#36

1.4K 33 10
                                    


#36

Randam ang awkwardness ng tatlo, maliban kay Gino na tila para bang excited at masaya na makita ang dating asawa ni Pauline na siyang kanilang kaibigan rin pala.

"Siguro ka ba talagang hindi tayo close noon?" hindi naiwasang itanong ni Gino kay Pauline ng minutong iyon ang tungkol sa napag-usapan nila noon, na sinabi ni Pauline na hindi nga raw sila magkaibigan, kundi magkakilala lang raw.

Hindi naiwasang hindi mapatingin kay James, saka niya inilunok ang pagkain naipon sa kaniyang lalamunan ng minutong iyon. Nang tanungin kasi siya ni Gino, ay kakapasok palang ng pagkain sa kaniyang bibig, halos maibuga na niya ito nang marinig nga ang tanong ng lalaki sa kaniya.

"Hindi nga, bakit ba ang kulit mo?" pangiting sagot nito.

"So, paano kayo naging related sa aming mag-asawa?" napalunok ng laway si Abi ng minutong iyon. Sunod-sunod na ang itatanong ni Gino, tila para bang may gusto siyang ipunto sa kaniyang mga tanong.

"Business partner," biglang sumagot si James, sabay tingin kay Abi.

"Dati kaming business partner ni Abi," dagdag pa nito. Napatingin si Gino kay Abi.

"Business? Wala akong maalalang business?" pagtataka nito.

"Hon, mayro'n. iyong sa may tagaytay?" sa isip-isip ni Pauline, gustong-gusto na niyang sabihin at umeksena na, business pleasure ang ibinibenta niya. Katawan niya para sa asawa nito. Pero, mabuti nalang napipigilan pa niya ang kaniyang sarili.

"Talaga?" sabay tingin kay Pauline.

"H-hindi ko alam. Itong asawa ko, este ex-husband ko kasing si James, marami kasi siyang tinatrabaho. I mean, maraming pinapasok. Ang ibig kong sabihin e, maraming business na pinapasok. Kahit ano, kahit alam niyang makakasakit siya ng pakiramdam ng ibang tao, okay lang magawa at makuha niya lang ang gusto niya," sarkastikong paglalahad pa ni Pauline ng minutong iyon na siyang ikinataka ni Gino.

"Makasakit?" kunot noong tanong ni Gino.

"A-ah, ano bang nasa isip mo? Ang ibig kong sabihin, like pagbebenta ng mga lupa. Gustuhin man niyang ibigay nalang sa mga mahihirap iyong lupa, hindi niya magawa, kasi business is business, hindi ba, Babe?" sabay kindat sa dating asawa. Napailing nalang si James na tila para bang hindi na niya nagugustuhan ang mga lumalabas sa bibig ng dating asawang si Pauline.

"Ganoon?" tila mukhang napaniwala naman niya si Gino sa kaniyang mga inimbentong kwento.

"So, paano kayo nagkahiwalay? E, mukhang mahal niyo pa naman ang isa't-isa?" napabuo ng mabilis si Pauline at natawa.

"A-ano? Mahal? Walang ibang minahal iyang si James," sabay tingin kay Abi.

"A-ano?" tanong ni Gino.

"Ang ibig kong sabihin e, walang ibang minahal iyang si James, kundi ang business niya. Kaya kami nagkahiwalay kasi, hindi na niya ako nabibigyan ng oras. Nababalewala na ako. Iyong pakiramdam na para kang anino? Ganern!" seryoso na sana pero sa dulo, binale ni Pauline, kasi parang ang bigat na kasi at ramdam na lahat ng mga tao na nasa loob, ang sakit na nararamdaman ni Pauline sa piling ng dati niyang asawa.

"I'm sorry, sana hindi mo na sinagot," paghingi pa ng tawad ni Gino kay Pauline.

"Sana hindi mo na tinanong, ang kulit mo kasi," tapos biglang tumayo si Pauline at nagwalk out. Tumayo rin si James at hinabol si Pauline. Hahabulin pa sana ni Gino ang dal'wa pero pinigilan siya ng kaniyang asawang si Abi.

"Pabayaan mo na silang makapag-usap dal'wa." Sabi ni Abi, sabay buntong hininga naman ni Gino ng minutong iyon at muling bumalik sa pag-upo sa hapagkainina.

Samantala, nahabol naman ni James si Pauline sa may labas ng bahay nila Gino, at hinawakan niya ito sa braso, nagpupumiglas si Pauline ng oras na iyon, pero hinila ni James si Pauline at napayakap ito sa lalaki, hanggang sa napayakap si Pauline sa dating asawa. Naramdaman niya ang kabog ng dibdib nito at ang init ng katawan. Namiss niya ang nakakahalinang amoy nito, dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya't do'n nagtama ang kanilang mga mata. Hanggang sa bumalik ang lahat ng mga sakit. Nang makita niya ito sa mismong mga mata ng lalaking gumawa at nagparanas sa kaniya nito.

Saka isang malakas na pagtulak at sampal sa mukha ang naabot ni James kay Pauline. Napangiwi si James sa lakas ng impact na nadulot ng pagkasampal sa kaniya ni Pauline. Ramdam mo iyong galit at hinagpis. Napatingin si James kay Pauline at lumuluha ito ng minutong iyon. Tumutulo ang luha na siya mismo ang gumawa.

Hindi naman niya ninanais na balikan siya ng dating asawa, pero gusto sana niya na matapos na ang lahat sa kanilang dal'wa. Gusto na niyang mabuhay ng matiwasay. Gusto na niyang mabuhay na walang galit sa puso. Gusto niyang humingi ng tawad, kahit na alam niyang hindi parin ito handa sa mga katagang kaniyang sasabihin.

Dahan-dahan na lumapit si James kay Pauline, pero dahan-dahan namang umaatras si Pauline.

"Diyan ka lang. Sisigaw ako, kapag lumapit ka pang muli sa akin." Pagtuloy parin ang pagtulo sa luha ng mga mata ni Pauline.

"Please, pakinggan mo naman ako." Pagsusumamo ni James ng minutong iyon.

"Wow! Parang ngayon lang ata kitang narinig na humingi ng please sa akin ah? Desperado ka na ba o mamamatay ka na? Don't worry, kapag nangyari iyon magpapaparty ako. Tiyak ko na sa impyerno ka iwewelcome kasama mga hayup na katulad mong demonyo ka." Giit pa ni Pauline.

"Sorry," tipid na tugon ni James.

"Sorry? Saan, sa babaeng pinaasa mo? O sa babaeng sinira mo ang buhay? Kasi wala na siya. Patay na siya, ibang Pauline na ang nasa harapan mo. Sa totoo lang, kaya na nga kitang harapin. Kilala na rin ako, may business na rin ako, kung mataas ka, mataas na rin ako. Kayang-kaya na kitang harapin, kayang-kaya na kitang..."

"Sorry, kasi ako ang dahilan kung bakit kinailangan mong maging matigas." Narinig ni Pauline na tila humikbi si James.

"Sorry, sana mapatawad mo na ako sa lahat ng mga nagawa ko. Pinagsisisihan ko na ang lahat ng mga nagawa ko, Pauline." Dagdag pa niya.

"Talaga ba? Hindi ko kasi ramdam, sa totoo lang wala nga akong maramdaman. Tama ka nga siguro, naging manhid na ako, naging matigas ako. At nagpapasalamat ako kasi dahil sa sakit na ipinaranas mo sa akin, naging successful ako. Kaya salamat, pero kung hinihingi mo ay iyong kapatawaran ko, sa tingin ko imposible iyon. Alam ko ang nasa isip mo, kung ang diyos nga nakuhang magpatawad ako pa kaya? Pwes, isa lang ang sasabihin ko sa iyo, hindi ako Diyos." Pagkatapos ay tumalikod na si Pauline at pumasok sa loob ng kotse niya't kumaripas ng pagtakbo palayo sa lugar na iyon.

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon