Chapter 49

633 51 3
                                    

Nagulat si Lacsaman maging sina Danilo at Reykardo sa narinig.
 

"Teka, Ms. Safirah", ang pagtawag ni Reykardo. "Paanong naging ikaw si Dakbo, eh si Ross na nagpakilalang Alysson ang totoong Dakbo? Sino ka po ba talaga?"

 
At nilingon ni Safirah na puno ng galit si Lacsaman at sinimulang isiwalat ang lahat, "I am Lincoln Safirah Ross Black Wealth. Isang psychotherapist bilang si Safirah Ross Black at isang Chairman ng kilalang Blackwealth Company bilang si Lincoln Ross Wealth".

 
"Ano ikaw ang amo ko?", ang gulat na tanong ni Bayani.

 
"Surprising isn't it?", ang sarkastikong sabi ni Ms. Safirah sabay sabing, "Your fired!"

 
At muling ibinalik ni Safirah ang tingin kay Lacsaman sabay sabing, "I am also once an Engineer, graduated from State College of Engineering as the Best Student of the year. Ngayon alam mo na kung bakit Rosslac ang ipinangalan ko sa inverter ko na ibinigay ko sa iyo na puno ng galit  matapos kitang nahuli na may kasamang babae sa bahay mo. At sana maging malinaw rin sa iyo, ang mga panahon na sinabi ko sa iyo na kapag nasambit mo ng tama ang pangalan ko ng buo at tunay, walang labis, walang kulang ay sasagutin kita, at kahit anong bigkas mo sa totoong pagalan ni Alysson, pasyensya.DAHIL HINDI IYUN ANG PANGALAN KO!".

Kung si Lacsaman ay magalitin at madiin magbigkas ng salita, higit nakakasindak magsalita si Safirah na sinasabayan pa nito ng panlilisk ng mga mata. "wala kang pinagkaiba tulad ng dati. That it clearly indicated the most IRRATIONAL, ILLOGICAL, PREPOSTEROUS and ASININE overview of who really you are Mr. Lacsaman Valero. I do remorse for this DISRUPTION I have caused. And do please disremember any phenomenon we have engaged together, and do not fail to amputate from your 1.3 kilogram brain specifically in your cerebrum, the name Lincoln Safirah Ross Black Wealth. LECHENG LALAKI KA!", at tuluyan nang nilisan ni Ms. Safirah ang event kasama ang anak nito at si Vivo.

 
Sapat na ang mga narinig ni Lacsaman para patunayan na ang naging kaharap niya ngayon at nakasama within two years bilang kanyang psychotherapist ay malinaw na walang iba kundi ang dating Alysson na minahal niya.
 

Dahil ang bawat sinabi ni Safirah ay ang eksaktong linya na sinabi sa kanya ni Alysson nang minsan ay nahuli siya nitong may kasamang babae.

DakBoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon