Affection 34

230 6 0
                                    

Warning: Slight 🔞

Read Responsibly

*****

"SAAN BA TAYO PUPUNTA?" hindi niya alam kung pang-ilan na niyang tanong na iyon.

Nagmamaneho si Zary habang siya ay inip na inip na kung saan nga ba ang lugar na magbabakasyon sila. Nakita niya rin kanina ang mga 'gamit' na sinasabi nito. Nakaluggage na iyon nang makita niya sa tabi ng closet ng kwarto ni Zary.

Magaling pumili ang loko, lahat ng underwear na naroon ay size nga niya. Mabuti rin ay may pinili itong mga damit na magiging komportable siya.

"You will see later..." Nangingiting sabi lang nito.

"Kanina pa 'yang you will see na 'yan." She just leaned against the car window while seeing the view outside.

Eksaktong alas-siyete nang umaga sila nagising. Pakiramdam niya ay sobra siyang napagod dahil nga sa nangyaring sandali sa kanila ni Zary. Nakadamit rin siya na t-shirt na malaki sa kanya at hindi rin nanlalagkit.

Lihim naman na pinamulahan siya nang mukha nang maalala kung paano siya nito pagurin.

Kahit ilang beses na nangyari ang ganun sa pagitan nila ay mukhang hindi pa siya masasanay.

Minutes passed, the car stopped, but her brows furrowed as she saw what's infront of them.

It was Zary's company.

Pareho silang lumabas ni Zary ng sasakyan at agad namang inasikaso ng binata ang mga maleta nila sa compartment at inilabas.

"Bakit tayo nandito?" Ngumiti lamang ito saka ito na rin ang nagdala nang dalawang maleta na dadalhin nila at naglakad papasok sa loob ng gusali. Napasunod naman siya dito. "Zary! Sandali!"

Pagkapasok nila ay sumalubong ang lalaking receptionist at sumunod sa kanila.

"Is everything ready?" Tanong ni Zary rito.

Maagap naman na tumango ang lalaki. "Yes, sir."

Naguguluhan naman siya nang wala siyang makitang empleyado sa kompanya ni Zary gayung dapat ay naroon.

May sinasabi si Zary sa lalaking receptionist na hindi naman niya masyadong naririnig dahil pabulong lang. Panay tango naman ang kausap nito.

Kumanan naman sila at marami pang pasikot-sikot ang dinaanan nila bago sila makalabas ng gusali. Ang kaibahan nga lang ay may malawak na airfield iyon.

Nasa gawing gitna naman ang isang eroplano at may dalawang lalaki ring nakatayo sa ibaba nang paaakyatan nang eroplano.

"Zary?" He turned to her. "Bakit may eroplano?" She asked curiously.

He held her hand as the male receptionist walked towards the airplane with their luggage.

"We will have a vacation out of the country." He paused, "in my home country---Greece."

Reith's eyes widen, "sa Greece?!" Bulalas niya.

Zary just chuckled as he walked together with her.

"Wala akong passport, hindi ko dala!" Natatarantang sabi niya rito na ikanatawa naman ng binata. "Zary!"

"This is my private airplane, you don't have to worry..."

Her mouth hang open as she around her gaze to the place.

Nang makalapit na silang pareho sa eroplano ay saka palang niya nakilala ang dalawang lalaki.

It was her Boss---Ryu and Luke.

"Well, sana all nalang 'di ba?" Wika ni Luke na may halong pagkabitter. "Don't worry, the lavatory is wide. It is soundproof. You don't have to retain the noises, you know what I mean..."

The Greek's Affection  ✔ COMPLETEDWhere stories live. Discover now