Chapter 42

634 43 0
                                    

[Reykardo POV]
 
"Saan naman tayo pupunta?",ang tanong ko kay Danilo.

"Meron tayong bibisitahing tigre", iyun lang yung sinabi niya. Nung una, hindi ko gets, pero nung narating namin ang SCE, nakuha ko rin ang nais niyang ipakahulugan, iyun ay ang bisitahin sa office ang supladong Director na si Mr. Lacsaman.

 
Pagkarating namin sa loob ng office ay agad nasiyahan si Kuya.
Opo, kuya na ang tawag ko sa kanya matapos kong pakasalan ang kanyang kapatid na si Melissa na kasalukuyang nasa ospital at nagdadalang tao sa baby boy namin.

 
"O Rey napadalaw kayo dito ni Danilo?", ang masaya niyang bati sa amin.

 
"Sir", ang tawag ni Danilo. "Alam na po namin kung saan mahaahnap si Alysson. Sasama ka po ba?"

 
Pagdadalawang-isip ang una mong mababakas sa kanya. E sino nga ba ang hindi magdadalawang isip matapos ipagsigawan sa buong campus after ng graduation namin na pakakasalan niya si Alysson sa buong pag-aakala na naroroon parin sa lugar ang binata.
 

Bumili pa siya nun ng malaking cake na three layers, na may nakasulat na:
Will you be my boyfriend?
 

Tapos bumili pa siya ng mamahaling singsing, bouquet at chocolate. Almost perfect na walang babae ang makakatanggi lalo na at gwapong-gwapo noon si Kuya Lacsaman, pero inabutan na lamang ng hapon, ulan at nawalan na ng tao ang lugar dahil sa gabi na ay hindi parin natinag si Kuya dahil naniniwala siya na babalikan siya ni Alysson.

 
Pero walang Alysson ang sumipot o bumalik, kaya halos dalawang buwan rin si Kuya sa ospital sa pangangalaga ng sarili nitong psychotherapist kasi para yatang mababaliw na siya.

 
Pero agad naman siyang gumaling at muling nakakilala ng bagong pag-ibig sa anyo ng napakagandang babae na pagkabait-bait na si Ms. Safirah Ross Black na siyang naging psychotherapist niya.

 
Hindi ko alam pero siguro nakita niya ang lahat ng katangian na nagustuhan niya kay Alysson sa anyo ng babaeng iyun.
 

Kahit ako ng pinsan kong makita ang babaeng iyun agad naging magaan ang pakiramdam ko dahil para talaga siyang si Alysson kung magsalita ng English na kay lalim-lalim, at kung kumilos parang arogante ang dating.
 


 
At sa di inaasahan ay saktong pumasok si Ms. Safirah Ross Black na nakasuot ng pagkaganda-gandang dress na bulaklakin. Naka-pony tail ang buhok nito at kahit walang make-up ang ganda niya na.

 
"Why would you not pay a visit to your once loved?", ang wika nito. "Marahil siya ang tunay na sagot para tuluyan ka nang gumaling from mental pressure na nakuha mo sa kanya

Agad napahinga ng malalim si Director sabay sabing, "Hindi ko na kailangang hanapin si Alysson dahil meron na akong girlfriend."

 
Tapos muling tumitig si Ms. Safirah kay Kuya Lacsaman sabay sabing, "Becareful of claiming me as your girlfriend. You might regret it at the end."

 
"Bakit kapag sinasabi mo iyan ay parang kinakabahan ako?", ang wika ni Kuya.

 
"For some psychological stimulus I guess?", ang wika ni Ms. Safirah na lalo pang gumaganda kapag umi-english dahil sa accent nitong may pagka-british. "Diba may itinuro ako sa iyo na kapag kinakabahan ka, ano ang dapat mong sabihin?"

 
"Wholly iz righto!", ang sagot ni kuya. Na siyang umagaw ng atensyon namin ni Danilo.

 
At ngumiti si Ms. Safirah at inulit ang pamilyar na kataga, "Wholly iz righto!"

DakBoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon