Chapter 17

699 47 0
                                    

Nasa labas noon si Alysson ng bahay ni Mr. Lacsaman, kumakatok ng malakas sa pintuan nito.
 
Nakakbulyaw man at nakakdisturbo, kailangan niya ng lugar na matutulugan.

 
Sa sobrang inis ni Mr. Lacsaman ay galit nitong binuksan ang pintuan na siya naman ikinasindak ni Alysson na tila nawala ang lahat ng tapang ng makita siya.
 

"Anong ginagawa mo rito?", ang masungit na tanong ni Lacsaman.

 
Napayuko si Alysson at mahinang isinambit na, "Nagtagumpay ka nang mapaghiwalay kami ng mga kaibigan ko, masaya ka na? Ako na lamang ang umalis, kaysa naman sa sila ang umalis. Kaya heto po, with all my humility, nilolonok ko na sarili kong pride. Total kasalanan mo naman po kung bakit ako nagkaganito, maaari bang makituloy muna ako sa bahay mo."

 
"Bakit hindi ka tumungo sa kwarto ni Mr. Bayani?"
 

Naiiyak na si Alysson habang iginagala ang mga mata sa pagilid nang nakayuko. "Ayoko doon, sabi kasi ng mga dati niyang roommate, malakas daw yun umutot, nakakamatay at nakakasuka."

 
Pero sa halip na kaawaan siya ni Lacsaman ay hindi siya nito pinansin, sa halip ay pinagsirhan pa siya nito ng pintuan.
 

Mag-aalas otso na ng gabi, wala siyang ibang ginawa kundi ang humintay na patuluyin siya ni Lacsaman. Inabot na siya ng ulan, ngunit sa halip na unahin ang sarili na hindi mabasa ng malakas na ulan ay ginawa niyang unahin ang mga bagahe dahil ang dahilan niya, "Ang tao madaling matuyo, ang notebook, damit at mga lapis pag nabasa kaunti na lamang ang pag-asa na muling magagamit."

 
Basang sisiw man. Ang buong akala ni Lacsaman ay kanina pa nakaalis si Alysson pero ng muli niyang buksan ang pintuan dahil may kukunin siya sa kanyang office, ay nakita niya ito na parang sisiw na basang basa sa ulan at nanginginig.

 
Walang nagawa ang Director kundi ang patuluyin ang binata. "Pinagsirhan na kita ng pinto ang ibig ko noon sabihin ay pinagtatabuyan kita at wala kang puwang sa bahay na ito. Bakit kasi hindi ka na lamang bumalik sa dormitoryo niyo? Bobo ka ba talaga?"
 

Napayuko si Alysson at bahagyang gumihit ang ngiti sa labi nito habang nakatayo sa harapan ni Lacsaman at nanginginig, "Wholly iz righto. Iyun po yung paniniwala ko. Bobo man po ako sa paningin ng ibang mga tao dahil hindi nila ako maintindihan, wala na po akong magagawa. At opo. Batid ko pong pinagtatabuyan mo po ako, pero tingnan mo ngayon, bigla mo na lamang ako pinatuloy sa bahay mo. Ang kaninang sinasabi mo na wala akong puwang sa bahay na ito, bakit ngayon inaasikaso mo ang matutulugan ko?"
 

Walang naisagot si Lacsaman at nagpatuloy na lamang sa paglalatag ng mahihigaan nito. Ilang sandali ay tumayo siya at malakas na ibinato ang tuwalya kay Alysson, "Ayan. Maligo ka na muna at baka ka pa magkasakit."

Agad na nasalo ito ni Alysson at walang pag-aalinlangang tinungo ang banyo.

 
'Wholly iz righto. Wholly iz rigtho.'
Ito ang paulit-ulit na sambit ni Alysson nang makaramdam ng panghihina ng katawan at pagkahilo ng ulo.
 

Mag-iisang oras na sa banyo si Alysson, at ito ang pinangangambahan ni Lacsaman. Nang hindi na siya mapakali ay tinawag niya na ang paNgalan nito, "Alysson. Mr. Macapal malapit ka na bang matapos, naiihi na kasi ako", ang pagpapalusot niya para kunin ang sagot nito.

Ngunit walang may nag-abalang sumagot sa kanya. Kaya naman ay kinabahan na siya, at hindi na nagdalawang-isip na pasukin ang banyo, at habang ang shower ay patuloy sa pagbuhos ng tubig, nakita niya si Alysson na walang malay, at nang hawakan niya ito isa lang ang kanyang naisip,

 
…nilalagnat si Alysson.
 
 

DakBoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon