#40

2K 34 6
                                    


#40

Pauline's POV

Nakatingin ako sa harapan ng malaking salamin sa loob ng banyo ko. At sobrang awang-awa na ako sa sarili ko. Hindi ko mabilang kung ilang luha na ba ang naiyak ko ng gabing iyon. Pero, nakatingin parin ako sa salamin. Pilit kong kinakausap at tinatanong ang sarili ko, ano bang ginagawa mo sa sarili mo? Sinasabi ko na nga sa iyo na masasaktan ka lang pero pinilit mo parin. Sinubukan mo parin, kasi sa tingin mo magbabago siya? Ang gago mo! Kahit kailan, ang gago, hindi magbabago! Gago nga hindi ba? Anak ni satanas iyon e. Tapos, isa pa iyong babaeng iyon, akala ko ba naman totoo na iyong pagbabago niya, nakalimutan kong kahit na magsuot ng pinakamalinis na damit ang isang ahas, ahas parin siya.

Sanay na ako dito. Pero, hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan parin ako. Siguro kasi, akala ko totoo iyong naramdaman ko. Totoo ang lahat, pero akala ko lang pala iyon. Ako lang pala ang nag-iisip noon. Nag-assume na naman ako. Naging advance na naman iyong pag-iisip ko. Na ano? Na may forever kaming dal'wa ni James. Tanga! Wala namang forever. Iharap mo nga sa akin ang nakarating na sa forever! Nang masampal ko!

Nag-aral ka naman.

Naging maayos naman ang buhay mo.

Pero, bakit kailangan mo ulit bumalik sa pagiging lugmok! Pauline, malakas ka na hindi ba? Malakas ka na. Pero, bakit pagdating sa kaniya, ang hina-hina mo?

Nakakailang tunog na iyong phone ko, dahil panay ang tawag ni James sa akin. Marahil, tapos na niyang landiin ang babaeng iyon, kaya ako naman itong lalandiin niya. I turn off my phone, saka ko ito tinaob. Muli akong napatingin sa salamin, ang pangit-pangit ko na! Ang laki-laki na nang eyebags ko. Tapos nagkalat na iyong mascara sa mukha ko. Ang gulo-gulo na ng buhok ko. Ang chaka-chaka ko na.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kaagad na pumasok sa isip ko si Gino. Sa totoo lang, nang kasama ko si James, may pagkakataon na nakalimutan ko na si Gino. Kasi nga, akala ko naman totoo iyong ipinapakita niyang pagbabago, kaso, nagpakatanga na naman pala ako. Muli kong binuksan ang phone ko, saka ako nagtype ng mensahe sa kaniya.

Kailangan nang matapos ang kalokohan na ito, hindi ako makakapayag na ganito-ganituhin lang nila ako. Wala silang karapatang saktan ako nang ganito. Wala! Wala!

...

Gino's POV

"Hon?" rinig kong boses ni Abi ng minutong iyon. Tumayo ako sa kinauupuan ko at laking gulat ko na kasama pala niya si James. Kaagad kong tinulak ng malakas si James, na siyang naging dahilan ng pagkakasalampak niya sa sahig, pagkatapos ay sunod-sunod ko siyang pinagsasapak.

"Tarantado ka! Naaalala ko na ang lahat!" sabay sapak sa kaniyang maamong mukha.

"Tang-ina mo! Inahas mo ang asawa kong, gago ka!" muling dumapo ang kamao ko sa mukha niya.

Lumapit si Abi at saka niya ako pinigilan hanggang sa hindi ko namalayan ay bigla ko siyang nagsiko at nataamaan ang kaniyang tiyan. Napangiwi siya sa sobrang sakit, pero hindi ko kaagad napansin iyon. Nakatuon ang oras ko sa paggulpi ko sa gagong lalaking nang-ahas sa asawa ko.

Nang marinig ko na tila may sinasabi si James ng minutong iyon. Hindi malinaw pero tila para bang binabanggit niya ang pangalan ni Abi.

"A-abi..." sabi ni James, do'n lang ako napatingin kay Abi na nakaupo sa sahig at kaagad kong napansin ang dugo sa kaniyang paanan. Napansin ko rin ang dugo sa kaniyang hita, nanlaki ang mga mata ko't binitawan ko ang hawak kong kamay sa kwelyo ng damit ni James at binitawan ko narin siya saka ako lumapit sa asawa ko.

"A-abi... a-anong nangyari?" natatarantang tanong ko sa kaniya.

Nakatulala lang si Abi at tila para bang hindi makapagsalita, at sunod-sunod lang ang pagpatak ng luha nito.

"A-abi..." hanggang sa nawalan siya ng malay.

Kaagad ko siyang binuhat at hindi na ako nagdalawang isip na dalhin sa pinakamalapit na ospital sa lugar namin.

...

Abi's POV

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Gino ito. Isang malaking blessing ito, at alam ko na dapat na siya ang unang makaalam nito, pero dahil na nga sa mga nangyayari, pakiramdam ko, hindi pa ito ang tamang oras para sa sabihin sa kaniya na buntis ako. Ang kinakatakot ko, baka bumalik na ang ala-ala niya at bigla nalang niyang maisip na iwanan ako, at ang anak naming dal'wa. Karapatan naman niya iyon, pero h'wag naman sana na pati iyong bata ay idamay niya sa kung ano man ang hindi naging magandang nangyari sa aming dal'wa.

Anak ito ni Gino, at hindi ni James, dahil mahabang panahon na nang huling may nangyari sa amin ni James at tanging si Gino lang ang tanging lalaki sa buhay ko ngayon. At masasabi ko na siya talaga ang ama nitong batang dinadala ko sa sinapupunan ko.

Kaya kahit na wrong timing ay nakipagkita ako kay James at Pauline. Nabalitaan ko kasi kay James na nagkakamabutihan na ulit silang dal'wa. Nabalitaan ko pa nga na naconfine si James sa ospital dahil sa sakit na dengue nitong nakaraang linggo, mabuti nalang at nakalabas na kaagad siya. Constant parin ang comminucation naming ngayon, pagkatapos niyang bumalik sa buhay naming mag-asawa, hindi bilang karelasyon ko, kundi bilang isang taong masasabi ko na magpakakatiwalaan ko. Masasabihan ko ng problema ko. Dahil, kahit na ano mang nangyari sa aming dal'wa dati, masasabi ko na napakabuting kaibigan ni James sa akin. At gano'n din naman ako sa kaniya. Kaya nga nang minsang nagtanong siya sa akin kung paano nga raw niya maibabalik ang tiwala ni Pauline sa akin, sinabi ko na magpakatotoo lang siya. Ipakita niya lang na totoo na nagbabago siya. Ipiakita niya ang sarili niya at maging consistent. Good thing, gumana naman at sa ngayon ay nagdedate na sila.

Gusto kong sabihin sa kanilang dal'wa ang good news kaya lang pagdating ko sa venue, sa restaurant ay si James lang ang naabutan ko. Sinalubong niya ako labas, at kaagad kong napansin na wala si Pauline. Sabi ni James nagbanyo lang raw, nagpaalam ako sa kaniya na magbabanyo lang din ako, kaya pumunta ako ng banyo, pero hindi ko naman siya nakasalubong. Tapos, wala parin si Pauline, kaya sinabi ko na ang good news ko kay James, since iniisip ko na baka makasira lang ako sa date nilang dal'wa at baka hinahanap na ako ni Gino. Sa sobrang gulat ni James ay napayakap siya sa akin, tapos saka niya ako krinunggulate. Kaso napansin niyang bigla akong nagworry.

Sinabi niya na in-time na maiintindihan rin ni Gino kung bakit kinakailangan kong ilihim sa kaniya ang lahat ng kaniyang nakaraan. Ipakita ko lang raw na totoo ang pagmamahal ko sa kaniya at sabi niya magiging okay rin raw ang lahat. Magtiwala lang raw ako. Tapos inihatid na niya ako sa labas.

Tapos, bigla siyang nakatanggap ng text kay Pauline at sabi nito na mayro'n raw malaking problema sa office nila kaya kinakailanga niyang bumalik sa office. Napailing nalang si James at sinabi ko na ihatid nalang niya ako sa bahay at para makapagbonding silang dal'wa ni Gino.

Kaso, hindi ko naman inaasahan na sa ganitong paraan magtatapos ang lahat.

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon