Kabanata 9

1.5K 33 1
                                    

Kabanata 9

Start

Maaga akong nagising dahil sa mga katok sa aking pintuan. Sobrang sarap ng tulog ko dahil natulog akong walang pinoproblema at malayo sa mga pangamba. Maganda rin pala na hindi isipin ang mga problema kahit minsan.

Sabi nga nila dapat hindi pinoproblema ang problema para hindi lumaki o lumala.

"Mavis anak bumangon ka na dyan at may binatilyong naghihintay sa iyo sa baba. Jusmiyo itong bata na ito sobrang tanghali na kung bumangon."

Napabalikwas ako ng bangon at sumigaw bago nagmamadaling nagtungo sa banyo. Hindi pa man ako nakakapag inat pero kailangan ko ng mag apura. I'm sure that is Rico. Bakit ba naman kasi kaaga niyang pumunta rito.

"Opo Manang pasabi nalang po na sandali lang."

Last night I called Arry and told her about everything. She is very happy and thrilled with my decision. She said that she would support me with everything.

I am thankful for having her in my life.

Mabilis akong gumayak at nag ayos. Anong oras na ba? Kaaga aga pa. Tinakbo ko ang daan pababa at halos malaglag ako sa hagdan kaka apura. Mabuti nalang at nasa baba si Rico at nakaalalay na sa pagbaba ko.

"Careful Mavis. I never thought you will be this excited to see me."

"Oh dream on Rico."

Inirapan ko siya at kasabay non ay ang malakas niyang pagtawa. My parents are gone early for work, again. Wala namang bago. Tanging itong presensya lamang ni Rico sa aking harapan ang bago ngayon.

Nagsimula akong maglakad sa mesa papuntang kusina pero bago pa ako maka upo ay naunahan na niya ako sa paghila sa upuan.

Gentleman.

Umupo siya sa tabi ko at nagsimula na ring kumain tulad ko. Nilagyan ko ng tinapay ang kaniyang plato at sinalinan ng tubig ang kaniyang baso. Tumingin ako sa kanya at napataas ako ng kilay ng makitang nakangiti siya ng nakakaloko sa akin.

What now?

"I also never thought that you will be this sweet to me Mavis."

Inirapan ko siyang muli kaya muli rin syang tumawa ng sobrang lakas. Ka aga aga at ako ang pinag ti-tripan. Tama bang asarin ako ng ganito ka aga. Gigisingin niya ang mga kapitbahay namin sa lakas ng ingay niya.

"Ang aga mo ata ngayon? Natutulog pa lang ako ay nandito ka na. Are you that excited Rico?"

"Gusto na kasi kitang makita agad kaya pumunta ako agad dito. I want to see you so bad baby."

Halos masamid ako sa kinakain ko dahil sa sinabi niya. Uminom ako ng tubig ng wala sa oras. Pinadilatan ko siya ng mga mata. And hell! He even got the guts to wink at me.

The nerve of this guy. Just wow!

Hindi rin kami nagtagal kumain at dumeretso na sa university. Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan. Pagkadating na pagkadating namin doon ay nakita ko agad ang mapang asar na ngiti ni Arry.

"The new lovers is in the room. Yow!"

Aba't ayaw talagang tumigil ng babae na 'to. Hindi na nahiya at talagang isinigaw pa talaga sa buong classroom. Nakita ko kung paano lumingon at ibinaling sa amin ng aming mga kaklase ang kanilang atensyon. Inulan tuloy kami ng pang aasar mula sa buong klase. Pahamak talaga si Arry. Inilibot ko ang aking mata at nakita si Nichole na nakangiti sa amin. Binalingan ko ang katabi niya at pagalit itong nakatingin sa akin.

I looked away and sighed heavily.

What is your problem Apollo?

Maya maya lang ay nasa harapan na namin sila Apollo. Naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Rico sa bandang likod. Tila ba sinusuportahan ako sa pagkakatayo.

Loving the Ruthless WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon