#24

1.4K 37 6
                                    


#24

Sa muling pagdilat ng mga mata ko, nagulat ako ng makita ko ang buong pamilya ni Pauline nakatitig sa akin. Napaiwas sila at mabilis nilang tinawag si Pauline, at maya-maya ay biglang dumating na siya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala ng muli na akong nagising.

"A-ano bang nangyari, patay na ba ako?" saka ko na naman nakita si Isaac at iyong duguan niyang bolo. Tinignan ko ang katawan ko, kumpleto pa naman. At mukhang hindi naman ako nananaginip dahil palihim kong kinukurot ang sarili ko ng minutong iyon.

"Wala kang naaalala?" tanong ni Pauline na para bang pinipilit niyang hindi matawa. Ano bang nakakatawa sa nangyari?

"W-wala." ramdam ko parin ang sakit ng ulo ko, pati na rin ang likurang bahagi ko.

"Tinaga ni Isaac iyong ahas na gumagapan sa paa mo," paliwanag pa ni Anton sa akin ng minutong iyon. Nanlaki ang mga mata ko. M-mayro'ng ahas sa paanan ko kanina?

"M-may a-ahas?" naghihysterical na tanong ko.

"Uy, kumalma ka na! Nataga na nga hindi ba? At isa pa, marami talagang ahas sa lugar namin, kaya if I were you, mag-iingat ka." Sabay tawa ni Pauline. Tinignan ko siya ng masama. Ang sama-sama niya sa akin. Alam naman niya na takot ako sa ahas tapos kung pagtawanan nalang niya ako parang, ewan lang.

"Uy, nagbibiro lang ako." Isa-isa ng nag-alisan ang mga kapatid ni Pauline ng minutong iyon.

"Pero, sa totoo lang nag-alala talaga ako sa iyo. Akala ko kung ano nang nangyari sa iyo, diba kasi sabi mo, madalas iyong pagkakahilo mo nitong mga nakaraang buwan?" sabi pa niya. Naikwento ko rin pala sa kaniya iyon?

"Oo, medyo sumasakit nga iyong ulo ko nitong mga nakaraang araw, pero sa tingin ko, dala lang ito ng stress" sabi ko.

"Nagpa-check up ka na ba?" tanong ulit niya sa akin.

"H-hindi, wala akong oras. Alam mo naman hindi ba? Mas marami pa akong oras para habulin si Abi kaysa sa sarili ko." Paliwanag ko pa sa kaniya.

"Okay. Uhm, salamat nga pala ah? Kasi bukas na bukas rin sasabihin ko sa kanila iyong totoo." Sa minutong iyon, ramdam ko sa mga salita at mata ni Pauline iyong pagkapurigido niya na masabi iyong katotohanan. Alam ko rin kasi iyong pakiramdam na may kinikimkim ka sa puso, halos hindi ka makahinga ng maayos kapag gano'n. Lalo na nakaharap mo iyong mga taong mahal mo.

...

Kinabukasan.

Maaga akong ginising ni Pauline. Mukha niya kaagad ang bumungad sa magandang araw ko. Napansin ko ang mapula-pula niyang pisngi at natural na ganda. Mas maganda pa pala siya kapag walang make-up, o kung ano-anong nakalagay sa mukha. Lumabas ang mas natural niyang ganda.

"Oh, makatitig naman ito!" napansin pala niya ang pagtitig ko sa kaniya.

"Sorry, a-anong oras na ba?" tanong ko sa kaniya. Nasa loob kasi ng bulsa ng pantalon ko iyong relo ko. Na nakasabit sa may pintuan at nandoon rin ang cellphone ko.

"Alas singko ng umaga," nakangiting sabi ni Pauline. Napansin ko na may dimple pala siya sa kaliwa niyang pisngi.

"A-ah?" tila para bang hilo parin ako ng mga oras na iyon. At masakit parin ang ulo ko.

"Hang-over? Sorry ah? Gano'n talaga ang mga Kuya ko. Pagpasensyahan mo na sila." Paghingi pa niya ng patawad sa mga kapatid niya.

"Okay nga sila e. Lalo na si Isaac. Sorry, ah? Kung inisipan ko ng kung ano-ano ang mga kapatid mo. Hindi ko naman kasi akalain na may ahas na pala sa paanan ko kagabi," sabi ko.

"Ang dami mong hanash! Ano, g?" kumunot ang noo ko.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya. Bigla niya akong hinila at hinawakan ang kamay ko't wala akong naging choice kundi ang mapatayo, kahit na nakashort palang ako ng oras na iyon. Kinuha ko ang pantalon ko at dali-dali ko itong sinuot. Tapos, napansin pa ng mga Magulag niya ang pagbaba ko ng oras na iyon, kumaway ako sa kanila at magiliw naman nila akong ningitian, at sinabi na bumalik raw kami kaagad dal'wa.

"Opo, inay!" pasigaw na sagot ni Pauline at tila para bang excited na excite siya ng minutong iyon.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya. Nakita ko ang mga kapatid ni Pauline na sina Anton, Isaac at Ramon na nagkakape sa may bakuran.

"Oh, kamusta 'tol?" tanong ni Anton.

"Hehe, okay naman, sige mauna na kami ah?" sabi ko sa kanila at saka sila nag-salute tatlo.

Pumasok kami sa kakahuyan. Naglakad ng kay tagal. Umakyat ng bundok hanggang sa marating na namin spot na nais ipakita sa akin ni Pauline.

Pagdating ko do'n ay hingal na hingal pa ako, at nang makita ko iyon ay para bang kakaiba ang naramdaman ko.

Parang gumaan ang lahat.

Nawala ang pagod ko ng makita ko ang nagkukumpulang mga ulap. Para bang ang lalambot nila sa aking paningin. Ang sarap hawakan. Ang sarap yakapin. Napansin ko si Pauline na paikot-ikot ng minutong iyon hanggang sa mapahiga sa madamong bahagi ng lupa at napatingala sa langit. Mula sa pagkakahiga niya at tinignan ko ang mukha niya, habang nakapikit parin siya sa muling pagdilat niya ay nagtama ang aming mga mata, saka siya ngumiti.

"Maganda ba?" tanong niya sa akin.

"Oo," mabilis na sagot ko.

"Maganda, ang lahat ng mga nakikita ko." Nakangiting sagot ko. Pati na rin siya, maganda sa paningin ko.

"See? Sabi ko na nga ba, magugustuhan mo." Tumayo si Pauline at pinagpag niya ang pantalon niya at muling pinagmasdan ang mga ulap.

"Gino," bigla niyang tinawag ang pangalan ko.

"B-bakit?" tanong ko.

"Alam mo bang ikaw pa lang ang unang lalaking nadala ko dito?" napakunot noo ako at para bang nagoverwelm dahil, marahil espesiyal ang lugar na ito sa kaniya at masasabi ko na marahil, espesiyal na rin ako para sa kaniya.

"T-talaga?" pagtataka ko.

"Bakit naman?" dagdag ko pa.

"Sinabi ko kasi sa sarili ko, na iyong unang lalaking dadalhin ko dito, siya na iyong huling lalaking gusto kong makasama habang buhay." Ibig bang sabihin...

"Si James, sana ang gusto kong dalhin dito, pero hindi ko maintindihan kung bakit parang ayaw ng tadhana? Sa tuwing niyaya ko siya dito, ayaw niya. O kaya may iba siyang gagawin. O may ipapagawa iyong mga kapatid ko sa kaniya, pero ikaw? Kaagad kang sumama. Hindi ka nagdalawang isip na sumama sa akin. Kahit na wala kang kaideya-ideya sa makikita o mararanasan mo." Paliwanag pa niya. Napansin ko ang mga mata niyang tila nanlilingid.

"Pauline..."

"Hmp, baba na tayo?" tanong niya sa akin.

"Sige, baba na tayo." Malungkot na sagot ko.

Gusto ko pa sanang magtagal dito, kaso nagdesisyon na siyang bumaba. Nagdesisyon na siyang itigil iyong pag-uusap namin. Marami pa sana akong gustong itanong. Sabihin, kaso biglang tumigil. Tumigil ang mundo naming dal'wa.


...

Ps.

Don't forget to leave comment and share it to your friends para ramdam rin nila ang feels! Hahaha.

The Battered HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon