Masyado silang nagpakabulag sa kasiyahang makikita ang kaibigan, pero iba ang kanilang inaasahan. Hindi nila inaakala na ang Alysson na isang lalaki na kanilang kasama dati sa dorm ay isa na ngayong magandang babae sa anyo ni Ms. Safirah.
Marahil hindi naging maganda ang tagpo nilang magkakaibigan kaya kasalukuyang nakatayo sina Danilo at Rey sa labas ng gate ng malaking bahay ni Safirah ay para linawin ang lahat.
"Wala po dito si Ms. Safirah", ang sabi ng isang katulong. "Nasa eskwelahan po."
Pagkasabi nun ng katulong ay agad nagmadaling sumakay ng sasakyan ang magkaibigan upang balikan muli ang kakaibang eskwelahan na puno ng mga inembentong bagay.
Doon ay nakita nila sa may pangpang si Safira na malungkot na pinagmamasdan ang dagat.
"It’s okay for me if I don't have a dad", ang wika ng isang malungkot na boses. Agad naman sila Danilo napalingon sa likuran at nakita nila si Rosslac na may pagkalungkot-lungkot na mukha habang hawak ang isang laruang trak. "It’s okay for me to have an imperfect or incomplete family as long as I don't see my mom's crying."
Agad na binuhat ni Danilo si Rosslac. "Wag kang mag-alala. Hindi man ni Mr. Lacsaman pinanindigan ang pagiging ama sa iyo, okay lang ba na kami ang maging daddy mo?", ang nakangiting wika ni Danilo.
"The both of you?", ang panglilinaw ng bata.
"Yes. The both of us", sa simpleng pangungusap na iyun, nagawa nitong pasayahin ang malungkot na bata habang sumisigaw sa tuwa ng, "Yeah! May daddies na ako! May daddies na ako!"
At isa lang ang napansin ni Reykardo, Halata talagang uhaw sa pagmamahal sa ama ang bata.
Narinig si Safirah ang sigaw ng masaya niyang anak, at nakita niya na buhat-buhat ito ng dalawa niyang kaibigan na papalapit sa kanya. Hindi niya alam kung galit rin ba ang mga ito sa kanya o susumbatan lang siya ng kanyang mga katangahan pero para sa kanya okay lang. Kaibigan naman niyang tunay.
Dalawang metro ang agwat nila sa isa't isa. Ibinaba muna ni Danilo si Rosslac at pinagsabihang, "Punta ka muna kay kuya Vivo mo. mag-uusap lang kami ng mommy mo."
"Promise me, you won't hurt my mom", ang malungkot na wika ni Rosslac.
"Promise", ang sagot ni Danilo. Na ginatungan pa ni Reykardo ng, "Cross my heart. Peksman."
Tapos mabilis na tumakbo si Rosslac palayo sa kanila.
At nakita nila sa mukha ni Safirah ang pananabik na mayakap sila. Lalapit na sana ito kaso pinagtigil ito ni Reykardo sabay sabing, "Wag kang lalapit. Kung totoong ikaw si Alysson na dati namin kakilala, anong dalawang salita ang isinulat mo noon sa board na walang estudyante ang nakapagbigay ng depinasyon?"
"Bakit may initial interview pa? hindi ba pwedeng yakapan muna at mamaya na ang talk show?", ang tanong ni Safirah na umiiyak.
Pero kinabahan ito ng seryosong sumigaw si Reykardo ng, "sagot!"
May kaunti mang pangamba at takot sa dibdib ay sinabgot ito ni Safira ng, "PRETHERMALDANILOUSFILTRIZATIONATE at INTROSPECREYKARDOUSATION na ibinasi ko sa pangalan niyo."
At natawa si Danilo.
"Huling tanong", ang sabi ni Reykardo, "Bakit tumalon si Alysson sa window ledge?"
Naiiyak man ay may mga pagkakataon na tumatawa si Safira lalo na ng sinabi nitong, "Para bigyan ng demonstration ang gagong si Reykardo na nagmamatigas na ulo na mamatay na."
At walang salita ay agad na niyakap ni Reykardo si Safirah sabay sabing, "Ikaw nga yan Alysson! Ang nag-iisang Dakbo namin."
BINABASA MO ANG
DakBo
RandomPROLOGUE (Inspired by the movie entitled 3 Idiots) Sa paglipas ng ilang taon ay napagod rin silang hanapin ang kaibigan na kung tawagin ng iilan ay si DakBo na pinaiklisng kataga ng Dakilang Bobo na nagngangalang Alysson Timothy Francisco Diosdados...