Zary is indeed felt wonderful. Unat na unat ang bibig nya sa pag-ngiti habang nagmamaneho pabalik sa Condo nya. It was 4:30 am when he already left from her apartment.
Baka kasi makita pa sya ng mga kasama ni Reith. Pero bago sya tuluyang umalis pinakatitigan nya muna ito, kinabisado ang bawat parte ng magandang mukha nito. Then, he gave her a peck kiss in her forehead and her lips.
Gusto pa nya sanang namnamin ang halik pero kailangan na nyang umalis. Kahit ganun ay hindi pa rin mapuknat ang ngiti nya sa labi.
The reason?
He actually gets hugged her, slept with her in her bed. What a lucky man he is.
Higit sa lahat she accepted his deal pero para sa kanya seryoso ang deal na 'yon. He actually can get to know her more, and win her heart.
Hindi lang talaga sya susubok, he will do his very best. He knew that it will be a great challenge to him. He definitely knew that his journey is not all about happiness. Alam na alam nyang magiging masakit at masasaktan sya.
Why? Could you blame him? He was already fallen and nothing can push himself back to his drowning self anymore.
Ika nga, try and try until you succeed. But in his own vocabulary. Try and try, never give up until she said the three words, 'I love you'.
THE sun was already shining up bright. Unti-unting nagmulat ang mga mata ni Reith mula sa sinag ng araw. Nagpa-inat-inat muna sya bago bumangon sa kama. Napalingon naman sya sa kanyang tabi. Napagtantong wala na doon ang binata.
Anong oras ba sya umalis?
Natigilan naman sya sa kanyang tanong. "Tss, bakit ba ako nagtatanong? Wala nga pala akong pakealam 'dun?"
Subalit napipilan naman sya nang maalala nya ang kanyang sinabi sa binata.
"Kaasar! " Nagpapadyak sya at napahiga sya sa kama. "Bakit ba ako pumayag sa deal na yon? Ang tanga mo talaga Reith!"
Napatigil sya sa pagmamaktol nang marinig nya ang pagkatok sa pintuan ng kanyang kwarto.
"Rean! Okay ka lang ba dyan? May problema ka?" Tanong ni Nikaila mula sa labas habang kumakatok.
"A-ayos lang ako! S-susunod nalang ako maya-maya pababa!" Aniyang kinakabahan.
"Sure ka ah? Nasa baba na si Yessa, sya na yung nagluto."
"O-ok. Maliligo muna ako."
Pagkasabi nya nun ay wala na syang salita pang narinig. Nakahinga naman sya ng maluwag. Magiging magulo at hindi sya tatantanan ng mga ito kapag nalaman nila ang lahat.
"ANONG ORAS ka umuwi kagabi? Nagising kasi ako mga mag-aala-una na malakas na ang ulan." Napatigil sa ere ang pagsubo ng kanin si Reith sa tanong ni Yessa. Nasa hapagkainan sila at nag-aalmusal.
"A-ahm... Lampas alas-dose na." Napatango nalang ito.
Akala nya wala nang magtatanong pero nagsalita naman si Nikaila.
"Mabuti nakauwi ka ng maayos? Delikado na ang panahon ngayon ah?" Sambit naman nito habang ngumunguya.
"M-maayos naman akong... nakauwi." Kiming sabi nya. Napasubo nalang sya kaagad ng kanin at ulam.
Alangan namang sabihin nya ang buong nangyari kagabi? Alam nyang mag-aalala ang dalawa at higit sa lahat kukulitin sila nito kung sino ang tumulong sa kanya. Minsan pa naman iba ang utak ng mga ito. Binibigyan ng malisya kahit wala.
Wala nga ba?
She remembered how he beat up those guys and how he saved her. Ngayon lang nya napagtantong gwapo talaga ito. She even still felt the warmth of his hug. Napawi kasi ng yakap na 'yon ang takot nya kagabi. Parang gusto nyang kaltokin ang sarili.
YOU ARE READING
The Greek's Affection ✔ COMPLETED
RomanceServin Zary Monteverde is a Greek bachelor. He wanted to avenge his mother. Mangyayari lang 'yon kapag napatunayan nyang masama ang pangalawang asawa ng kanyang ama. But during his plan, he met Reith. A brave-promdi girl who capture his heart. He kn...
