[Reykardo POV]
Hindi ko alam pero tila kinakabahan ako sa mga nangyayari. Lalo na at matapos ng burol ng senior namin ay agad namang pinatawag papuntang office ni Lacsaman si Alysson. Marahil ay may kaugnayan ito sa ginawa nitong pambebentang sa Director patungkol sa suicide case ni Ramulos.
At ilang sandaling paglalakad sa corridor kasama si Danilo na kanina pang nag-aalala katulad ko, ay nakita namin kung paano padabog na maglakad si Mr. Lacsaman na puno ng galit habang hawak at hatak nito ang kamay ni Alysson na pwersahang kinakaladkad patungong second floor. Agad naman kaming nagmadali ni Danilo lalo pa at si Alysson na ang pinatitinginan ng mga estudyante at ng ibang mga professor.
At pumasok na nga ito sa classroom kung saan ngayon magaganap ang klase namin. Agad na kaming naupo habang marahas na pinapunta ng Direkto si Alysson papuntang gitna, sabay utos sa professor na kasalukuyang nagtuturo ng, "Alis muna diyan!"
Kakaiba pala talaga si Mr. Lacsaman magalit dahil nakakapanindig balahibo talaga. "Ito ang estudyanteng nagmamagaling na isa raw siyang propesor", ang galit nitong pagturo kay Alysson na kasalukuyang nakayuko. "Iniisip siguro niya na mas magaling siya kaysa sa mga high qualified nating mga propesor dito sa SCE. Kaya tunghayan natin ngayon kung paano magturo si Propesor Alysson Timothy Francisco Diosdados Macapagal Aquino Mercado ng Mechanical Engineering!”, ito ang malakas niyang bulyaw sa aming lahat na kahit hindi kami ang siyang pinagagalitan ay ramdam namin ang galit niya pagkatindi-tindi para kay Alysson.
At iniwan na nito sa gitna si Alysson at nakiupo sa tabi ng isang estudyante.
Tinignan muna ni Alysson na puno ng lungkot ang buong paligid, maging ang propesor sa tabi at tumagal siya ng ilang segundo kakatitig sa amin ni Rey.
Samantalang si Bayani naman ay mababakasan ng kasiyahan dahil sa wakas muling mapapahiya naman ang tinagurian niyang Dakilang Bobo.
"WAG MONG SAYANGIN ANG ORAS NAMIN!", ang muling bulyaw ni Lacsaman.
Kaya naman kahit walang ideya sa gagawin ay kinuha ni Alysson ang Mechanical Engineering book na nasa mesa at binuklat ito.
Tinignan niya ito, lumapit sa pisara at isinulat ang katagang:
PRETHERMALDANILOUSFILTRIZATIONATE
INTROSPECREYKARDOUSATIONSamantalang si Lacsaman naman ay tila nagtaka sa mga salitang isinulat ni Alysson.
"Meron po kayong tatlumpot segundo para bigyan depinisyon ang dalawang salita sa pisara. Maaari kayong gumamit ng inyong mga libro o kahit anong uri ng references online or offline sources ay pwedeng gamitin", at tinignan ni Alysson ang oras sabay sabing, "Simula na."
At para kaming mga asong nag-uunahan sa karne habang mabilis na ini-scan ang bawat libro. Ang iba ay naglabas na ng kanilang cellphone, samantalang si Director ay kinuha na ang libro ng katabi para malaman rin kung ano ang kahulugan ng salitang iyun.
Nag-uunahan kami na tila isa ba itong karera, na kami sa iba naming mga kaklase ay nagiging sakim na magpatingin ng aklat na hawak.
Hanggang sa nagsabi na siya ng, "Times up!", na siyang ikinatigil naming lahat. Smantalang si Director ay patuloy parin sa paghahanap na tila ayaw sumuko, pero muling inulit ni Alysson ang sinabi, "Sir, times up na po." at doon pa lamang tumigil si Director.
Tapos masayang ngumiti si Alysson sabay sabing, "Mukha yatang walang may nakakuha ng tamang sagot. Magmuni-muni muna tayo at balikan natin ang ilang sandali ng kanina nang tinanong ko sa inyo kung ano ang kahulugan ng salitang nasa pisara, nakaramdam ba kayo ng kasiyahan? Ng kagalakan? Ng pagtataka? At naisip na may bago naman pala kayong matututunan. Meron ba sa inyo ang nakaisip niyan? Ikaw Lacsaman, naisip mo rin ba ang bagay na yan?"
Gago ba talaga si Alysson? Bakit hindi niya kayang masindak sa galit ni Lacsaman? At bakit kung makatawag siya rito ay wala manlang respetong pantawag?
"Wala diba?", ang sabi ni Alysson. "Kasi itinatak niyo sa isip niyo na lahat ng bagay ay karera na kailangan niyong mag-unahan. Para saan pa ang saysay ng metodolohiya ng pagkatuto kung nauna nga kayo pero wala naman kayong natutunan? Mapapataas ba nyan ang I.Q Level niyo? Diba hindi, kasi lalamunin lamang kayo ng mental pressure. Lagi niyong tandaan, isa itong kolehiyo at hindi isang pressure cooker."
At napatawa naman ako sa sinabi niya.
Nagpatuloy siya, "Tulad na lamang ng leyon na natutong umupo sa upuan dahil sa takot na malatigo. Pero nagagawa nating tawagin ang leyong iyun bilang well-trained at hindi isang well-educated"
"Hoy!", ang malakas na bulyaw ni Lacsaman. "Hindi ito isang klase sa kurso ng pilosopiya. Sabihin mo na at ipaliwanag ang kahulugan ng dalawang salita na isinulat mo."
At napayuko ng bahagya si Alysson sabay sabing, "Sir, hindi po kasi ang mga salitang iyan totoo. Gawa-gawa ko lang po yan", at iyun ang malakas na ikinatawa ng lahat. "Pangalan po kasi yan ng dalawa kong kaibigan" at sinalungguhitan niya ang salitang Danilo sa PRETHERMALDANILOUSFILTRIZATIONATE
At Reykardo naman sa INTROSPECREYKARDOUSATION na siyang higit naming ikinatawa.
Samantalang si Rey naman ay napatakip ng ulo na tila ba ay napahiya.
"TAHIMIK!", ang malakas nitong bulyaw. "Isa itong katuntahan. Ganun ka ba magturo ng Engineering?", ang tanong niya kay Alysson.
Kalmadong nagwika si Alysson ng, "Sir, hindi kita tuturuan ng Engineering kasi iyun yung propesyon mo at doon ka batikan. Ang nais kong ituro sa iyo ay ang tamang pagtuturo sa mga estudyante."
na siyang ikinanku't noo ni Lacsaman."Dahil naniniwala ako, na balang araw ay matututo ka rin", ang pagpapatuloy ni Alysson. "Dahil hindi tulad mo, hindi ko kaya abandunahin ang aking mga estudyante sabihin mang mahihina sila", at natawa naman kaming muli. At doon na ay mabilis na lumabas ng silid si Alysson na wari mo ay contestant sa karera.
BINABASA MO ANG
DakBo
RandomPROLOGUE (Inspired by the movie entitled 3 Idiots) Sa paglipas ng ilang taon ay napagod rin silang hanapin ang kaibigan na kung tawagin ng iilan ay si DakBo na pinaiklisng kataga ng Dakilang Bobo na nagngangalang Alysson Timothy Francisco Diosdados...