#17

1.4K 36 8
                                    


#17

Magmula ng bata pa ako ay palagi nalang akong hindi pinipili. Palagi nalang akong pangalawa. Palagi nalang akong nagpag-iiwanan. Sa pamilya namin, mas pinili ng mga magulang ko na iwan ako sa Lola ko, dahil hindi na raw nila kaya pang buhayin ako ng mga panahon na iyon. Mas pinili niyang alagaan iyong Kuya ko kaysa sa akin. Wala namang nagging problema, lumaki naman akong maayos sa pangangalaga ng Lola ko, kaso nang sumapit ang ika-sampung taong gulang na kaarawan ko, do'n siya binawian ng buhay. Kaya nagdesisyon sila Mama na muling kunin ako, at do'n ko na ramdaman ang pagkakaiba at ang pagtrato nila sa akin. Sa tuwing kumakain kami, mas pinapaburan nila ang kapatid ko. Kailangan muna namin siyang antayin bago kami kumain. Kapag nagkakasakit siya lahat ng atensyon ay nasa kaniya, pero kapag nagkasakit ako, hindi ko sinasabi sa kanila, isinasantabi ko nalang ang nararamdaman ko.

Nang magka-krisis ang pamilya namin, kinakailangan kong huminto sa pag-aaral, kahit na ako iyong matalino sa aming dal'wa ng kapatid ko. Ako nga itong palaging may award sa school, pero ni minsan hindi nila ako sinusuportahan. Pero si Kuya na isang award lang, special award lang, nakuha pa nilang maghanda.

Nang nakapagtapos ako, sinabi ko sa sarili ko na kahit na gano'n ang mga naging experience ko no'ng kabataan ko, malaki parin ang pasasalamat ko dahil kundi dahil sa kanila, marahil wala ako ngayon sa kinatatayuan ko. Kung hindi siguro nila ipinaramdam na kailangan ko ang tulong nila, marahil hindi ako ganito katatag.

Pero, iba na pagdating kay Abi.

Gustong-gusto ko siyang makasama, pero sa tingin ko at sa mata ng Diyos, maling-mali ang kagustuhan niya. Gusto ko siyang manatili sa piling ko, pero bakit kailangan pati si James mahimasok sa buhay naming dal'wa? Pero, ayaw kong mawala si Abi sa piling ko. Siya lang ang tanging taong tumanggap sa akin, nang walang pagdadalawang isip.

"Pumapayag na ako," sabi ko kay Abi. Tinawagan ko si Abi, tatlong araw mula ng umalis siya ng bahay.

"A-ano?" tila na gulat na gulat siya sa narinig niya mula sa akin.

"Ang sabi ko, pumapayag na ako sa gusto mo." Pilit kong kinakalma ang sarili ko.

"Gino, sigurado ka ba?" mukhang hindi pa siya nakukumbinsi sa mga sinasabi ko.

"Abi, gaya nga ng sabi mo. Ayaw kong mawala ka sa akin, kung kapalit nito ay ang pakikisama ko kay James, I'm okay with it." Sabi ko.

"Gino, kung nahihirapan ka, pwede naman kasi..."

"Abi. Gaya ng sabi ko, pipilitin kong makisama, okay? Don't worry about me, please, bumalik ka na dito sa bahay. Bumalik na kayo sa bahay," sabi ko sa kaniya. Tapos binaba ko na iyong tawag ko sa kaniya. Pagkababa na pagkababa ko ng tawag ay humagulgol ako ng husto. Ano bang nangyayari sa akin? Nasa katinuan pa ba ako? Bakit ko ginagawa ito sa sarili ko?

Tapos tinext ko si Pauline.

"Pumayag na ako." Sabi ko sa kaniya.

"Fuck!" reply niya.

"What the fuck! Gino! Are you out of your mind?" sabi niya sa text. Pero sa tingin ko kung nasa harapan lang ako ni Pauline ng minutong ito, marahil nabugbog na niya ako. Nasampal o mas higit pa do'n.

"Pauline, please try to understand me." Sabi ko sa kaniya.

"I'm trying, and I'm still trying to understand you, but deciding to accept this shit? What! Are you insane? Nasaan na ba ang pagmamahal mo sa sarili mo, Gino?"

"Ibinigay ko na lahat kay Abi,"

"That's the problem, ibinigay mo ang lahat. And guess what? Wala ng natira sa iyo, kaya kapag iniwan ka niya, lugmok ka na. Buhay ka pa, pero niluluto na iyong kaluluwa mo sa impyerno, gusto mo ba na ganito ang iku-kwento mo sa mga anak mo in the future, that their Dad once before the foolish of the year. Maybe the decade! Wala pa akong naririnig na taong kayang gawin iyang ginagawa mo, Gino."

"I'm sorry," wala na akong maisip na gustong sabihin kay Pauline. I know how upset she is, pero I already decided and I have to face the consequences.

"You don't have to say sorry to me. Wala ka namang ginagawang masama sa akin. Say sorry to yourself, kasi ako? Awang-awa na ako sa sarili mo. I maybe torelate my fake husband to do all of his shits in life, but I will not tolerate you doing the same thing. Napalapit na ako sa iyo, and I care about you, that's why I'm hurting because, I think I failed you."

"No you're not." Sabi ko.

"Yes, I am! I'm trying to fix things but it's getting worst, I guess."

"Pauline..."

"Kung gusto mong pahirapan ang sarili mo, go! Hindi kita pipilitin. Please, stop calling and talking to me, simula ngayon." Sabi niya sa akin.

I tried to call her after our conversation, pero she's now unattended.

Pati ang kaisa-isang taong nag-aalala sa akin, iniwan din ako. Tinalikuran na rin ako. Siguro, wala talaga sa kanila ang problema, kundi nasa akin.

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon