[Danilo POV]
Kasalukuyang balot ng maraming tanong itong utak namin na nalalapit nang sumabog kagaya ng sa Big-Bang.Una, sabi si Alysson daw ay may anak, akala ko ampon lang but knowing na meron pala itong Ms. Black wealth ay nagkandaleche-leche na ang utak ko.
Simple situation, I found it illogical.
Kita niyo na? napa-english tuloy ako ng wala sa oras.
Pangalawa, four years old pa lamang ang batang si Rosslac pero nakakapagsalita na at tuwid nang maglakad. Idagdag mo na rin ang katangkaran nito, at ang kaalaman nito patungkol sa mga science fact kasi hanggang ngayon dito sa loob ng sasakyang minamaneho ni Vivo ay panay si Rosslac sa pagpapamangha sa amin. Sa kanya ko lang nga malinaw naintindihan ang konsepto ng pendulum na umiikot sa sarili nitong axis.Siya alam niya na, samantalang ako sa SCE ko lang yan nalaman.
Para yatang pinaghalong utak ni Lacsaman at Alysson ang batang ito, sa sobrang talino.
"Titos can you write with the use of your right hand?", ang tanong nito sa amin. Abay kami naman ay proud sa pagsabing, "Oo naman!"
"sa left?", ang muli niyang tanong.
"Pasyensya lang Rosslac, hindi kami kaliwete e", ang wika ni Reykardo.
"So that means you cannot write with the use of your left and right hand at the same time?", ang tnaong ng bata na sinagot namin ng pag-iling. "My mom told me that my father can right with the use of right and left hand at the same time simultaneously."
Teka, akala ko ba anak ito ni Alysson? Bakit kung makapagsalita na ang papa daw niya ay nakakapagsulat na gamit ang dalawang kamay nang magkasabay, eh si Lacsaman lang naman ang kilala kong ganyan ah? Don't tell me si Lacsaman naman yung papa niya? Ilan ba ang papa ng batang ito?
At sa murang edad pa lamang ni Rosslac meron nang nalalamang 'simultaneously'? Eh ako, high school ko na nga yan na encounter na term eh.
Napatanong naman si Reykardo, "Why did you asked such that kind of question?". Aba'y ang galing rin pala ni Rey mag-english, simple language lang kaso. Bobo eh.
"Because my mom said that I inherited dad's gift", ang sabi ng bata.
So, si Lacsaman nga nama talaga ang ama. Kaya napatanong kami, "Do you know who is Alysson?"
"Yeah. He is my uncle, my very rich uncle. But mom said that I should stay away from that guy, because he is psychologically an eccentrical person."
Ah, yung tinutukoy niyang Alysson ay yung baliw na lalaki na nakita namin sa mansion.Actually, hindi ko masyado maintindihan yung sinabi niya sa lalim ng mga salitang ginamit basta ang batid ko lang, magaling siyang magsalita kagaya ni Alysson.
"Do you know who is Ross?", ang tanong ko. Bahala na kung simple terms basta hindi ako magpapatalong makipag-englishan sa batang ito.
"I am Ross. ROSSlac", ang paglilinaw ng bata na halatang hindi naintindihan ang tanong ko kaya pinabayaan ko na lamang.
Pero isang bagay ang umagaw ng atensyon ko. Iyun ay noon sabihin sa akin ni Rosslac na, "Do you know that my favorite character in mom's tale is Dakbo!"
Nagkatinginan kami ni Rey sabay tanong sa bata na, "Kilala mo si Dakbo?"
"Yeah. She always told me the same stories every night before I sleep", ang sabi ng bata. "Dakbo with his two idiotic friends, together with his professor named Lacsaman. My mom said that she really likes Lacsaman that is the reason why she added the syllable LAC in my name as RossLAC."
"Anong kinukwento ng mommy mo patungkol kay Dakbo?", ang tanong ko na hindi ko na kinayang i-translate sa english.
"Well", ang sabi ng bata. "Mom said that Dakbo is always called by Dakilang Bobo because of its nonsensical and unusual behavior that its professor always scolded him and being ordered to get out from class. But even though the situation is like that, his real passion is engineering, and that passion pushes him to be the student of the year; to be on top."
"Did your mom said what's Dakbo's real name?", ang tanong ni Rey na inabutan pa ng limang minuto bago na-construct.
"Yeah. She said that Dakbo's real name is Lincoln Ross Black Wealth. The reason why I have the syllbale Ross in my name ROSSlac. Considering the fact, that my mom named me after the Rosslac inverter that Dakbo invented to prove to Mr. Lacsaman that he himself can made his very own inverter itself."
Sino ba talaga ang mommy na tinutukoy ng batang ito, at tila lahat ng bagay na patungkol kay Alysson ay alam nito?
BINABASA MO ANG
DakBo
RandomPROLOGUE (Inspired by the movie entitled 3 Idiots) Sa paglipas ng ilang taon ay napagod rin silang hanapin ang kaibigan na kung tawagin ng iilan ay si DakBo na pinaiklisng kataga ng Dakilang Bobo na nagngangalang Alysson Timothy Francisco Diosdados...