Affection 4

1.1K 18 0
                                    

GABI na silang nakauwi sa apartment. Samantala, nag-aayos ng sarili si Reith. She's dressed in a black fitted dress with lace detailing. Kita naman ang likod nito at nakasuot rin ito ng highleed na sapatos.

"Babaeng-babae tayo ah? May date ka?" Asar naman ni Yessa sa kanya.

Napairap nalang sya rito.

"Gaga, Kay Desy 'to galing. Ininvite ako sa birthday party nya eh. Hindi pwedeng humindi ako, mapilit eh," sabi nya rito habang kinu-curl ang buhok.

"Amina nga, baka ma-late ka." Kinuha nito sa kanya ang curler, saka ito na ang nagpatuloy. "In fairness, bagay sa'yo mag-ayos. Eh, bakit nung nasa club tayo daig mo pa lalaki manamit. Duh! Sinasayang mo yung ganda mo."

"Sinamahan ko lang kayo. Hindi ko binabalandra katawan ko no. Saka, maraming manyakis 'dun. Natandaan mo nu'ng nagkagulo?" Napatingin naman si Yessa sa kanya sa salamin.

"Oo na po." Napabuntong-hininga naman ito. "You know, maganda ka naman eh."

Napataas naman ng kilay ang dalaga. "Tapos?"

"Naisip ko lang... sa ganda mong 'yan, lagi kang nagsusuot ng panlalaki." Napasinghap naman ito sa naisip, "Omg, baka may mental disorder ka ha? Hindi ba may tawag dun? Bipolar ba yun?"

"Tss, sira!"

"Oh, ayan na! Wala ng tatalo sa beauty mo." Sambit nito ng matapos na nitong kulutin ang buhok nya.

Tiningnan nya ang oras sa relo saka nagmadaling tumayo.

"Ge, aalis na 'ko i-lock mo yung pinto ha?" Bilin nya habang inaayos ang damit nya.

"Opo, ingat sila sayo." Biro nito.

Tumungo nalang sya dahil malelate na sya sa pupuntahan. Matapos ay lumabas na sya ng kanilang apartment, saka nilock naman nito ni Yessa. May spare key naman sya, kaya hindi na problema ang pag-uwi.

--------

The party had already begun. As usual, maraming bisita ang dumating. It was Deserrei Vejas-Monteverde or Desy's Party. Bagama't maagang nag-asawa ito ay swerte naman. Naglakad naman ito sa kumpol ng maraming bisita, ito rin ang cousin-in-law ni Zary. He was dragged into this party by his cousin. Wala naman syang pakialam pero bilang respeto na rin napilitan syang umattend ng naturang party.

"Hey, how are you?" anito nang makalapit ang asawa ng pinsan sa kinaroroonan niya. Bumeso naman ito sa kanya. "Buti nakapunta ka?"

"Your husband's fault." Sagot niya. Kapagkuwan ay uminom naman siya ng isang baso ng red wine na hawak niya. "Well, happy birthday..."

"Thank you, Zary..."

Napatingin naman sya sa isang buffet table. Naroon naman ang mga kasama niya.

"I guess those five are already having fun." Napangiti naman ang dalaga nang makita nyang punong-puno ng pagkain ang kani-kanilang mga plato.

"Tsk! Those f*cking idiots!" bulong niya.

Nakita pa niyang pasimpleng umaakbay ang mga ito sa mga babaeng naroon. Napailing na lamang siya. Natawa naman ulit ito sa sinabi niya. Nang may maalala ito.

"Oh! Muntik ko nang makalimutan." Napatingin naman siya rito.

"I had a friend when I was in college. I invited her."

"Her? Not he?" Tanong niya.

Umiling naman ito. "It's She. Baka magselos ang pinsan mo. And don't worry, ipapakilala ko sya sa inyo. She's a good friend, though medyo pranka lang sya, and she's different—you'll like her."

The Greek's Affection  ✔ COMPLETEDWhere stories live. Discover now