Affection 10

973 17 0
                                        


Warning: Slight Mature Content

Read Responsibly.

**********

Dahan-dahan nyang isinandal ang dalaga sa passenger seat ng kotse nya. Nakatulog ito habang buhat-buhat nya ito paalis sa lugar na 'yon. He was seeing her from afar. Pinahatid rin nya sa pinagkakatiwalaan nyang tauhan ang kasama nito pauwi sa tinutuluyan nila.

Hinawi nya ang nakaharang na buhok sa mukha ng dalaga gamit ang kamay nya. Tinitigan nya ito ng maayos. For him she was a truly beautiful woman. Her natural morena skin makes her more gorgeous. Pero unti-unting napalitan ng lungkot ang pagkamangha. Marahan nyang hinaplos ang magandang mukha nito.

"You're mean. You called me 'kite' but I'm not him."

As if, she will heard him. He heavily sighed. Inayos nya ang pagkakakabit ng seat-belt nito pero natigilan sya ng mapagtanto ang lapit nila. Napugto ang hininga nya nang mas makita ang kagandahan nito sa malapitan. Ayan na naman ang kakaibang pakiramdam.

Agad nyang winaksi sa utak nya ang bagay na 'yon. Akmang lalayo na sya at magmamananeho nang magmulat ang mga mata ni Reith at nagtama ang paningin nila. Nagtagal ng ilang segundo bago ito nagsalita, pero katulad ng kanina. Ang pangalang,

"kite? " ang sinabi nito at hindi ang kanya.

Agad syang lumayo at umayos ng upo sa driver's seat. "I'm Zary not Kite." Malamig nyang sambit.

Nakatingin lang sya rito ng deretso. Mukhang nahimasmasan naman ang babae sa sinabi, at mukhang natauhan rin ito. Napakurap-kurap na lang ito.

"N-nasaan ako?" Tanong nito.

"In my car." Tipid nyang sagot.

Nang malaman nito niyon ay agad itong nagmadaling bumaba ng kotse ngunit hindi rin nito nagawa dahil agad nyang ni-lock ang pinto ng kotse.

"You're not goin' anywhere."

Agad itong bumaling sa kanya. As usual naiinis na naman ito.

"Palabasin mo nga ako rito?" Inis nitong sambit.

"No."

"Ano ba! May kasama pa ako 'dun! Kailangan ko ng umuwi." Pagpupumilit nito at pilit binubuksan ang pinto.

"Pinahatid ko na sila." Napatigil ito sa ginagawa at kunot-noong nilingon sya.

"Ano?"

"Hindi ko na uulitin ang sinabi ko." Prenteng sabi nya.

Maya-Maya ay napasandal nalang ang dalaga sa kinauupuan nito. Hinihilot nito ang sentido. Walang pakundangang hinilot nya ang ulo nito na para bang natural na 'yon ang kailangan nyang gawin. Nagulat naman ito sa ginawa niya, pero hindi sya nagpatinag.

"H-hindi na kaila--"

"I insist." Hindi na tumanggi ang dalaga. Patuloy parin ito sa ginagawang paghilot ng sentido nito.

Who would that thought that the cold Servin Zary Monteverde has this sweet side?
Only Reith can awaken it.

REITH felt at eased, and relaxed. Unti -unting nawawala ang sakit ng ulo nya dahil sa ginagawang paghilot ng lalaki sa ulo nya. Ngayon rin nya nalaman na may ganito ring side ang binata. Bagaman medyo maayos ang pakiramdam nya ngunit mayroon paring epekto sa katawan nya ang alak.

"T-tama na. Maayos na ang pakiramdam ko." Aniya. Tumigil naman na ito. Gusto nyang sabihin ang salitang 'yon pero inuunahan siya ng kaba. Pero nakakahiya parin at isa pa, wala sya sa sitwasyon para mainis sya rito. "S-Salamat."

The Greek's Affection  ✔ COMPLETEDWhere stories live. Discover now