito o high schooler na naligaw lang ng landas?

DakBoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon