Chapter 19

695 43 0
                                    

Magtatatlong araw na si Alysson sa bahay ni Lacsaman, at hindi niya maipagkakaila na buhay bisita siya rito at ang pagiging hospitable ni Lacsaman yung pinakagusto niya dahil hindi siya pinahuhugas…
 
…kasi last time na pinahugas siya nito ay nauwi lang ang lahat ng pinggan sa pagkabasag…
 
Hindi siya nito pinalilinis…
 
…kasi hindi siya marunong gumamit ng vaccuum at muntik niya na itong masira…
 
Hindi siya nito pinaluluto…
 
…kasi muntik niya nang masunog ang kusina…
 
Hindi siya nito pinalalaba…
 
…kasi nalubaran niya lahat ng puting damit nito…
 
Kaya naman ay pinapahinga na lamang siya nito kasi alam niya na alam ni Lacsaan na ang tangi niyang magagawa ay ang…
 
…kumain ng marami at matulog na may iba't ibang posisyon habang humihilik ng pagkalakas-lakas.

 
Kung sa campus ay halos hindi sila magkita dahil sa laging may kinabibisihan silang dalawa, dito naman sa bahay ni Lacsaman ay walang silang ibang gawin kundi ang magbangayan, lalo na at puro sermon si Lacsaman samantalang si Alysson naman ay parang teenager na nagrerebelde sa ama at si Lacsaman ay parang babaeng nasa 50's na nalalapit na sa menopausal period.
 

Ngayon ay nakasuot na ng damit pantulog si Lacsaman ngunit bigla itong nahinto nangg makita niyang nababahala at mukhang naiiyak si Alysson matapos makatanggap ng tawag, ilang sandali ay hindi na ito makapagpigil at nagmakaawang hihiram ng masasakyan.

"Bakit?", ang naguguluhang tanong ni Lacsaman.

"Kasi po yung ama ni Rey, inatake po muli ng sakit. Pakiusap!", ang pagmamakaawa ni Alysson sabay sabing, "Alam kong mainit ang ulo mo sa akin pero ngayon please lang, magpakatao ka naman at gampanan natin yung moral responsibilities natin na pagtulong sa kapwa. Promise tatapusin ko na talaga ang inverter kung yun yung kinaiinisan mo sa akin."

 
Walang nagawa si Lacsaman kundi ang sundin ang pagmamakaawa ni Alysson kasi lahat ata na aral mula sa bibliya, verse sa sanskrit, aral ni Confucius at buddha ay naibato sa kanya nito, kaya nga ngayon ay inis siyang nagmamaneho ng motorbike.

Ngunit hindi niya maipagkakaila na sa simpleng pagyakap sa kanya ni Alysson ay kumalma siya lalo pa at narinig niya itong nagsabi na, "Please lang Lacsaman, kung magpapakamatay ka dahil sa masyadong mabilis kang magpatakbo, ay tulungan muna natin ang ama ng kaibigan ko kasi ikaw binata pa at malayo pa ang mararating pero iyun, matanda na at bilang na lamang ang mga araw. At isa ako sa mga taong malulungkot…

 
…kapag nawala ka."
 

 
 

DakBoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon