Affection 9

912 12 0
                                        

Mula sa kinatatayuan ni Zary ay malinaw na nakikita nya ang papasok na dalaga sa Elevator. Mukhang pabalik na ito sa kanilang Department. Napabuntong-hininga naman sya nang mapagtanto ang kanyang ginagawa.

"F*ck. Why am I hiding?"

Kumilos na sya at umalis mula sa isang sulok. Bakit pakiramdam nya nagi-guilty sya? Nung makalabas sya kanina sa Elevator ay agad syang pumunta sa CR. Kinailangan nyang pahupain ang namumuong sensasyon.

Nagpasya nalang syang pumunta sa opisina ng kaibigan nya na may-ari ng Caliver Construction Company, na si Ryu Levin Caliver.

"What's brought you here?" Unang sabi nito sa kanya nang makapasok na sya sa opisina nito.

Hanggang ngayon ay busy parin ito sa pag-aasikaso ng mga papeles. Umupo naman ito sa pang-isahang sofa malapit lamang sa lamesa nito.

"Nothing, seriously." Prenteng sambit nya.

Nilapag naman nito sa lamesa ang hawak na papeles saka napapantiskuhang tumingin sa kanya.

"Really, Monteverde? I don't know what's going on in your mind, but you? Coming here without reason is not you."

It was true. Alangan naman na sabihin nya ang totoong rason ng pagbisita nya rito.

"Just don't mind me. Why? Bawal ba akong pumunta rito?" Bumaling naman sya rito, naroon pa rin ang walang emosyon nitong mukha.

"Tss. I just surprised you, dude. Bumibisita ka lang naman kapag may ipapagawa ka, lalo na kapag ang pinag-uusapan ay ang stepmother mo. Si Luke lang naman palagi mong binibisita." Napabuntong-hininga nalang sya sa pinagsasabi nito. Totoo naman kasi.

"Are you a pussy? Para kang babae kung magtampo."

"Hey! F*ck you! What I said is true." Angal nito sa sinabi nya. Ginantihan naman nya ito gamit ng kanyang gitnang daliri. Ryu tsked. Napailing nalang ito.

"ALRIGHT, let's dance! Whoo!" Masayang sigaw ni Yessa habang umiinom ito ng beer.

Maingay, madilim at nagbibigay lamang ng liwanag sa lugar na 'yon ay ang mga disco lights. Of course, the place they've been is L&G's club.

Napahilot nalang sa kanyang sentido si Reith sa isang sulok at naupo lang. The promise she made was taken away. Pangakong hindi na sya babalik dito, pero taliwas ito sa inaasahan nya.

Kakauwi lamang nila ng mga oras na 'yon sa kanilang inuupahang apartment. Pagod sya at gusto na nyang magpahinga. Samantala, agad namang pumunta sa kani-kanilang kwarto ang dalawa na pawang nagmamadali. Alas nueve na ng gabi.

Padaskong umupo sya sa kanilang sofa, at agad na sumandal. Ni hindi na nya alintana na hindi pa sya nakakapagpalit ng damit at nakasuot pa rin sya ng kanilang uniform. Bahagya nyang ipinikit ang kanyang mga mata at akmang i-idlip sandali upang maibsan ang kanyang pagod.

Subalit hindi na nya naipagpatuloy 'yon dahil agad nyang narinig ang pagmamadaling pagbaba ng dalawa ng hagdan mula sa kwarto ng mga ito saka sya agad na dinaluhan. Hindi sya kaagad na nakaangal nang bigla syang hilahin at pinaupo ng matuwid. Nagpalit-palit sya ng tingin sa dalawa dahil sa ginagawa sa kanya. Makulit at pursigido ang mga ito.

Mine-make-upan kasi sya at binibihisan ng dress. Hindi sya nakakapumiglas dahil katulad nya malakas rin ito.

Hanggang sa matapos na sila. Hindi nya kasi maipaliwanag ang nararamdaman sa mga oras na 'yon. Hindi pa rin mawala-wala ang kanilang malaking ngiti at pagkamangha. Naiinis, nahihiya, at naiilang sya na hindi maintindihan.

Bagaman namangha sya sa kanyang sarili habang nakaharap sa salamin, hindi parin maiaalis na tutol syang pumunta sa lugar na 'yon na ngayon rin nya napagtanto.

Agad syang inakbayan ni Yessa. Masama nya itong tiningnan. Pero parang bale-wala lang ito dito. May tama na kasi ito kaya, kaya nyang balewalain ang masamang tingin nya. Tumawa nalang ito ng makita ang nakabusangot nyang mukha.

"Hihihi. Ano ka ba Reith. Easy. Ang saya kaya!" Napaface-palm nalang sya.

"Lasing ka na, umuwi na tayo. Alas dose na. May trabaho pa tayo bukas." Pagpupumilit nya. Sinimulan nya pang alalayan ito, pero ayaw talaga nitong magpa-awat.

Napatingin naman sya sa isa pa nyang kasama. Napapikit sya ng mariin ng makita itong sumasayaw kasama ang isang lalaki. Mukhang mas lasing ito kesa kay Yessa dahil iba na ang ritmo ng pagsasayaw at paglilingkisan ng mga ito.

Masyadong makamundo.

Kaya't hindi sya nakapag-pigil agad nyang dinaluhan ang kasama. Iniwan nya muna saglit si Yessa na nakasubsob na sa lamesa dahil sa kalasingan saka pinuntahan ang isa sa di kalayuan. Bahala nang magalit ito at magmaktol, pero hinila nya ito mula sa sinasayawan nila at walang salitang inalalayan nya papunta sa table nila.

Padaskol na umupo sya katabi nila. Pagod ang katawan at isip nya. Bakit ba kasi bigla-bigla nalang itong pumunta ng club at isinama pa sya. Pero kung hindi naman kasama, walang aalalay sa kanila katulad nalang ngayon.

"Lintik talaga." Napamura nalang sya sa inis.

Hindi lang sa sitwasyon nila ngayon kundi sa damit na suot nya. Hindi naman masyadong liberated ang damit na 'yon, pero hindi pa rin sya sanay. The dress she was wearing was a red-laced backless dress above the knee. Sa tantsa nya nasa gitna ito ng disente at liberated na damit. Kakaiba kasi ang disenyo nito.

Napabaling sya kay Yessa na may sinasabi, pero hindi nya maintindihan dahil sa tama nito.

"Tsk, Yessa." Tinapik-tapik nya ang balikat nito. "Yessa, kailangan na nating umuwi."

Ngumi-ngiti lamang ito kahit nakapikit.

"Umuwi na tayo.. lasing ka na."

"Hindi akhoo-lashing..."

Mahaba ang paghinga nito.

"Please." Nakiusap na sya. Minsan lang sya maki-usap. Ang pagmamakaawa nya ay kung wala na talaga syang magagawa.

Napatigil naman ito at bahagyang minulat ang mga mata. Tinitigan lamang sya nito.

"Okay." Napakurap-kurap sya rito. Tama ba ang narinig nya? "Okay! Uuwi na---taaayooo..."

Kapagkuwan ay maayos itong umupo, pero papikit-pikit pa rin itong humarap sa kanya.

"Inumin mo muna 'to." Napatingin sya sa hawak nito. Napalunok nalang sya sa dalawang shot ng pinaghalong Tequila at whiskey. Hindi sya sanay uminom at kahit beer pa 'yon, hindi pa rin nya kayang ubusin 'yon.

Nagpabalik-balik ang kanyang tingin rito at sa hawak nito. Iinumin nya kaya? Tsk. Bwisit talaga.
Kapag hindi nya ininom hindi ito papayag umuwi. Pero kapag ininom nya---lihim nalang syang napamura saka kinuha at diretsong ininom ang hawak nitong dalawang shot ng alak.

Ramdam nya ang init, pait, at hapdi sa lalamunan nya. Pumalakpak naman ito dahil sa ginawa nya saka ito na ang nag-ayang umuwi. Sa sobra ring kalasingan ni Nikaila ay nakaidlip na ito.

Dahan-dahan syang tumayo at aakmang aalalayan ang dalawa para maka-uwi na sila, pero agad nanghina ang tuhod nya. Hinihintay nyang maramdaman na bumagsak sya sa matigas na semento ngunit dalawang matitipunong braso ang agad sumaklolo sa kanya. Mas ramdam na nya ang pagkahilo na para bang iniikot ang kanyang utak.

Hindi nya gustong mawalan sya ng malay dahil naroon pa ang dalawang kasama nya, ngunit hindi sya pinagbigyan ng epekto ng alak. Pero bago sya mawalan ng malay naramdaman nyang buhat-buhat sya ng lalaking kilala nya na may kulay luntiang mga mata.

"Kite."

The Greek's Affection  ✔ COMPLETEDWhere stories live. Discover now