Hindi maipagkakaila ni Lacsaman na hindi siya makatulog kakaisip kay Alysson. Ang mga ngiti nito, ang titig nito, ang namumulang labi nito, ang kakaiba nitong paraan ng pag-iisip, tila yatang lahat ng katangian ni Alysson ay isa-isa niyang sinusuri at natagpuan na lamang niya ang sarili na nakangiti at iniisip ang mukha ng binata.
At iyun yung kinaabalahan niya buong araw, ang isipin ang mga pagkakataong magkasama sila ng binata.
Hanggang sa natagpuan na lamang niya ang sarili na nakahiga sa kama habang pinanonood ang papasikat na araw.
Agad niyang kinuha ang phone at tinawagan si Melissa na nasa ospital at kasalukuyang nagbabantay sa ama ni Rey. Agad naman sinagot ni Melissa ang kanyang tawag at agad niyang iniutos rito na, "Gisingin mo na ang tatlong bobo ng SCE at sabihin mong meron pa silang exam na sasagutan. Baka kasi mahuli sila ng dating at hindi na pagbigyan ng kanilang propesor."
"Segi po Kuya", ang masayang sabi ni Melissa.
BINABASA MO ANG
DakBo
RandomPROLOGUE (Inspired by the movie entitled 3 Idiots) Sa paglipas ng ilang taon ay napagod rin silang hanapin ang kaibigan na kung tawagin ng iilan ay si DakBo na pinaiklisng kataga ng Dakilang Bobo na nagngangalang Alysson Timothy Francisco Diosdados...