Isang linggo na rin ang lumipas matapos ang family dinner na 'yon. At matapos rin 'yon ay hindi rin nagparamdam si Zary.
Reith let out an exasperate sigh. Ano yun? Matapos nya akong pagpanggapin sa harap ng mga magulang nya at sa babaeng 'yun? Iiwanan ako sa ere?
Reith obviously pissed.
"Reithy! 'Wag mo namang murderin yung pagkain!"
Natigilan naman si Reith sa sigaw ni Desy. Napabuga nalang ang dalaga ng mahabang hininga. Nakalimutan nyang nandito pala sya sa bahay nina Desy at nakikikain pa.
Yung dalawa nya namang kasama, may lakad naman. Bakit ba laging may lakad yung dalawa? Lagi nalang syang naiiwang mag-isa sa apartment. Mabuti nalang ay tinawagan sya ni Desy kanina, sakto namang weekend ngayon kaya pumayag na si Reith.
"Sorry.. " nakangiwi nyang sabi. Masarap naman yung pagkain kaso wala syang gana. She's trying to calm herself.
"Beastmode ka ba?" Tanong ni Desy. Reith tsked.
"Wala. Nabibwisit lang." Saad nya, sabay subo ng kanin.
"Kanino? Kay Zary?" Anito. Napairap naman sya saka nya tinusok ng tinidor na hawak nya ang hotdog sabay kain.
"Sabihan mo nga 'yung cousin in law mo, dapat magsabi sya kung tapos na yung serbisyo ko." Inis na sabi ni Reith habang ngumunguya.
"Labas na ako dyan sa mga kalokohan nyong dalawa, no? Alam mong hindi pa ako nakakamove-on sa sinabi mo kanina." Oo. Alam na ni Desy.
Nakita nya kasi sila ni Zary na inihahatid sya pauwi. At sinabi rin pala ng Step-mother ng binata tungkol sa pagiging 'boyfriend, girlfriend' nila.
Kaya, no choice. Sinabi nalang ni Reith sa kaibigan ang lahat.
Except for those "intimate' happened to both of them.
Grabeng kahihiyan 'yon malamang.
"May tanong ako." Napatingin naman si Reith sa kay Desy.
"Ano?" Sabi nya habang kumakain ng adobong manok. Wala rin kasi dito ang asawa nito. May pinuntahang meeting.
"Nag-sex na ba kayo ni Zary?"
Agad naman syang nabulunan sa tanong nito. U-ubo-ubo pa syang uminom ng tubig at di makapaniwalang bumaling sa kaharap.
"Ano bang klasing tanong 'yan? Nasa harapan pa tayo ng pagkain, oh?" Ngumiwi lang sya. Sumandal at nagcross-arms naman itong tiningnan sya.
"Tss, O.A. ha? Eh, yun nga nag-jugjugan na ba kayo?" Napabuga naman sya ng marahas. Kahit kailan talaga grabe pa rin ang bluntness nito.
"Malamang hindi. And never!" Napaiwas naman sya ng tingin. But he already touched and tasted you. Very clever, Reith. Tss.
"Hmp! Pero ki-niss ka na nya?" Nakataas-kilay nitong tanong. Naghihintay talaga ito ng sagot nya. "Aminin. Ako, tatlong araw pa lang hinalikan na ako ng asawa ko." Pagmamalaki pa nito.
Reith asked herself. Why do I have this friend anyway?
Speaking of kiss..
Her cheeks flushed in red. She felt awkward. Sino nga ba ang hindi? Besides, it's not only the kiss she embarrassed off. Reith knew that she and Zary made an 'intimate' scene more than that kiss.
Napalabi naman sya Sasabihin ba nya? Kagat -labi naman syang tumango.
Sandali itong kumurap at ngumisi sa'kin sabay hampas ng kamay nito sa lamesa na ikinataka nya. Parang itong nangingisay sa kilig.
YOU ARE READING
The Greek's Affection ✔ COMPLETED
RomanceServin Zary Monteverde is a Greek bachelor. He wanted to avenge his mother. Mangyayari lang 'yon kapag napatunayan nyang masama ang pangalawang asawa ng kanyang ama. But during his plan, he met Reith. A brave-promdi girl who capture his heart. He kn...
