Chapter 36

628 44 0
                                    

Sakay ng ambulansya ang walang malay na si Alysson kasama nito sa loob ang isang medics, si Melissa, si Danilo, si Rey at si Lacsaman na tahimik hinahawakan ang kamay ng binata.
 

Tanging si Lacsaman lamang ang nakasuot ng polong puti na namantsahan ng dugo matapos buhatin ang ibanata papasok ng ambulasya.
 

Tahimik. At ang taimtim na dasal na walang humpay ang tanging maririnig mula sa bibig ng umiiyak na si Rey habang hawak ang rosary at nanginginig ang mga kamay.
 

Naiiyak man ay pinipilit ni Lacsaman ang magpakatatag lalo pa at ayaw niyang ipakita sa lahat na si Alysson lamang ang natitira niyang kahinaan dito sa mundo. Ayaw niyang mamatay ito tulad ng minsang naging nobya, na si Alyssa.

 
Ganito rin ang eksena nang namatay ang nobya niya.
 
Hawak niya ang kamay, at balot ng dugo ang pulo habang umiiyak at hinihiling na bumalik na si Alyssa.
Naglaslas kasi ito ng kamay, at tumalon sa reles ng tren, matapos hindi maipasa ang board exam sa pagiging ganap na engineer.
 

Ngayon isa lang ang hiling ni Lacsaman, "Nawa'y huwag niyo naman sana ako pagkaitan ng karapatang muling umibig at maging masaya. Pakiusap."

 
Pagkarating ng ospital, ay agad inoperahan si Alysson.

 
Si Danilo ay naluluha na puno ng pangamba habang tulala.

 
Si Reykardo ay walang ginawa kundi ang tumambay sa chapel ng ospital at doon ay isa-isa siyang humingi ng tulong sa mga kilalang santo at nakiusap sa Diyos, na hindi niya na tatangkaing magsuicide basta ibalik lang nito ang buhay ng kaibigan.

 
Si Melissa ay nag-aalala at hindi kinaya ang manood lang sa operasyon. Isa siyang ekspertong surgeon kaya para sa muling ikaliligaya ng kuya niya, gagawin niya ang lahat maibalik lang sa buhay ang huling dahilan para muling maging masaya ulit ito.

 
Samantalang si Lacsaman ay nakayuko lang habang nakaupo sa isang sulok. Hinihintay ang magiging balita, at inihahanda ang sarili sa maaaring maging resulta.
 

Kung muling ipagkakait sa kanya ng kalangitan ang pag-ibig, pinangangako niya sa kanyang sarili na magpapakamatay rin siya, at hihilingin niyang mapatabi sa punto ni Alysson.

DakBoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon