Affection 5

1.1K 23 0
                                        


"Hey, may problema ba?" tanong ni Desy na halata sa mukha nito ang pag-aalala.

Magkatabi lamang silang nakaupo sa gilid nang kama. Reith shook her head, para hindi na mag-alala ang kaibigan sa kanya. Hindi niya maalis sa utak niya ang kanina. Sa dami pa ng tao ang pwede niyang makita ay iyon pang lalaki na 'yon.

Sa ngayon ay nasa kwarto sila nang mag-asawang Monteverde. Reith says that the couple found happiness and love in each other. Halata rin naman na maligaya ang pagsasama nang mga ito, nakikita naman niya iyon sa gara at grande nang mansyon nito.

"May dapat kang sabihin sa 'kin." Desy looked at her with tease. "Hindi mo sinabi sa 'kin na nagkakilala kayo ng cousin-in-law ko."

Reith wryly smiled. Wala talaga siyang maitatago sa kaibigan niya.

"Cousin-in-law mo pala 'yun?" she scoffed. "Aksidente lang na nagkakilala kami. Tsaka bad trip yung unang kita namin."

Reminding her of what happened that night, it was boiling her blood in irritation. She let out a heavy sigh. Gusto na niyang umuwi, pero nakakahiya pa rin kay Desy.

"Well, knowing Zary, alam ko naman na mangyayari yung ganun. Pero, paano at saan kayo nagkita?" ngiting-ngiti na tanong ni Desy. "You know, baka matulungan kitang medyo iwasan sya. Knowing you, ayaw mo ng naha-hastle."

Reith ridiculously looked at Desy; this friend of hers had its teasing smirked. Kukulitin siya nito nang kukulitin until the story finally came out of her mouth, and that's what Reith wants to avoid. But, as usual, katulad pa rin ng dati. Walang makakatakas na chismis dito.

*********

The smile on Desy's lips couldn't be erased while Reith was sulking and creasing her eyebrows. Pabalik na sila sa mga nagkukumpulang mga bisita sa labas. Reith didn't want to go back, but her dear friend says that it's rude to not entertain the guests, so she doesn't have any choice but to go with Desy.

"Akala ko hindi na kayo babalik. Bakit ang tagal nyo?"

Bungad na tanong ng lalaking medyo singkit at may kaputian sa kanila nang makabalik muli sila sa table kung saan naroon ang limang lalaki. Naalala niyang Xel ang pangalan nito.

"Sorry. Nagkwentuhan pa kasi kami eh," si Desy na ang sumagot. "We were both busy, kaya ngayon lang ulit kami nagkaroon nang bonding."

Napatango na lang siya.

Then a man named Oliver looked at her. "Well, I was just surprised. I never knew that I could see this gorgeous woman in front of us."

Tipid naman siyang ngumiti. "Hindi ko alam na magaling kang mambola." Reith gave a straight gaze to Oliver, who's now stunned at her. "Sorry, hindi gagana sa'kin 'yan."

"Oooohhhhh," the latter said in unison.

Natatawa namang inasar ng nangangalang Will si Oliver. "That's burned."

"Kamusta ang pagkalalaki na'tin? Still attached?" natatawang ginatungan naman nang pag-aasar ni Luke.

Natigil lamang ang pag-aasaran nang magkomento si Zary.

"Such a brat."

May distansya ito sa kanila. Nakatuon ang tingin nito sa kawalan, habang hawak ang baso at sumisimsim nang alak.

Reith immediately arched her eyebrows. Pigil lang niya ang sarili na singhalan ito. Mukhang naramdaman naman nang ibang tao sa table ang tensyon, kaya't tumikhim naman ang mga ito at nagsimula na lang na magkwento.

The party is still continuing. Lasing naman ang ibang kalalakihan at medyo may tama na rin siya at si Desy. Nasapo na lang niya ang ulo nang magsimulang maramdaman niya ang pagkahilo.

The Greek's Affection  ✔ COMPLETEDWhere stories live. Discover now