Pansin ni Alysson na paalis na si Lacsaman sa ospital kaya sinamahan na lamang niya ito palabas, habang dala nito ang kinakaladkad na motorsiklo.
"Motorsiklo isang bayani, matapos iligtas ang naghihingalong pasyente!", ang wika ni Alysson na ani mo ay isang reporter kung magsalita.
At muli naman gumuhit sa labi ni Lacsaman ang ngiti, "Nakakatawa", ang sarkastiko nitong pagkakasabi.
"Alam mo Sir, gwapo ka", ang nanghihinayang na sabi ni Alysson. "Kaso lamang suplado ka. Kaya sa halip na kamahal-mahal ka ay nagiging katakwil-takwil ka"
Napatawa ng bahagya si Lacsaman sa sinabi ni Alysson at tsaka nagsalita, "Yan ba talagang bibig mo ay hindi nag-iisip ng sasabihin?"
"So far po kapag ikaw yung kausap ko", ang sabi ni Alysson. "Hindi ako nakakapag-isip ng matino. Nakakabaliw ka kasi."
"Hindi mo ba alam na double meaning yang sinasabi mo", ang sabi ni Lacsaman.
"Bakit? Kaya mo bang i-explain ang denotative at connotative definition ng sinabi ko?", ang nagmamayabang na tanong ni Alysson.
"Oo", ang simpleng sabi ni Lacsaman. "Denotative: na totoong baliw ka, at higit ka pang literal na nababaliw kapag kausap mo ang Sikat at Gwapong Director ng SCE. At para naman sa Connotative definition: tuluyan ka nang nagpapakita ng senyales na natamaan ka na sa akin",
at nagtawanan silang sabay habang naglalakad.
"Sir, if ever na matapos ko yung inverter. Ligawan mo ako ha?"
"Oo nga pala. Bakit sa karami-rami ng pwede mong gawing premyo mo ay ako pa talaga ang napagdiskitahan mo?"
"Syempre Sir", ang sabi ni Alysson. "Sabi nga ni Bayani, isa akong DakBo. Dakilang Bobo kasi hindi ko iniisip ang maaaring mangyari sa akin kapag gumagawa ako ng mga bagay na hindi katanggap-tanggap sa mata ng mga propesor ko. At ngayon, magpapakadakilang Bobo ako kasi gusto ko na bago ako tuluyang maka-graduate sa SCE ay naging espesyal na pagmamay-ari ko ang halimaw na si Lacsaman na saksakan ng kasungitan at kasupladuhan."
"At sasabihin ko na sa iyo", ang wika ni Lacsaman. "Isa akong over protective na boyfriend kapag naging tayo."
Napalingon sa kanya si Alysson. "Sir ang sabi ko ligawan mo lang ako. Hindi ko sinabi na gawin mo akong girlfriend o ano pa man. For infact, sinong nagsabing sasagutin kita, kung ang gusto ko lamang ay gawing maamo ang tigreng mabangis?"
"Sorry", ang parang nawalan ng kaligayahan na wika ni Lacsaman. "Bakit nga ba ako napaisip ng ganung sitwasyon e alam ko namang hindi mo kayang gumawa ng inverter."
"About sa inverter pala. Nakaisip na ako ng pangalan"
"Ano naman?"
"RossLac Inverter", ang masayang sabi ni Alysson. "RossLac, kasi pinagsabay na pangalan mo at pangalan ko."
Nagtaka naman si Lacsaman lalo na sa kahaba-haba ng pangalan ni Alyson ay walang pagntig na kasing tunog o parehas ng baybay ng 'Ross'. Iyun yung bagay na hindi niya itinanong. Ang bagay na higit siyang napaisip ng husto.
BINABASA MO ANG
DakBo
RandomPROLOGUE (Inspired by the movie entitled 3 Idiots) Sa paglipas ng ilang taon ay napagod rin silang hanapin ang kaibigan na kung tawagin ng iilan ay si DakBo na pinaiklisng kataga ng Dakilang Bobo na nagngangalang Alysson Timothy Francisco Diosdados...