[Reykardo POV]
Naglalakad kaming tatlo dito sa madilim na kalsada na hindi namin alam kung saan patutungo. Idinadaan sa masarap na kwentuhan ang aming mga kumakalam na tiyan.
Tas' ilang sandali ay napahinto si Alysson sabay sabing, "Hindi natin kailanga ng pera. Kailangan lang natin ng sobre at ang artistahin nating karakter." at itinuro niya sa amin ang isang ganap na kasalan sa di kalayuan.
Sabay-sabay kaming tatlo na pumasok. At si Alysson ay parang sanay na sa ganitong gawain dahil ngingiti at makikitawa sabay sabing, Uncle sa mga taong palapit sa kanya at yayakapin ito ng mahigpit na akala mo ay totoong magkadugo.
Napakaraming mayayamang bisita. Maganda ang pagkakaayos ng venue na akala mo ay isang parte ng royal family ang ikakasal. Agad kaming nakahanap ng bakanteng mesa at doon nagpuwesto.
May dumaan na waiter na may dalang tray na maraming laman na masasarap na pagkain. Agad itong tinawag ni Alysson na ani mo ay boss at walang hiyang kinuha ang buong tray sabay bigay ng utos sa waiter ng, "Kunan mo pa kami ng vodka. Salamat"
Hay naku! Wala talaga siyang hiya. Samantalang kaming dalawa ni Danilo ay nangangambang baka paalisin kami dito ng biglaan kapag nalamang saling pusa lamang kami rito.
Abala kami sa pagkain nang biglang tumigil sa pagngunguya si Alysson at napangiti sa kanyang nakikita. Ako naman ay nagtaka kaya tinignan ko yung tinitignan niya at nakita ko sa kalayuan ang isang magandang babae na katalo ang boyfriend.
"Melissa, ano ba ito?", ang pagtatanong ng lalaki sa girlfriend nito. "Bakit ka nakasuot ng lumang basura", ang pagpupuna nito sa lumang relong suot ng babae.
"Ano na lamang ang sasabihin ng mga tao pagnakita nila ito?", ang inis na wika ng lalaki. "Na ang magiging asawa ko na isang doktor ay nagsusuot ng pipitsuging relo na tag-dalawang-daang pesos lang."
"Hi. Handsome!", ang pagkuha ng atensyon ng babaeng matanda sa lalaki at napalingon nga ito at masayang nagsabing, "Hey. Auntie. Ang ganda mo ngayon."
At hindi na pinansin ng lalaki ang girlfriend nito at sumama sa tinatawag na Auntie.
Hindi ko alam kung ano naman bang kalokohan ang nasa isipan ni Alysson pero pinanuod ko na lamang siya lalo na nung lumapit siya sa babaeng si Melissa ayun na rin sa pagtawag ng boyfriend nito dito.
"Excuse me", ang bungad ni Alysson sabay bigay ng bulaklak sa babae at tsaka kinuha ang hawak nitong juice. Lumagok muna ng juice si Alysson, "Free advice: Wag mong pakasalan ang lalaking iyun", at tsaka itinuro nito yung boyfriend ni Melissa.
At mataray siyang nilingon ni Melissa sabay tanong ng, "Bakit?"
"Simple lang", ang sabi ni Alysson habang nakatayo at maarteng tinitignan ang boyfriend ni Melissa. "Hindi kasi siya tao, at masahol pa sya sa hayop. Hindi ko alam pero hilig niyang pahalagahan ang price tag ng bawat bagay kaysa alamin ang sentimental value nitong taglay."
"Listen", ang inis na sabi ni Melissa pero hindi siya pinansin ni Alysson at nagpagtuloy sa pagsasalita, "Gagawin lamang niyang masalimuot ang buhay mo na puno ng sikat na brands at mamahaling prices. Sisirain niya ang buhay mo at kapag nagkaganun. Sira na rin ang kinabukasan mo."
BINABASA MO ANG
DakBo
RandomPROLOGUE (Inspired by the movie entitled 3 Idiots) Sa paglipas ng ilang taon ay napagod rin silang hanapin ang kaibigan na kung tawagin ng iilan ay si DakBo na pinaiklisng kataga ng Dakilang Bobo na nagngangalang Alysson Timothy Francisco Diosdados...