Nakapikit pa rin ang mga mata ni Zary. Paulit-ulit na parang ni-rereplay ang mga sinabi sa kanya ng asawa ng pinsan nya. Bakit parang nasaktan sya? Did he just hurt when he already knew that he wasn't the man who first met her? Partida parehas pa ang kulay ng mga mata nya. Kaya ba parang ilap sa kanya ang babae nung hinalikan nya ito?
F*ck! Why the heck am I thinking about her?
I'm just attracted to her, that's all!
Isip-isip nya. If you're attracted to a certain person, does that mean that you already like her or him?
I just admitted that I liked her a while ago. Then why do I like this?
Marahas nalang syang bumuntong-hininga sa mga tanong nya.
Pero lumambot ang puso nya at nakaramdam ng lungkot dahil sa mga mata nya, naaalala ng dalaga ang unang lalaking minahal nito.
Why not me? Why him?
Sino ba talaga 'yung 'Kite' na yun at nasaktan nito ang dalaga?
F*ck this.
Masisiraan na talaga sya ng bait kaiisip. Well, nasiraan na yata sya simula nung nagkakilala sila sa club. And it worsened when he kissed her lips. Her delicious and lascivious lips.
Instead of ruining his mind with unanswered questions and insane thoughts, he decided to take a shower. Baka sakaling mahimasmasan at bumalik sya sa sarili.
NAGLULUTO naman ng dinner si Reith nang bumaba mula sa kwarto si Yessa. Humihikab pa ito habang nagsasalin ng tubig sa baso mula sa pitsel na nasa lamesa.
"Nasaan si Nikaila?" She asked. Umupo naman ito sa isang bakanteng upuan malapit sa kanya.
Hinahalo naman nya ang nilulutong pagkain bago sumagot.
"May nilakad. Hindi nya sinabi kung saan." Sagot nya. Kapagkuwan ay pinatay nito ang apoy mula sa stove, saka nya tinikman kung ano ang lasa ng kanyang niluto.
Nang maayos naman ay saka nya nilagay ang hugasan sa lababo. Bumaling naman sya rito.
"Mukhang napagod ka? Ngayon ka lang gumising." Umismid naman ito sa kanya.
"Tss. Naiinis lang ako." Kumunot naman ang noo nya sa sinagot nito. Mukhang alam na nya kung bakit.
"Ha imo uyab?" Sa boyfriend mo?
Pagkasabi nya 'yon ay mas lalong nainis ito lalo. Napa-iling nalang sya. Kapagkuwan ay nilapag nya muna ang huhugasin sanang plato saka umupo muna sya sa isa pang bakanteng upuan katapat lang nito.
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong nya. Mukhang ayaw nitong sagutin ang tanong nya, kaya iniba nya ang tanong. "May ibang babae?"
Tumingin naman ito sa kanya na nakakunot ang noo. Maya-Maya ay mabigat itong huminga.
"Sabi nya ayawan na. Na fall-out of love na raw sya. Tss." Sambit nito.
Sa tono nito ay alam nyang nagpapakatatag lang ang kaibigan, ayaw nitong makita ng iba ang kahinaan.
Ang mga lalaki talaga, pare-parehas lang.
"Mahal mo?" Tanong nya ulit. Napatitig nalang sa kanya ang katapat.
"Hindi naman mawawala eh."
May lungkot sa mga mata nito ng sinabi nya 'yon. Totoo naman, hindi kaagad mawawala ang nararamdaman, kahit wala na sa piling mo yung tao.
"Tinanong mo ba kung bakit? Anong dahilan?"
"Bakit pa? Hindi ko na dodoblehin ang sakit, kaya hinayaan ko nalang. Kung ayaw na nya, edi 'wag. Hindi ako ipinanganak para magmakaawa at manlimos ng pagmamahal nya." Pagkasabi nito ay lumabas sa mga mata ang butil ng luha. At nang maramdaman naman nito ay agad nitong pinahid.
YOU ARE READING
The Greek's Affection ✔ COMPLETED
RomanceServin Zary Monteverde is a Greek bachelor. He wanted to avenge his mother. Mangyayari lang 'yon kapag napatunayan nyang masama ang pangalawang asawa ng kanyang ama. But during his plan, he met Reith. A brave-promdi girl who capture his heart. He kn...
