#3

2.6K 51 7
                                    


#3

Sikat ng araw ang siyang nagpagising sa akin ng umagang iyon. Napatingin ako sa tabi ko at rumehistro sa isipan ko si Abi na bigla nalang ding nawala. Napabuntong hininga nalang ako pagkatayo ko. Umupo muna ako ng saglit sa kama habang, sunod-sunod ang mga buntong hiningang inilabas ko ng minutong iyon. Saka nag-isip kung ano nga ba ang dapat gawin sa araw na ito? Sinabi ko kay Abi na uuwi na ako pagkagising ko ng umaga pero mamaya pa kasing alas otso ng gabi ang check-out namin dito sa condo. Kaya inayos ko na iyong higaan at kaagad na akong dumiretso sa banyo. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na rin ako at nagpalit ng damit.

Binati ako ng tenant na kasabay kong pumasok sa elevator.

"Hi, good morning po!" bati niya sa akin. Napatingin ako sa paligid, kasi baka nag-aasume lang ako na ako iyong binabati niya pero wala naman kaming kasabay sa loob ng elevator tapos nakatitig parin siya sa akin.

"A-ako?"

"I guess so," sagot niya, sabay ngiti.

"Uhm, good morning din," tugon ko sa kaniya.

"Ikaw ba iyong nakacheck-in sa unit 205?" tanong niya sa akin. 205 ang unit ng room namin, so I guess ako nga iyon.

"Yes, why?" pagtataka ko.

"Kapatid ka ba no'ng babae?" bakit ba ang dami niyang tanong sa akin?

"H-hindi, wait lang miss. B-bakit ba ang dami mong tanong?" medyo naiirita na ako sa mga tanong niya sa akin.

"Wala!" biglang bumukas iyong pintuan ng elevator at nakarating na pala kami sa ground floor. Sinundan ko siya, para kasing ang dami niyang alam sa amin na hindi ko maintindihan. Nahabol ko naman siya at sinabi kong "wait lang, miss!" tapos hinawakan ko siya braso, tapos humarap siya sa akin. Tinignan niya ako ng masama, mula mukha hanggang sa kamay ko na nakakapit sa braso niya. Ang awkward lang ng pakiramdam kaya bigla ko siyang binitawan.

"S-sorry," kaagad kong nasabi.

Huminga siya ng malalim at saka sinabing, "Pauline!" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"W-what?" pagtataka ko ng minutong iyon.

"I'm Pauline, and you are?" nakatapat na sa harapan ko iyong kanang kamay niya na tila para bang sinasabi niya na makipagkamay ako sa kaniya. Since hindi naman ako bastos na lalaki, kinuha ko ito't nakipagkamay rin at ipinakilala ko ang sarili ko.

"Gino. Gino Hernandez." Pagpapakilala ko.

"Oh, Gino. Sorry, kung medyo personal iyong mga questions ko kanina. Nacurious lang kasi talaga ako." Sabi niya sa akin.

"Curious saan?" tanong ko naman sa kaniya. Tapos bigla siyang umiwas ng tingin.

"Uhm, actually pupunta kasi ako ngayon sa market para mamili, gusto mong sumama?" bigla niya akong niyaya na sumama sa kaniya. Normal ba ngayon iyon sa babae na magyaya sa isang lalaki na hindi pa niya lubusang kilala?

"I know what you're thinking. And I know na hindi ka masamang tao. And, base sa suot mo mukhang wala ka pang itinerary ngayong araw na ito, so sumama ka nalang sa akin!" grabe! Gano'n lang iyon? Dahil lang sa suot ko, nabasa na kaagad niya na wala akong ganap sa araw na ito? At paano niya nalaman na mabait ako? Kakaiba talaga ang babaeng ito.

"You're right! Wala akong ganap sa araw na ito. And since you insist, how can I resist," sagot ko.

"Ang cute mo!" sabay irap pa niya ng minutong iyon. Cute? Para sa isang 28years old na lalaki? Hindi bagay!

"Well, thanks. Ikaw rin, ang cute mo." Tugon ko sa kaniya.

"Weleng enemen," tila para bang kinikilig na sagot niya.

"Chika lang! So, gora na?" gora na? sabay kunot ng noo ko. It means, hindi ko alam iyong sinasabi niya.

"Tara na!" sabay hila pa niya sa kamay ko't bigla nalang siyang nagpara ng tricycle at kinaladkad ako sa loob.

...

Sa loob ng wet market ay bumili siya ng baboy. Dalawang kilo ang binili niya. Tapos, sa dry market naman ay bumili siya ng mga sari-saring gulay. Bumili rin siya ng iilang mga condiments at bumili siya ng ube-ice cream. Tapos iyong iba ay pinabuhat niya sa akin. Bumili rin siya ng French fries at chocolates. Ano ba talaga ang gagawin ng babaeng ito?

After few hours ay nakabalik na kami sa condo niya. Do'n lang pala siya sa katabing unit namin naka-check-in.

"Ang ganda ng unit mo ah?" sabi ko habang nakatingin sa loob ng unit niya.

"A-ah, hindi ito sa akin. Sa dating asawa ko ito, you know conjugal property! Kung anong mayro'n sa kaniya, akin rin." So, may asawa na siya.

"Don't tell me, iniisip mo na dalaga pa ako no?" she's trying to tease me. Pero, hindi ko pinahalata. Nag-iinit iyong pisngi ko sa tuwing nakatitig siya sa akin. Ang awkward lang kasi. Parang dalawa lang kaming nasa loob ng unit niya. Tapos ang dami-rami pa niyang biniling rekados kanina.

"Ang dami mong binili, may mga bisita ka bang darating?" tanong ko sa kaniya.

"Nope!" mabilis na sagot niya.

"I-ikaw lang ang uubos ng mga ito?" tanong ko saka siya umiling sabay duro sa akin.

"H-huh?"

"Nandiyan ka naman hindi ba?" muling kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"W-what do you mean..." okay, gets ko na! Kaming dalawa lang talaga ang uubos ng mga binili niya? Kasama iyong ice-cream na ube flavor. Iyong French fries at chocolates?

"Miss,"

"It's Pauline. And please, I know na ang awkward nito para sa iyo, and also may asawa ka na rin, but what's wrong with it? We're just hanging out?" casual na sabi niya sa akin.

"The problem is, I'm committed and I love my wife." Sagot ko sa kaniya.

"Does she love you?" bigla akong napahinto ng minutong iyon.

"W-what do you mean by that?" tanong ko.

"I'm sorry," bigla siyang tumalikod at nagpaka-busy.

"Pauline, what do you mean na mahal ba ako ng asawa ko!" napagtaasan ko na siya ng boses at ramdam ko ang takot sa buong katawan niya ng minutong nagtaas ako ng boses. Napatalon siya ng bahagya at nagulat.

"Dahil nakita ko siya na may ibang lalaking dinala sa loob ng unit niyo, three days ago!" nanginginig na sagot niya.

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon