Affection 8

949 18 0
                                    

Reith was silently cursing herself. Hindi nya malaman sa sarili nya kung maiinis ba sya o ano. Parang halo-halo na kasi ang pakiramdam nya. Una naiinis dahil sya ang inutusang samahan ang bisita na para sa kanya ay isang bwisita. Pangalawa, kinakabahan sya. Dahil ba 'yon nung nakaraang gabi? Bakit ba nya hindi makalimutan 'yon? Mahigit isang linggo na ang lumipas, pero bakit ganun pa rin ang epekto? Isang halik lang naman 'yon.

Oo, isang halik. Isang nakakabaliw na halik na hindi ko malimut-limot.

Lalo silang dalawa lang ngayon sa loob ng elevator. Nasa likuran lamang nya 'to. Pangatlo, ang isang pakiramdam na hindi rin nya maintindihan. Bakit ba bumibilis ang tibok ng puso nya kapag nakikita nya 'to?

Napapikit sya sa naisip. Gusto nyang i-untog ang ulo para naman bumalik na sya sa dating sarili. Hindi yung ganitong parang tinatambol sa kaba na ewan ang puso nya. Bakit naman kasi sya pa ang piniling samahan ng Head Department nila eh. Kesyo, kilala na raw nya ang ibang mga empleyado rito. Ang nakakainis talaga pinadala pa sa kanya ang ilang mga designs at plano para dalhin mismo sa opisina ng pinaka-boss ng kompanya, para tingnan at ma-approve. Kahit kailan talaga ang tamad ng kanilang Head.

Naputol naman ang pagmamaktol nya nang magsalita ang lalaki.

"Are you really like that?" Tanong nito.

Hindi nya ito tiningnan. Ayaw nyang makita ang mga mata nito. Naguluhan naman sya tanong nito.

"Anong ibig mong sabihin?" Pabalik-tanong nya.

"You are silent, obedient, and well-behaved. But the truth is, you're hard-headed, stubborn, and an amazon-woman just like Desy."

Hindi sya makapaniwala sa sinabi nito. Hindi sya nakipagtalo dahil totoo naman, pero naiinis talaga sya sa lalaking 'to. Kaya imbis na mas magalit pa sya, ay mabigat nalang syang huminga.

"Wala kang pake." Tipid nyang sabi. Hindi pa rin sya lumingon dito.

Pero ramdam na nya ang matiim na tingin nito sa kanya, kahit nasa likuran lamang nya ito.

"Pwede kitang ireklamo sa boss mo. Bisita nyo 'ko dito. Pwede kong sabihin sa kaibigan ko na boss mo na tanggalin ka." Natigilan sya nang magsalita ito ng purong Tagalog.

Shit!

Bakit biglang nagwapuhan sya sa tinig nito? Lalo nung magsalita ito ng straight na Tagalog? Lihim syang napa-iling sa mga naiisip at nararamdaman nya.

Agad naman nyang napagtanto ang sinabi nito. Napalitan ulit ito ng inis. Hindi na nya kayang pigilan ang sariling lingunin ito.

"Binablack-mail mo ba 'ko?" Nakataas nyang kilay na sabi rito.

He just smirked. "I like teasing you."

"Gago."

Nag-iba naman ang mukha nito at naging seryoso.

"I'm just reminding you, woman. I can make it true. And I am a visitor to this company, and the owner of this company is a friend of mine, so it means that I am your boss too. I might fire you."

Napipi sya at natigilan sa kinatatayuan. Parang binuhusan sya ng isang drum ng yelo. 'Yan kagagahan nya. Nakalimutan na nyang bisita nga pala 'to. Yumukod sya ng konti saka humingi ng paumanhin dito.

"S-sorry, Sir."

Medyo napiyok pa sya nun. Agad naman syang humarap sa nakasarado pang labasan ng elevator. Nakakabigla naman kasi. Oo matapang sya, pero madali lang rin syang tumiklop. Lalo na ngayon, parang nasaktan sya sa uri ng pananalita nito. Bakit kasi ganito ang bibig nya. Naiinip na rin sya dahil ang tagal umakyat ng elevator papunta sa top floor kung saan andun ang opisina ng boss nila.

The Greek's Affection  ✔ COMPLETEDWhere stories live. Discover now