Kabanata 1

3.1K 46 2
                                    

Kabanata 1

Tripped

"Apollo! Apollo tara maglaro!"

"I don't play silly games." He said darkly.

Nilagpasan niya ako at supladong inisnaban. Hindi niya man lang ako nilingon.

"Masaya naman ang mag laro a?"

"Then enjoy it yourself."

Hinabol ko siya at nilapitan.

"Hindi mo man lang ba susubukan?"

"Huwag kang makulit. Sinabi kong ayoko diba?" Iritado siyang tumingin sa akin.

I heavily sighed.

Apollo and I were classmates since kindergarten. We're now third grader. Palagi kaming parehas ng school na pinapasukan dahil na rin sa kagustuhan ng mga magulang namin.

That should make us close but it's the other way around. He's always putting space between us.
Para bang mayroong barrier na naghihiwalay sa aming dalawa.

He's always like that.

Tuwing inaaya ko siya na sumali sa laro naming magkakaklase ay palagi niya akong tinatanggihan. Pero kapag ibang kaklase ko naman ang nag aaya sakanya ay minsan pumapayag siya.

He's so unfair!

He's kind and gentle to others but when it comes to me, he's always annoyed and mad.

I don't know why he hates me.

My presence is enough to irritate him.

Palagi siyang masungit ay mailap sa akin mula pa noon. Nagtataka rin ang ibang kakilala namin pero kahit ako ay hindi ko rin alam kung bakit.

I saw him walk on the corner of the room and smile to Vivien when she gave him a chocolate.

I pouted.

Why can he easily give away his smile to other people while here I am working hard to even make him look at me.

"Ang haba ng nguso natin a, hulaan ko, sinungitan ka nanaman ni Apollo ano?"

I looked at Arry who suddenly appeared on my side and with a smug look on her face.

"Nakakainis! Sa iba hindi naman siya ganoon pero pagdating sa akin..."

I heard her chuckle.

"Baka may galit yan sayo?"

Nanlaki ang aking mata at nilingon ang kaibigan. Maaari. Pero ano naman ang dahilan?

"Hindi ko alam, wala naman akong ginagawa para maging ganyan siya sa akin, he's so unfair." Sabi kong nagmamaktol.

I pouted.

Mas lalo lamang nalukot ang muka ko ng makita ko si Apollo na masayang nakikipag usap sa mga kaklase namin.

The latter is even laughing!

"Hayaan mo na, tayo tayo nalang ang maglaro, hindi mo naman mapipilit na sumama dito yan."

Tahimik akong sumunod sakanya papunta sa mga ibang kaklase namin.

Hapon na ngayon at oras ng paglalaro. Binibigyan kami ng aming mga guro ng isang oras na maglaro pagkayari ng klase.

Hinayaan ko na muna si Apollo at nakipaglaro sa mga kaklase namin. Ayaw niyang sumali dahil masyado daw pambata ang mga laro namin, bata rin naman siya pero kung makapagsalita akala mo matanda na.

"Sino ang taya?"

"Ikaw ang taya Mavis, nahuli kang pumunta dito kaya dapat ikaw ang taya."

Lumingon ako kay Axel at sinimangutan siya. Palagi akong inaasar ng isang 'to.

Loving the Ruthless WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon