Chapter 44

659 47 1
                                    

[Rey POV]
 
Inabot na kami ng hapon dito sa daan kakahanap ng bahay ayun sa address na ibinigay sa amin ng totoong Alysson.

At sasabihin ko sa inyo na, hindi pala talaga madali ang maging manlalakbay kung wala kang alam sa direksyon o sa geographical structure ng pupuntahan.

 
"Pre, flat na yata ang gulong mo", ang ko kay Danilo matapos mapansin ang gulong.
Kanina pa kasing badtrip itong kaibigan ko, matapos mawalan ng pag-asa na mararating rin namin ang hinahanap na bahay.

Halata talagang miss niya na si Alysson.

 
"Wholly iz righto!", ang tapik ko sa kanyang balikat. At tulad nga ng inaasahan ko, para itong mahika na nakapangiti sa mukha ng gago.

 
Ilang sandali ay may dumaan na mamahaling sasakyan at nagulat na lamang kami ng bigla itong huminto at bumaba ang isang lalaking pamilyar, na halatang may retokadong ilong dahil sa hindi nagbagay ang tangos ng ilong nito sa mukha nito. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o hahalakhak.

 
Pero naging seryoso ako ng tinawag kami nitong, "Hi. Mga bobo! Saan ang punta niyo?"

 
"Ilong mo lang na pango ang nagbago sa iyo", ang wika naman ni Danilo. "Pero yang mukha mo pangit pa rin. Yung tipong dinaan na sa facial surgery pangit parin."
 

"At least matalino!", ang pagmamayabang nito.

 
Binulungan ko naman si Danilo, "Pre sino yan?"

 
"Pre yung mayabang nating kaklase na akala mo ikinatalino ang pagiging pangit at hambog"

 
Agad naman akong nagtaka, "wag mong sabihin, siya si Bayani?"
 

"Correction", ang sabi ng lalaki. "Hero na. pinapalitan ko na kasi. Masyadong pang-pilipino ang tunog nakakahiya"

 
At wala ngang duda, si Bayani nga.

 
"Hindi mo rin ba naisip na ikinahihiya ka ng buong Pilipinas sa pagiging pangit mo internally at externally", ang wika ko sabay bigay ng nakakainsultong tawa.

 
"Nagdadalawang isip tuloy ako kung dapat bang pasakayin ko kayo o wag nalang kasi sa mga pangungutya niyo sa akin", ang pagpaparinig nito sa amin.

 
Pero sa huli, ay wala na siyang nagawa dahil sumakay na kami ng kanyang sasakyan ng walang paabiso.

 
Habang nasa biyahe ay napatanong ako kay Bayani, "Saan pala ang punta mo?"

 
"Sa isang pangmayamang okasyon na hindi imbitado ang mga bobo", ang sabi niya.

Tinignan ko siya ng matalim sabay banta ng, "Gugulpihin ko yang retokado mong ilong!"

Kaya siya naman ay agad sumagot ng pormal, "Kailangan ko kasing mapa-pirma sa kontrata si Lincoln Ross wealth na siyang chairman ng pinagta-trabahuan kong Blackwealth Company at kasalukuyan siyang nasa listahan ng pinakamayamang negosyante sa buong Asia".

 
"Ganun?", ang nagtataka ko namang sagot.

 
"Segi na at ibigay niyo na ang address ng pupuntahan niyo diyan sa driver ko nang maiuna na muna namin kayong maihatid", ang sabi ni Bayani.
 

DakBoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon