Kabanata 20

2.2K 37 9
                                    

Kabanata 20

Fall

"I told you didn't I? File an annulment and we will push it to divorce afterwards."

I was torn between following her suggestion and not. She's really pushing me on the edge. She wants me to remove Apollo in my life. I can't blame her though, sa paningin ng iba ay nakakabahala.

I shook my head as I look at her burning in frustration, set of eyes. It is screaming in anger, pity, sadness and uneasiness. Mas nangingibabaw nga lang ang galit.

I told her what happened last night. I told her my frustrations and expectations. Lahat ng disappointments ko ay sinabi ko sakanya. I told her about my pain. Pati ang pagod ko sa lahat ay sinabi ko sakanya kaya ganyan nalang siya kagalit ngayon.

"Ayokong magpadalos dalos Arry, this is something serious. It is marriage we are talking about, my marriage, not some game that you wanted to stop."

Marahan akong umiling.

"It is not that easy Arry. Isa pa hindi ko alam kung kaya ko. Paano pag wala na siya? Ano na ang gagawin ko sa buhay ko?"

Kita ko kung paano mas nag alab sa galit ang kaniyang mga mata. I understand where she is coming from. She is my bestfriend. I know that she only wants the best for me.

"Start again from the beginning. Bumangon ka at magsimulang gumawa ng buhay na hindi siya kasama. Bring the old Mavis back! Yung ikaw noong wala pa siya."

I sighed heavily. Paano ba? All my life I've been loving Apollo. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ng wala siya o kahit magsimula ulit sa umpisa. Hindi ko halos maisip kung paano.

Malungkot akong ngumiti. Tears pooled in my eyes. Ang bigat bigat sa pakiramdam. Ang tanging ginagawa ko lang naman ay mahalin siya. Hindi ko maintindihan kung bakit puro sakit nalang ang nararamdaman ko. I tried to understand his side but then until when. Hanggang kailan ba ako iintindi at magpapanggap. Hanggang kailan ko ba kailangang magbulag bulagan sa lahat.

"Hindi ko na nga maalala kung sino ako noong wala siya. All my life, all I can remember are the moments I spend with him. Good and the bad ones. Ang hirap hirap lang kasi dahil ginawa ko siyang sentro ng mundo ko. Kaya pag wala siya ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagmamahal lang naman ako. Kung bakit ganito kahirap ay hindi ko alam."

Tears keep streaming down in my cheeks. I can feel my chest tightening. I opened my mouth with the antisipation of breathing some air.

"Yan nga kasi ang mali sayo. Nagmamahal ka ng taong hindi ka mahal! Tandaan mo Mavis.. Hindi mo pwedeng ipaglaban ang taong hindi ka din ipinaglalaban! At mas lalong hindi ka dapat manatili sa taong hindi ka kayang piliin!"

I know all of that but I still pushed my luck, I am just too unfortunate.

"Mali bang magmahal? Mali bang gustuhin na sumaya? Mali bang sumugal?"

Tinitigan ko siya kahit nanlalabo ang aking paningin. I looked at her with eyes full of sadness but also over flowing of determination. I wanted to know what's wrong about loving. I only wanted to be happy. Pero ipinagkakait iyon sa akin.

"Mali yang pagmamahal na yan kung nakakasakit na. Mali kung mas nangingibabaw na lang ang sakit kaysa sa saya. Napanatag ka ba kapag kasama siya? Do you even feel safe and at home when you are with him? Maling mali ang pagmamahal na tinatawag mo kung ginagamitan ng rahas. Hindi sa bawat oras ay puro pagmamahal ang pinapairal. Gamitin mo rin ang utak mo para malaman mo, sa sarili mo mismo kung tama pa rin ba o mali na."

Pinunasan ko ang aking mga luha. I was taken aback. Para bang hindi ko alam ang sasabihin ko ngayon. I must admit that she is right. Kahit kailan hindi magiging tama ang pagmamagal na tulad ng sa akin. This is beyond obssession.

Loving the Ruthless WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon