Affection 2

1.9K 20 0
                                    

ALAS-Quatro na ng madaling araw, naghihintay ng kanilang bus papunta sa Maynila. Kailangan kasi nilang bumiyahe ng maaga dahil aabutin ng 12 oras sila para makapunta roon. Tatlong babae silang nakaabang at kasama rin ang kanilang mga magulang. Nagbakasyon kasi sila ng tatlong araw, at ngayon ay kailangan nilang bumalik para sa kanilang mga trabaho.

"Upaya man an imo kalusugan didtu ha? Kon may kinahanglan ka signga la ako, tawagon ak nimo dayun. (Ingatan mo yung kalusugan mo doon ha? Kung may kailangan ka sabihin mo lang, tawagan mo ako.)" Bilin ng isang ale sa babaeng paluwas ng Maynila.

Kasama rin nya ang kaibigan at pinsan nya na sya ring kasama sa inuupahang apartment at tinatrabahuan.

"Si nanay talaga. Hindi ka na sanay, umuuwi kami kapag may bakasyon, ayaw na pagdrama uy! ('Wag nang magdrama.)" Kapagkuwan at niyakap nya ito.

Kasabay niyon ay bumusina na ang kanilang sasakyan na bus. Habang pasakay ay panay pa rin ang bilin ng kanilang mga ina. Nakasakay na silang tatlo at tuloy pa rin ang pagkaway ng kanilang mga magulang hanggang sa umandar ang sasakyan at tuluyan ng hindi na nila nakita ang mga ito.

Ang probinsya ng Samar ay may maraming mamamayan at pangunahing hanapbuhay ngunit kaakibat rin ang kahirapan kung kaya't minarapat nilang magtrabaho sa Maynila upang may ipantustos sa kanilang pamumuhay at mahal na naiwan sa naturang probinsya.

MGA alas-sais na ng gabi sila nakarating sa apartment. Pagod na pagod man ngunit kailangang ligpitin ang kanilang mga bagahe.

Pagkalipas ng isang oras ay nakapag-ayos na sila ng kanilang gamit at ang kanilang mga sarili. Komportable namang umupo ang isa sa kanila sa sofa.

"Hay, natapos din. Nakakapagod ang biyahe!" sabi ng isang babaeng may kulot na buhok, at morena ang kutis.

"Oo nga eh, si nanay nga mukhang di pa nasanay sa pagluwas ko ng Maynila.. laging umiiyak.." anang babae na nagtitimpla ng gatas. Medyo may kaputian at maiksi na straight ang buhok nito.

"Ay, nako. Sinabi mo pa, kanina nga eh paulit-ulit yung bilin nya. Pero mas okay na 'yun kaysa naman na walang pakialam ang mga magulang ko, diba?" sambit naman ng babaeng naka T-shirt at shorts. Naka ponytail ang tali ng buhok, may kagandahan at morena rin ang kulay nito.

"Korek ka dyan! Pero teka bakit ganyan suot mo? Naka T-shirt tsaka shorts? Nagshort ka pa eh hanggang tuhod naman," puna ng babaeng nakaupo. Kinunotan naman ito ng noo.

"Ano ka ba walang basagan ng trip. Sa ganitong damit ang gusto ko."

"Kaya walang nanliligaw sa 'yo eh, tomboy ka," sambit naman ng dalaga na nakaupo na rin sa sofa habang iniinom ang gatas na tinimpla nya kanina.

"Wow, ha? Tomboy lang ako manamit, pero babae ako." Giit nito.

"Oo na, hindi ka na namin aasarin baka mainggit ka pa sa mga nobyo namin." Tawang-tawa na asar nila.
Inirapan lang sila nito. Saka umakyat sa na papunta sa silid nito.

****

ABALA sa pag-aayos ng damit ang dalaga ng pumasok sa silid nya ang dalawang kasama.

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong nya na hindi tumitingin rito.

"Sama ka? May pupuntahan kami." Sa tono pa lang ng mga ito ay alam nya na kung saan.

She just sighed and looked bored at them. "Sa club na naman yan. 'Wag na dito na lang ako." Saka ipinagpatuloy ang pag tutupi ng damit.

"Reith naman! Sige na please, sumama ka na. Twenty-one ka na kaya ayos lang na gumala ka. Tsaka hindi ka na student no!" sa sinabi nito ay sinamaan nya ito ng tingin.

The Greek's Affection  ✔ COMPLETEDWhere stories live. Discover now