Warning: Slight Mature Content
Read at your own risks!
THE RAIN poured on them unexpectedly when both of them decided to go home. Lakad-takbo ang ginawa nila para makapasok sa sasakyan at daliang inilagay ang mga ginamit sa picnic kanina lang sa backseat bago punasan ang kani-kanilang sarili. Good thing that Zary ready a dry towel so that they can used it to dry themselves.
Kapwa sila natawa sa nangyari at ngayon ay gabi na at wala ni anumang bituin o liwanag ng buwan ang makikita sa makukulimlim na ulap dulot ng ulan.
"What a great timing, really..." Sarcastikong sabi ni Zary habang pinapatuyo nito ang buhok.
Hindi pa rin sila nakakaalis sa naturang Casa dahil naabutan sila nang ulan.
"Hayaan mo na, atleast nag-enjoy..."Ani ni Reith na sinusubukang patuyuin ang suot na uniform na pangtrabaho.
Nakita naman ni Zary na medyo nanginginig siya kaya hininaan nito ang aircon ng sasakyan.
"You okay? Feeling cold?" Nag-aalalang tanong ni Zary.
Ngumiwi naman si Reith,"Medyo..."
Saka kinuha niya ang kumot na ginamit sa backseat at ipinulupot sa kanyang sarili. Nabawasan rin naman ang nararamdamang lamig mula sa pagpapahina ni Zary nang aircon pero sadyang malamig talaga.
Hanggang sa hindi na niya napigilang bumahing. Siguradong magkakasakit siya.
Nakita naman iyon ni Zary, and he's worried that she'll be sick. Buntong-hininga nitong hinubad ang polo na suot, hanggang sa lumitaw ang matipuno nitong katawan.
Reith immediately averted her gaze and look outside, when she saw how ripped his body, especially on the abdomen and lower part.
"A-Ano ba'ng ginagawa mo?" She asked, still looking outside and started stammering.
"Take off your clothes, I'll give you a body heat." plain lang nitong sabi. "Come on, baka magkasakit ka..."
Hindi pa rin siya lumilingon rito at mas niyakap na lang ang sarili mula sa kumot. "Hindi na, kaya ko naman ang lamig..." Pagtanggi niya.
Narinig niya naman ang mahinang pagtawa nito, "You'll undress yourself or I'll undress you? Choose." May magpaglarong pagbabanta nitong sabi.
Mas napakapit siya sa kumot at mariin na ipinikit ang sariling mata.
"Oo na, tatanggalin na!" nakangiwing sabi niya habang unti-unting tinatanggal ang pagkakabutones nang itim na coat at uniform niya. Lumingon siya kay Zary saglit at nagsabi, "Tumingin ka nga sa labas!"
Naaninag pa niya itong nagpipigil ng tawa at napailing bago tumingin sa labas ng sasakyan. Umirap na lang siya at ipinagpatuloy ang ginagawa. Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na niyang tanggalin ang uniform, tanging bra lamang ang natira sa pang-itaas na bahagi, at nakasuot pa rin naman siya nang skirt dahil hindi rin naman iyon nabasa ng ulan.
Kaagad niyang ipinulupot ang sarili sa kumot. "Tapos na."
Pagkasabi niya nun ay lumingon ito sa kanya. Nakita niya kung paano mag-alon ang bukol sa lalamunan nito at ang pasadang tingin nito sa kanya. Kinunotan niya ito ng noo. Kapagkuwan ay namalayan na niyang nasa bisig na siya nito dahil kaagad siya nitong hinila palapit para yakapin siya nito.
Reith intently pursed her lips when she felt his hands on her skin even with a piece of cloth. The cold she's feeling decreased, probably from the heat of Zary's body. Sa kabila ng pagwawala ng puso niya dahil sa yakap nito ay naramdaman niya kung gaano siya nito alagaan. In this man's arms, she feel warm and safe.
YOU ARE READING
The Greek's Affection ✔ COMPLETED
RomanceServin Zary Monteverde is a Greek bachelor. He wanted to avenge his mother. Mangyayari lang 'yon kapag napatunayan nyang masama ang pangalawang asawa ng kanyang ama. But during his plan, he met Reith. A brave-promdi girl who capture his heart. He kn...
