Affection 26

416 13 0
                                    

KANINA pa naiinis si Reith sa pinag-gagawa nina Nikaila at Yessa sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang mga bagay na pinapahid nila sa mukha niya. And now they're bickering at each other of what dress would fit her.

"Hindi... dapat ganyan, para fresh tapos girlish." Ani Yessa na nakikipagtalo pa kay Nikaila.

"Ano ka ba? Dapat sexy para mas ma-attract si pogi!" Anang Nikaila habang pumipili nang dress.

Bakit kailangan nang dress?

Nagpabalik-balik ang tingin niya sa dalawa hanggang sa hindi na niya nakayanan ang ingay nila.

"Okay na ako sa simpleng ripped jeans at white t-shirt, no!" Agap na sabi niya pero agad naman siyang tinutulan ng mga ito.

"No way!" Napangiwi naman siya sa sabay nilang sigaw.

"Ehh---"

"Kailangan mong maging maganda sa paningin niya." Umasim ang mukha niya sa sinabi ni Nikaila.

"Girlish look okay na." Mas napangiwi siya sa tinuran ni Yessa.

Reith sighed. "Hindi ba mas magandang nakikita muna ng lalaki ang kapangitan nang isang babae?"

Tinapunan lang naman siya nang masamang tingin nang dalawa.

"Makaluma ka talaga... " naiiling na sabi ni Yessa.

"Hello, earth to Reith! Eh, may nakita naman na talaga sa'yo yung tao." Ani ni Nikaila. "Natikman pa."

Hindi niya nakayanan ang mga salita nito. Ngayon ay alam niyang namumula na ang mukha niya.

"This is it!" Nakangiti nang sabi ni Yessa sa kanya.

Rare enough, Reith likes it. It was a simple white floral sun dress. Hanggang tuhod niya iyon at hindi gaanong sexy ang dating.

Napatango naman siya. "Okay, iyan na lang..."

Napaismid nalang si Nikaila. Akala kasi nito pipiliin niya ang napili nitong mga dress na backless at lampas tuhod.

"Bagay naman sa kanya 'yan kaso mas babagay ngayon kay Reith 'to." Pag-alo ni Yessa rito. "Tsaka anong sasabihin ni Tita Rheanni kapag nakitang ganyan ang suot niya?" Dagdag pa nito.

Napabuntong-hininga naman ito. "Sabagay... oh, siya, dalian na natin para makita ka na ni pogi."

Kapagkuwan ay ipinagpatuloy na nila ang mga seremonyas sa mukha at pananamit niya.

Kanina pa siya kinakabahan kung matutuloy ba ang plano. She already told her plan to her mother. And she didn't expected to have a cool mother like hers. Can't believe of what her mother said.

"Ganun ba? Maganda nga 'yang naisip mo." Patango-tango nitong sabi habang nagbabanlaw ng plato habang siya'y inilalagay sa lagayan ang mga nahugas na pinagkainan.

Katatapos lamang nilang mananghalian at ngayon ay nasa kusina sila.

"Ah... Hindi kayo kokontra?" Nag-aalangan na sambit niya.

Tumawa naman ito at napailing-iling. Ngayon lang niya nakita ang ganitong side ng ina niya.

"Hindi naman ako katulad sa nanay ni Desy... " tinitigan siya nito saka marahang ngumiti. "Gusto kong sumaya ka. Syempre kailangan rin ng limitasyon... pero kung siya na nga talaga bakit ko tututulan ang nagpapasaya sa anak ko?"

Parang may humaplos sa kanyang puso. Ganito pala ang pakiramdam na sinusuportahan ka nang iyong sariling ina. Madapa ka man o bumangon ay palagi pa ring nandiyan nakaagapay sa'yo at tutulungan ka.

The Greek's Affection  ✔ COMPLETEDWhere stories live. Discover now