Affection 12

1K 20 0
                                    

Ilang segundong katahimikan. Naguluhan naman sya sa sinabi nito.

"Deal? Anong ibig mong sabihin?" Tanong nya.

Hindi muna ito nagsalita saglit, kapagkuwan ay uminom muna ito ng inorder nitong black-American coffee.

"I can find him." Mataman pa rin sya nitong tiningnan. "The man named, Kite?"

"P-paano mo--"

"You called me by his name---last night." Natigilan naman sya.

Shit! I forgot. Isip nya.

Alangan namang isipin pa nya ang mga nangyari. Baka mas lalong wala na syang mukhang maihaharap. Hindi naman pwedeng malaman ng mga kasama nya na nagpakamarupok sya nung gabing 'yon at hindi man nya sabihin o itanggi, alam nya sa sarili nya na nadarang sya at.... hindi nya kayang sabihin ang salitang 'yon.

"At bakit? Anong dahilan?" Nakataas-kilay nyang sabi dito. May kutob syang hindi maganda.

"Disguise yourself as my girlfriend for the meantime."

Huh?

Mapakla syang natawa sa sinabi nito. Napailing nalang sya.

"Nahihibang ka na ba? O sadyang may sayad ka na sa utak?" Sambit nya. Alam nyang medyo marahas ang sinabi nya. Sino ba namang matinong tao ang magsasabi ng ganun? Ang binata lang.

"Do I look like I'm kidding?" Sabi nito na tinuro ang sarili.

Yeah. He's serious. Then why? Ano bang kagaguhan 'to?

"Ayaw mong makita ang 'Kite' na 'yon? You always say his name whenever you see me, and I'm wounded." Plain lang nitong sabi.

Natawa sya ng pagak. Bumaling sya rito at tinitigan nya ito ng deretso.

"It's none of your business." Seryosong sambit nya. Pero may bahagi sa loob nya na gustong makita 'sya'. "Alam mo kung itong kabaliwan lang ang dahilan kaya mo 'ko pinapunta dito. Perdon No necesito un trato contigo." (Sorry. Hindi ko kailangan ng pesteng deal mo.)

Pagkasabi nya 'nun ay tumayo sya mula sa kinauupuan. Kita naman sa mukha nito ang gulat sa sinabi nya at ang pagsasalita nya ng ibang lenggwahe.

Kapagkuwan ay naglakad sya at walang lingon na lumabas ng cafe.

******

SHE was working her designs and plans. Nag-overtime sya para matapos na ang mga trabaho nya at para makapagpahinga na rin sya ng maayos sa susunod na araw. Reith was the only one left in their office. Pinauna naman nya ang kasama nya sa apartment. Nagpumilit pa nga ang mga ito na hintayin sya pero sinabi nalang nyang umuwi na lamang ang mga ito.

Nagpainat-inat sya dahil kanina pa rin sya nakaupo. Patuloy pa rin syang sa pagtitipa. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin sya. Sinave nya ang mga ginawa nya saka pinatay ang computer. 

Napatingin sya sa labas ng bintana.

"Tsk! Umulan pa." Mabigat syang huminga. Wala pa naman syang payong na dala. Napatingin naman sya sa orasan na nakasabit sa dingding. Mag-aalas dose na pala.

Agad syang tumayo at kinuha ang bag saka nilock ang opisina. Pagkababa nya ay nadaanan pa nya ang iilang empleyadong nag-overtime rin mula sa mga opisina ng mga ito. Patuloy lamang syang naglakad at nang makalabas na sya ng lobby ay sumaludo sya sa nagbabantay na security guard.

"Oh? Hinating-gabi tayo ah?" Sabi ng gwardya at sumaludo sa kanya.

"Tinapos ko lang trabaho ko, kuya." Aniya.

"Naku! Umuulan pa naman ngayon. Wala bang susundo sa'yo?" Tanong nito. Napangiti na lamang sya sa concern nito. Para kasi na nyang Tatay ito.

"Ayos lang, kuya. Ulan lang naman 'yan." Tugon nya. Malakas pa rin ang ulan nung mga oras na 'yon.

The Greek's Affection  ✔ COMPLETEDWhere stories live. Discover now